Share

Maiiwan

ROSARIO'S POV

Bumukas ang pintuan ng silid namin ng aking asawa. Nilingon ko si Raiden na mayroong pag-aalala sa mukha.

"Are you okay, honey?"

Pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa. Ayaw kong magkagulo sila ng kaniyang pamilya sa akin. Gusto kong makuha ang loob ng kaniyang mga magulang pati na din ni Stacey na nag-iisa niyang kapatid. Hindi ko naman sila masisi kung ayaw nila sa akin, lalo pa at ang gusto nila para sa asawa ko ay ang ex niya. Wala na sila nang magkakilala kami, kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit nila para sa akin. Pero kahit na ganoon, susubukan ko pa din na magustuhan nila ako. Para naman magkaroon ako ng peace of mind.

Pero kung hindi pa din nila ako matanggap. Wala na akong magagawa pa. Atleast I tried. At sapat na din sa akin na may nag-iisang tao sa pamilyang ito na tanggap ako. At iyon ay ang lolo ni Raiden.

Ang mahalaga ay mahal din ako ng aking asawa. Napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal ng ipaglaban niya ako at pakasalan sa kabila ng labis na pagtutol ng kaniyang magulang.

"Yes, hon." Nilapitan niya ako at niyakap. Mahina akong tumawa at tinapik ang kaniyang balikat. Alam kong napapaisip siya dahil sa nangyari kanina. Ayaw kong nag-aalala siya sa akin. Baka kasi piliin na lang niya na bumalik kami sa aming bahay. Paano naman ang kaniyang lolo? Matanda na ito, kaya ayaw kong magkaroon ito ng sama ng loob sa amin. He's still recovering and he have a few more years left in this earth kaya gusto ko siyang alagaan.

He sighed and caress my wavy and soft hair.

"You want to go out?" masuyo niyang tanong.

"Huh? Saan naman?"

"Kumain tayo sa labas. Magbihis ka. I want to date my wife." Isang oras na lang kakain na kami. Baka may masabi na naman ang kaniyang Mommy, kaso nami-miss ko na ding lumabas. Kailangan naming mag-date ng aking asawa paminsan-minsan habang wala pa kaming anak.

"Thank you, hon." Niyakap ko siya at hinalikan.

"I love you, Rosario."

"I love you too, Raiden."

Sinuot ko iyong dress na binili niya sa akin nang may business trip siya sa Europe. Maging ang alahas, bags at sandals na bigay niya. Ngayon ko lang sinuot ang mga ito. Nag-ayos din ako ng kaunti para sipagin ang asawa ko na ilabas ako lagi.

"What do you think?" I asked him.

"Beautiful as always." Inakbayan niya ako at inaya ng lumabas.

Sa living room ay nakaupo ang buong pamilya niya. Kitang-kita ko ang pag-ismid ng mag-ina nang makita kami, pero pinilit kong ngumiti sa mga ito sa kabila ng pinapakita nila sa akin.

"Where are you going? Kakain na tayo," sabi ng aking mother in law.

"May party lang kaming pupuntahan, Mommy. Nakapangako na ako. Saka gusto ko ding ilabas ang asawa ko."

Ilang taon na si Raiden, pero kung mangialam ang kaniyang ina, aakalain mong teenager lang ang kaniyang anak.

Nagpa-reserve si Raiden sa isang sikat na five star hotel. Natuwa din ako dahil ang sasarap ng mga pagkain. Hindi ako nakakain ng maayos kanina sa mansyon kaya dito na lang ako babawi.

Magana din namang kumain si Raiden.

"By the way, honey. Aalis ako bukas ng gabi," paalam niya sa akin.

"May party kayo ng friends mo?" Okay lang naman sa akin na makipagkita siya sa mga kaibigan niya. Wala pa kaming anak kaya walang dahilan para higpitan ko siya at hindi payagan.

"No, hon. Pupunta ako ng ibang bansa. Business meeting. Mawawala ako ng anim na araw."

"Ganoon ba? Sige. Mag-ingat ka doon."

"Ayos lang ba na maiwan ka sa mansyon?"

Mahina akong tumawa pero ngayon pa lang naiisip ko na kung ano ang mga maaring mangyari sa akin sa kamay ng kaniyang ina, habang wala siya.

"Oo naman, honey. Saka kailangan kong alagaan si Lolo."

"Ang suwerte ko talaga sa'yo. Kaya mahal na mahal kita."

"Suwerte din naman ako sa'yo, ah. Ang guwapo mo na, ang bait-bait pa."

Kumindat naman siya.

Hindi pa kami agad umuwi. Nag-drive lang kami paikot-ikot sa syudad hanggang sa maisipan niyang mag-check in muna kami sa hotel.

"Puwede namang sa mansyon na lang tayo," sabi ko habang sinasabon niya ang aking likuran. Patuloy naman ang pagtulo ng tubig mula sa shower.

"Mas okay dito. Hindi soundproof ang kuwarto natin doon," he said giggling.

"Ikaw talaga." Hinarap ko siya at siya naman ang sinabon ko. Mula sa kaniyang leeg pababa ng kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang alaga na kinapikit niya.

Kagat ko ang aking labi habang pinapanood ang pagbukas sara ng kaniyang mata at kaniyang labi. He really look hot.

Nang hindi na ako makatiis, tumingkayad ako upang gawaran siya ng mainit na halik. Agad naman niya akong niyakap at sinandal sa dingding. Ang kaniyang alaga ay agad natagpuan ang aking lagusan.

"Oh, Raiden!"

Napahawak ako ng mahigpit sa kaniyang katawan. At sa tuwing natatamaan niya ang aking g-spot ay napapadiin ang kapit ko sa kaniyang balikat.

"Oh, honey. Still tight..." Nagsimula na siyang bumilis sa pag-ulos. Pabilis nang pabilis until we both cum.

Twelve midnight nang magpasya kaming umuwi. Nagulat nga kami dahil nakaabang pa ang mommy niya sa amin sa may living room.

"Akala ko kung napaano na kayo. You're not answering my calls."

"We're fine, Mom. And besides ilang taon na akong nagsosolo," sagot ni Raiden sa kaniyang ina.

"Magpapahinga na kami, Mommy. Magpahinga ka na din."

Binigyan ako ng nagbababalang tingin ng kaniyang mommy bago kami umakyat ng kaniyang kuwarto.

Hindi pa kami agad natulog dahil kailangan kong ihanda ang kaniyang mga damit na dadalhin para sa business trip.

Pumasok pa muna si Raiden sa opisina kinaumagahan. Half day lang daw siya ngayon dahil gusto niya akong makasama ng ilang oras bago siya umalis.

At habang wala siya, heto na naman si Stacey. Inaasar na naman ako sa kauutos niya.

"Tubig nga!" May maid naman pero ako pa talaga ang ginawa niyang utusan. Kung hindi lang ako pinapatawag ni Lolo hindi pa ako makakaalis dahil may pinapagawa siya sa akin.

"Baka bored ka kaya dito ka na lang muna, hija. Magpahinga ka at manood muna ng palabas."

Mabuti pa nga na dito na lang ako dahil baka maubos lang ang pasensya ko kay Stacey.

Nakaidlip pa nga ako habang nanonood, kung hindi lang pumasok ang aking mother in law, hindi ako magigising.

Masama agad ang tingin niya sa akin.

Si Lolo ang unang nagsalita.

"Pinagpahinga ko na muna si Rosario. Hindi siya puwedeng napapagod para hindi siya mahirapang magbuntis."

Halatang may gustong sabihin ang ginang, pero pinili na lang niyang itikom ang kaniyang labi. Tiyak na ikakasama lang ng loob ni Lolo ang lalabas sa kaniyang bunganga.

"Kapag pinapahirapan ka nila, magsabi ka lang sa akin."

Ngumiti ako. He's already old and I don't want him to be stressed.

Inasikaso ko na muna ang pagkain ni Lolo upang mapakain ko na siya. Pagkatapos niyang kumain ay pinainom ko siya ng gamot, bago ko siya iwan upang tingnan kung dumating na ang aking asawa.

"Mag-ingat ka, okay?" bilin niya. Para bang alam niyang hindi ako safe dito sa kanilang mansyon kasama ang kaniyang pamilya.

"Ikaw din, honey. Mag-ingat ka." Malungkot ako, pero alam ko naman na para ito sa kanilang negosyo.

"Mommy, kayo na po ang bahala sa asawa ko."

"Kami na ang bahala sa kaniya. Mag-ingat ka doon."

Naiiyak kong pinagmamasdan ang sasakyan na paalis. Ang bigat sa dibdib pero pinilit kong maging masaya dahil ako lang din ang mahihirapan, lalo na at kasama ko ang pamilya niya na mabigat ang dugo sa akin.

Aakyat na sana ako ng utusan pa ako ng aking byenan.

"Ipag-bake mo ako ng chocolate cookies."

"Po?"

"Ipag-bake mo ako ng cookies," ulit niya sa mas masungit at mas malakas na boses. Kaso gabi na. Alas-nuebe na. Hindi pa ba siya matutulog?

"Naririnig mo ba ako?"

"Opo. Mag-b-bake na po." Gusto ko pa man din sanang magpahinga na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status