"Honey..." Ang malambing na pagtawag sa akin ni Raiden ang nagpagising sa akin. Tinanghali na naman ako ng gising. Ilang araw ng ganito. Ilang araw na ding masama ang aking pakiramdam. "Are you not feeling well?" Tumango-tango ako. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niya akong niyakap. Nakabihis na siya. Papasok na siya sa trabaho. "Nag-breakfast ka na ba? Sorry, honey, kung lagi akong late nagigising.""It's okay, honey. Maaga pa naman. May breakfast meeting ako ngayon. Kumain ka na din mamaya, okay?""Yes, honey. Mag-ingat ka."Pag-alis niya, muli akong nakatulog. At nagising ulit ako dahil sa matinding kirot ng aking ulo. Nahihilo din ako at para bang hinahalukay ang aking sikmura. Naglalaway din ako. Nagmamadali akong tumakbo sa banyo upang sumuka. Ano'ng nangyayari sa akin?Naligo ako kahit nanghihina ako, para gumaan ang aking pakiramdam. My body was trembling. Nagugutom ako na hindi ko maintindihan. Wala akong lakas na bumaba kaya tumawag ako sa maid's quarter
Hindi nila ako nagawang palayasin dahil hindi pumayag si Lolo. Nag-request din siya na i-check ang cctv footage pero nataon naman na sira ang cctv, kaya hindi din matukoy kung kanino galing iyong lason. Nagpapunta na din sila ng mga pulis at lahat ng gamit namin ay hinalughog pero wala silang nakuhang ebidensya. Kaya maging ako at nagtataka din kung sino ang salarin. Naiwan ako sa mansyon dahil ayaw nila akong pasamahin sa burol ni Stacey. Para hindi na magkagulo, hindi ko na lang pinilit pa. Ayaw ko din namang ma-stress lalo at buntis ako. Ang asawa ko. Malungkot ako dahil pakiramdam ko naniniwala siya sa paratang nina Tilde at kaniyang mommy. Paano niya naisip na magagawa ko ang bagay na iyon? At sa araw pa mismo na masaya ako dahil nalaman ko na buntis ako? Ano'ng klaseng tao ako? Dapat alam niya iyon. Kanina pa ako iyak nang iyak. Sumasabay pa ang hilo na nararamdaman ko kaya sobrang sama ng pakiramdam ko. Umuwi si Raiden kinaumagahan pero hindi din siya nagtagal. Naligo la
Nalaman ko lang sa isang maid na sa study room daw natulog si Raiden. Mahimbing na din ang tulog ko nang pumasok siya sa kuwarto kinaumagahan upang maligo at magbihis. Pumasok na siya sa trabaho nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Masama ang pakiramdam ko pero lumabas ako upang makapagpaaraw sandali. Sobrang bigat ng ulo ko at ang puson ko ay sumasakit na naman. "Hija..."Pinilit kong ngumiti kay Lolo na lumapit sa akin. Inaalalayan siya ng dalawang nurse niya. Ayaw daw niya akong mapagod sa pag-aalaga sa kaniya kaya kumuha na lang siya ng isa pang nurse. "Kumain ka na ba?" "Wala po akong gana, lolo," sagot ko naman sabay haplos sa impis kong tiyan."Hindi ka puwedeng magpagutom. Ano ba ang gusto mo para maipaluto ko?""Hindi ko po alam..." Wala talaga akong gana. Hindi din naman ako nagugutom. Ang totoo niyan sinisikmura ako tapos sumasabay pa ang paminsan-minsan na paghilab ng aking tiyan, kaya mas lalong hindi ako makakain. "Kuhanan mo ng gatas si Rosario. Magbalat na din
Natulog ako na masama ang loob at gumising ako na masama ang pakiramdaman. Nagugutom na ako kaya bumaba na muna ako. Mamaya na ako mag-iisip ng gagawin ko ngayong araw, pagkatapos kong kumain. Naluha na lang ako nang sabihan ako ng mga maid na bawal akong kumuha ng pagkain sa fridge at sa pantry. How am I going to survive if I don't eat? Nalaman ko din na naospital si Lolo pero bawal ko din itong dalawin. Ginigipit ako ng aking byenan. Iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Sinasamantala niya na hindi kami okay ni Raiden. Gusto niya akong paalisin, pero hindi ko iyon gagawin. Magkakaroon ng buong pamilya ang aking anak. Alas-nuebe na at nagugutom na ako. Bumalik ako sa kuwarto upang bilangin ang natitirang coins ko. Makakabili pa naman ako ng pagkain, pero bukas wala na. Hindi naman puwedeng hindi ako kumain. Hindi ko na makita ang halaga ko sa mansyon na 'to, kaya naisip ko na maghanap na lang ng trabaho lalo at kinuha ng aking mother in law ang aking wal
Nagtataka ako paggising ko. Nakakumot ako at may dalawang unan din sa magkabilang gilid ko. Wala namang ibang gagawa nito sa bahay na 'to kung hindi ang aking asawa. Mapait akong ngumiti. Alam kong ginagawa lang niya ito para sa baby namin at hindi na para sa akin na asawa niya. Mabigat ang katawan ko na bumangon. Bago ako nakalabas ng bahay para pumasok ng trabaho ay nagsuka pa ako. Hilong-hilo ako at nakaramdam na din ako ng labis na pagkagutom. Wala na akong stock na pagkain. Mamaya kapag hindi kami mag-overtime, bibili ako ng pagkain para may makain ako kapag gutumin ng alanganing oras. Alas-otso na. Pumasok na siguro ang asawa ko. Sa iisang bahay pa din kami umuuwi pero masakit lang na para na kaming mga estranghero. I sighed and think of happy thoughts. Puwede namang maging positibo pa din sa kabila ng mga nangyayari. Pagsubok lang 'to, magiging maayos din ang lahat. Nag-taxi ako hanggang sa trabaho. Mabuti na lang at may pagkain na in-order si Pepper para sa aming lahat, ka
Hindi ako sumagot dahil may dumating na customer. Nagpaalam na din na aalis si Raiden, dahil may meeting daw siya. "Hihintayin kita sa bahay," sabi niya bago umalis. Hinalikan din niya ako sa pisngi pero hindi na ako sumagot pa. Panay naman ang sermon ni Pepper sa akin. "Hoy, babae! Huwag mong sabihing uuwi ka nga sa mansyon na iyon!" "Hindi nga. Kaya kumalma ka na." Kaso hindi siya naniniwala. Hanggang sa matapos ang shift namin, pinagsasabihan pa din niya ako. Nang sumakay ako sa kaniyang kotse, napangiti siya. "Mabuti naman at nakikinig ka sa payo ko," aniya sabay irap. Malapit lang naman ang condo niya pero dahil tinatamad kaming magluto at nag-crave ako ng fries at icecream nag-take out na muna kami. Pagdating namin sa basement, may tumabi sa amin na isang itim na sports car. Si Raiden! Pumalatak si Pepper. Naiinis siyang tumingin sa akin kahit wala naman akong ginagawa. Malay ko ba na susunod dito si Raiden. Bumaba ako upang kausapin ang asawa ko. "Hayaan mo na lang mu
Nahihirapan daw magsalita ang aking byenan kaya sumesenyas na lang siya, kaysa mapagod siyang magsalita. Tikom ang aking bibig. Kahit fake concern ay hindi ako nagpakita. Bakit pa, di ba? Hindi naman niya ako gusto. At saka hindi talaga ako kombinsido na may sakit siya. "Magpapahinga na ako," paalam ko sa aking asawa. Gusto ko ng mahiga. Mabigat din ang pakiramdam ng aking balakang at puson. Tumayo na din si Raiden pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naku! Hindi ko na lang sila inintindi pa. Nag-half bath ako at nahiga na sa kama naming mag-asawa. Maya-maya pa ay pumasok na din ng kuwarto si Raiden. Akala ko tatabi na siya sa pagtulog sa mommy at daddy niya. Nakita niya na hinahaplos ko ang aking likod. "You okay, honey?""Yes, hon. Pagod lang.""Baka nakakasama sa'yo ang pagtatrabaho mo." Heto na naman kami. "Maligo lang ako. Ima-massage kita," aniya. Matapos maligo, hinaplos-haplos niya ang aking likod. "Dadagdagan ko na lang ang allowance mo monthly, huwag ka lang magtrabah
Umuwi ang aking asawa bandang alas-dose. Hindi talaga planong manahimik ng byenan ko. Gusto niya ng gulo. Nakasimangot ako habang kumakain ng apple. Alam kong dumating na ang asawa ko pero hindi ako bumaba upang salubungin siya. "Honey..." tawag niya sa akin pagbukas ng pintuan ng aming kuwarto. Nakasunod sa kaniya ang mommy niya na naka-wheel chair. Kasama nito ang byenan kong lalake at ang personal nurse. Bumuntong hininga ako. Tinatamad na akong mag-explain. Nasabi naman na siguro ng magaling niyang ina ang nangyari. Kung paniniwalaan na naman niya ito, bahala na siya. Hindi ko naman hawak ang isip niya. Nagsimulang magsalita ang matanda. Hinihingal pa siya. Gigil na gigil pero dahil umaarte na may sakit, hindi niya mabilisan at malakasan ang pagsasalita. Tamad ko siyang pinagmasdan habang ngumunguya ng apple. Nang matapos siyang magsalita hindi pa din ako sumagot. Kaso mukhang hinihintay nila ang sasabihin ko. "Ang taong gumawa ng kasalanan, hindi iyan aamin," sabi ko. "Mas