Share

Staring at Sound | FS SERIES I
Staring at Sound | FS SERIES I
Author: ferocéarcadia

Simula

Simula

“Saan ang punta mo?” tanong sa ’kin ni Kuya Roy bago ako tuluyang makalabas ng bahay. Nilingon ko siya at nginiwian, “Bakit? Puntahan ko lang si Lynne.”

“Are you sure? O baka naman siya na naman?” seryoso niyang tanong sa ’kin.

Umirap ako at tuluyan ko nang pinihit ang door knob, “Babalik din naman agad ako.” I said to him then I went outside.

Nagmadali akong i-text si Lynne just to pick me up here dahil may usapan kami ngayon na pupunta kami sa lugar kung nasaan siya ngayon. Ilang minuto pa akong naghintay sa labas ng bahay bago pa siya dumating kaya inis na inis na ako.

“Bakit ang tagal mo? I already told you about this.” iritadong sinabi ko sa kanya pagkapasok ko sa passenger seat ng Fortuner niya.

Narinig ko ang pagmumura niya kaya tiningnan ko siya nang matalim, “Ano?”

“Shut up, Acel. Gusto mo bang ibangga ko ‘to para matigil ka na riyan? Ikaw na nga ‘tong nagpasundo..”

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa isang itim na Sedan na nag overtake mula sa likuran namin. Sabay kaming nagmura at binusinahan niya ito nang malakas. “Gago! Mamamatay ka rin!” galit na buga ko sa driver ng sedan na iyon kahit alam kong hindi na nito ako naririnig.

Kung anu-ano pa ang mga sinabi namin ni Lynne tungkol roon hanggang sa makarating kami sa parking lot ng building kung saan ang destinasyon naming dalawa. Ramdam ko ang biglang paglakas ng kalabog ng dibdib ko kahit nasa lobby pa lamang kami. May sumalubong sa ’ming receptionist na tinanong kaagad kami kung may appointment daw ba kami.

Lynne just shrugged her shoulder, “Pakitanong na lang sa kanya, Miss.”

Kumunot ang noo ko because of what she said. Bago pa ako makapagsalita ay bumaling na ng tingin sa ’kin ang babaeng receptionist, “May appointment po ba kayo, Ma’am?” ngiting-ngiti niyang tanong sa ’kin kaya sinalubong ko agad siya ng isang irap upang basagin ang trip niya.

“Wala. Ano ngayon?”

“Ay, Ma’am, pasensya na po. Hindi po kasi kayo pwede--”

“Sa tingin mo hindi ko alam ‘yan before I came here? Hindi ako bobo katulad mo. Tabi nga!” tamad na sinabi ko sa kanya na ikinagulat naman niya.

Pansin ko lang ang pag-iling ni Lynne sa ’kin. Hindi ba niya ako tutulungan?

“Ma’am, saglit lang po. Bawal po talaga kayo tumuloy--”

Mabilis ko siyang hinarap at tinaasan ng kilay. Bago ko pa tuluyang basagin ang umaga niya, inawat na ako ni Lynne by holding my arm.

“I’m sorry, Miss. May appointment kami kay Celina Samonte and we’re in a rush now. Late na kasi kami sa meeting namin sa kanya so, can you excuse us?”

Umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya sa babaeng receptionist na ito. Ngiting-ngiti pa si gaga, akala mo naman totoo.

Nakita kong tumango ang receptionist at may ibinigay sa kanyang papel saka niya ako hinila patungo sa lift, “So, what are we actually doing here, Acuzar? Maghahanap ka pa talaga ng gulo.” sermon niya sa ’kin habang titig na titig sa ’kin ang mala-pusa niyang mga mata.

Tiningnan ko lang siya habang hawak niya ang librong iyon na may navy blue na kulay na cover. It was from Coffee Deim. Bakit nasa kanya pa rin iyon? Ang tagal na no’n sa kanya. Ano bang mayroon do’n?

Tumikhim ako at umiling, “Who is Celina Samonte, again?” tanong ko sa kanya.

Mabilis ang pag-irap niya sa’kin at may kung anong ginawa sa cellphone niya, “Hihintayin na lang kita sa baba. Kaya mo naman, e.”

I just simply nodded at her at hinayaan ko na siyang bumaba sa floor na hinintuan namin dahil sa ibang mga kasabay namin na doon rin bumaba. Tahimik akong tumitig sa screen ng cellphone ko. Staring at him like this makes me wanna see him right now, right at this moment. Parang hindi ko na kayang hindi siya makita man lang.

“Sana makita na kita..” I almost whispered to myself.

I kissed my cellphone’s screen at itinago na iyon sa bulsa ng jeans ko. Inayos ko na ang sarili ko nang makita kong nasa 31st floor na ‘ko.

Mabagal lang ang lakad ko patungo sa kinaroroonan niya ngayon. Kanina lamang ay excited akong pumunta rito just to see him after a long year pero ngayon ay parang bigla akong naduwag.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong bumalik na lang ulit sa lift at umuwi na lang. What is wrong with me now?

I stop walking at tumayo muna ako sa gilid roon sa may fire exit. Sinilip ko ang pintuan kung nasaan siya ngayon,  expecting someone who will go inside or outside from there para naman makita ko kung sino ang nasa loob. Sakto namang may kumatok na isang babaeng may hawak na folder sa pintuan nila.

Maya-maya pa ay may lumabas na matangkad na babae na pula ang buhok. I suddenly want to scream when I recognize her face. She's Celina Samonte, their manager! Ngayon ko lang ito nakita sa personal and she is really a rockstar goddess kagaya ng mga sinasabi ng iba.

"I'll leave this door open para hindi ka na kumatok. Ang hirap magpabalik-balik kaya." dinig kong sinabi ni Celina do'n sa babaeng kumatok kanina lang.

Nakaramdam ako bigla ng inggit sa babaeng 'yon. Para bang biglang gusto ko na lang magtrabaho rito just to be with them whenever I want to. Kainis!

"Sige, Ma'am. Tawagin ko na lang sila pag tapos na." paalam no'ng babae kay Celina.

Celina smiled at her bago ito tuluyang umalis. Nang mawala na ang babae sa paningin niya mabilis na nagbago ang ekspresyon nito. She just changed her expression from a sweet into a stiff one. Whoa!

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa pintong nakabukas. Sana lang ay walang makakita sa 'kin rito dahil kung hindi ay tapos na ang lahat.

Nang masigurado kong walang makakahalata sa 'kin ay mabilis akong sumilip sa loob. Automatic na nalaglag ang panga ko when I saw them-- and him.

Oh my god!

"You need to practice more songs, boys. Come-on!" Celina said to them kaya mas lalong kumalabog ang dibdib ko.

They will sing! They will play their instrument in front of me, indirectly. Oh my fuck! They will fucking sing their songs while I am actually listening here! Shit. Shit, Acel!

"Last na ba 'to, Cel? Pagkatapos ay pwede na kaming kumain?" Miko ask to Celina, the lead guitarist of the band.

Fucking shit!

"Yes. So, you can start, now." utos niya sa mga ito.

Mas ipinasok ko pa ang ulo ko sa sungaw ng pintuan just to see him clearly. Gusto ko siyang makita nang malinaw! Gusto kong makita kung paano siya gumalaw, kung paano bumuka ang bibig niya sa bawat kantang kakantahin niya. I wanna feel his soul, too. Just like what he's doing everytime he sings.

Tang ina! Naiiyak na ako, ngayon pa lang!

(Vapor by 5 Seconds of Summer playing in the background)

Bigla akong nakaramdam ng panlalambot ng tuhod. Kahit anong gawing hawak ko sa kung saan ay kusa akong bumabagsak kaya naman saglit na binitiwan ko siya ng tingin dahil kung hindi, mahuhuli nila ako.

Malalim ang naging buntong-hininga ko. Trying to reach more air but it's not even enough for me to even breath properly. Pakiramdam ko ay may sumasakal sa 'kin.

Putang ina! Fucking help me!

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang lumandas mula sa mga mata ko while I can continously hearing him singing. His voice.. his fucking voice that always makes my knees melt.

"T-tang ina.. anong gagawin ko?" nanghihina kong bulong sa sarili ko.

Tuluyan na akong napaupo sa sahig nang marinig ko na ang chorus ng kinakanta nila.

Gusto kong sabayan sila sa pagkanta pero hindi ko magawa. My voice is slowly breaking. My poor eyes can't stop themselves from crying. Tang ina lang! Tang ina talaga!

"Wait a minute! What are you doing there, Cal?"

Agad akong napatayo when I heard Celina's voice. Sunod ko nang narinig ang pagsagot ni Caleb, the bassist and vocalist of the band at ang pagkakagulo nila sa loob.

"Kain muna tayo!" dinig kong sigaw ni Ash, ang drummer sa banda kaya naman mabilis akong sumilip sa nakabukas nilang pintuan.

But it is too late to even know that he's in front of me. Naramdaman ko na lang ang pagbangga ng ulo ko sa dibdib niya na ikinagulat naming lahat.

"What the hell?" I heard he cursed kaya napatingala ako sa kanya. "Who are you and what are you doing here?"

Napalunok ako nang tatlong beses when I heard that baritone voice from him. Hindi ko alam kung inuutusan niya ba akong sagutin ang tanong niya o iyon lang talaga ang reaksyon niya.

"Uhh.." I murmured.

"What happened?" I heard Celina said.

"Who are you?" ulit niyang tanong sa 'kin at kasabay no'n ang pagtitig niya sa mga mata ko.

I suddenly felt something inside my chest and in my stomach. Like I want to vomit or what dahil parang may kumikiliti sa looban ng tiyan ko.

His pair blue eyes is staying at mine. What should I do?

"K-kiel.." I whispered.

Hindi niya ako kilala?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aesthetica_Rys
Bat ang sakit agaaaaad yawa. Ako to si Acel, na mahal na mahal ka.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status