XANDRIA
I LOST count of how many times I practiced telling Zayn that I am pregnant with our second child. Napupuno nang excitment ang puso ko sa magandang balita na ito.
Inayos ko ang buhok ng anak ko bago ko siya kinarga. She's kinda heavy. Lumaki na si Zayrene. She's not a baby anymore. Habang lumalaki ay nahahati na ang features niya sa amin ng daddy niya. Though, mukhang mestiza talaga siya like her dad. Mestizo kasi si Zayn kaya mas lumulutang ang features nito sa anak namin. And now, madadagdagan na kami ng isa pang blessing. Kahit sa kabila ng problema na kinakaharap ng pagsasama namin ni Zayn, heto at nagiging matatag na kami.
I prepared a simple dinner for the three of us. Nagbake kami ni Zayrene ng dalawang cake at do'n ko nilagay sa isang cake ang pregnancy test ko na may dalawang line. Hawak ni Zayrene ang ultrasound at ibibigay niya iyon mamaya kay Zayn. I instructed her many times. Panay ang tango lang nito kanina pa. Nakakatuwa dahil naiitin
PINUNTAHAN ni Xandria si Nicco para kausapin ito tungkol sa problema ng kumpanya ni Zayn. She can't just wait for her husband to tell her about it. She knew, Zayn will not going to tell her his problem. Lalo na ngayon at buntis siya, mas lalong maglilihim sa kanya ang asawa niya sa totoong estado ng kumpanya nito. Kahit pa pa alam niyang maayos ang ibang kumpanya nito, ang Ace Builders ay mahalaga para sa kanyang asawa dahil nangako ito kay Mr. Lee na iingatan niya ang kumpanya lalo na ang mga empleyado dito. "Manong Rodel, 'wag niyo po sanang sasabihin kay Zayn kung saan tayo nagpunta ngayon. Ayoko pong mag-aalala siya, isa pa, baka mas lumala ang alitan nilang dalawa ni Nicco," bilin niya kay Manong Rodel habang nasa biyahe sila patungo sa opisina ni Nicco. Ngumiti si Manong Rodel sa kanya at tumingin sa rear view mirror. "Makakaasa ka Xandria. Sana lang ay magkaayos na ang dalawa . Silang dalawa ang pinakamalapit sa kanilang magpipinsan. Kaya na
KAKAALIS lang ni Zayn upang pumasok sa opisina. Kasalukuyang nanunuod silang dalawa ng kanyang anak sa entertainment room ng paboritong palabas ni Zayrene. Nakaupo si Zayrene sa sahig na may mattress na sapin at nakakalat sa tabi nito ang mga laruan habang si Xandria ay nakaupo sa sofa at nakaharap sa kanyang anak. Hands-on pa rin siya sa pag-aalaga kay Zayrene kahit na may kinuha na si Zayn ng yaya para sa anak nila lalo na nga at maselan ang pagbubuntis ngayon ni Xandria. Lagi siyang nakakaramdam nang pagkahilo at nasusuka tuwing umaga, pihikan din siya sa pagkain hindi tulad noon, noong ipinagbubuntis niya si Zayrene. Kahit muntikan nang nawala sa kanya ang anak niya noon, hindi naman siya pinahirapan noon ni Zayrene sa pagbubuntis at paglilihi niya. Marahil dahil alam siguro ng anak niya na malayo ang kanyang daddy. Habang nalilibang ang anak ni Xandria sa kakapanuod habang naglalaro, nagbabasa naman siya ng pregnancy book. This is her second child, pero g
"Zayn." Nag-angat ng tingin si Zayn sa tumawag sa kanya. Nasa hotel siya ngayon, isa sa kumpanya na pag-aari niya. Nasa opisina siya at hinihintay sina Xandria at Zayrene.Pagkatapos ng nangyari sa pananakot sa kanyang asawa, naisipan niyang dito muna ang mag-ina niya para mas mababantayan niya. Kinailangan kasi siya ngayon sa hotel. Si Wax ang pansamantalang nagaasikaso sa Ace and Builders."What are you doing here? " Nagtaas ang boses niya sa pagkainis pagkakita kay Celine. She is wearing a ruched dress. Hapit na hapit sa katawan na hindi naman nito karaniwang inaayos. Litaw na litaw ang hubog ng katawan at kaputian nito sa kulay burgundy na kulay ng dress niyang suot. Nakamake-up din ito at ayos na ayos ang buhok na bagong kulay.Napalunok si Zayn sa nakitang ayos ng dating kasintah
Xandria wore a two piece bikini. Nasa itaas pa si Zayn at susunod na lang sa kanila ni Zayrene. Pagkagising ng anak niya ay nagmerienda lang sila pagkatapos ay nagyaya na si Zayrene na magswimming silang dalawa. Hindi pa malaki ang tiyan niya kaya nagagawa pa rin niyang magsuot ng gano'n. Ewan ba niya, pagkakita kanina kay Celine ay nakaramdam siya ng kakaiba kaya sinuot niya ang two piece na dala niya. Balak sana niyang patungan iyon ng chiffon cover up dress pero dahil sa nakita niyang ayos ng dalaga kanina ay nakaramdam siya ng inis at selos. May ilang lalaki nang napapatingin sa kanya. Hindi naman niya iyon pinapansin dahil busy silang dalawa ng anak niya. Iniisip niyang dala marahil ng pagbubuntis kaya siya nakaramdam nang inis sa dalaga. Ayaw naman niyang palakihin ang nararamdaman na iyon dahil mabait si Celine sa kanya. Tinulungan siya nito sa pagpapaopera sa Tatay niya noon."Da
LUMAPIT si Clara kay Xandria at ginagap ang kamay nito."How are you, hija?" Tanong nito sa kanya pagkatapos nilang kumain ng tanghalian.Hindi na siya kagabi nakababa dahil sa pagod. Buong gabi halos inangkin siya ni Zayn kaya kaninang umaga ay nahirapan siyang bumangon dahil masakit pa ang katawan niya. Isa pa, nahihilo siya tuwing umaga. Hinayaan naman siya ni Zayn na tanghali na bumangon. Pinadalhan lang siya kanina sa room nila ng breakfast niya. Si Clara ang nagbantay sa apo niya. Binilin ito ni Zayn sa kanyang mommy na siya muna ang bahala kay Zayrene dahil nagpapahinga ang kanyang asawa. Hindi nila kasama si Alfonso dahil ayaw pa rin ito kausapin ni Zayn. Masama pa rin ang loob niya rito."Maayos naman, Mom. Nahihilo lang ako madalas.""Mabuti naman, hija... Xandi, I hope you can convince your husband to talk to his daddy. Matagal nang pinagsisihan ni Alfonso ang ginawa niyang pagkakamali noon. He changed."Tipid na ngumiti si Xandria. "Sus
"NOOO! Hindi totoo 'yan!" Saad ni Xandria habang umiiyak ito. Napaiyak na rin si Zayn habang nagwawala si Xandria at humagulgol dahil sa pagkawala ng kanilang anak. Awang-awang siya sa asawa. Kung p'wede na siya na lamang ang masaktan, 'wag lang niyang makita na ganito na nasasaktan ang ang asawa. "I'm sorry Mrs. Montecillo, but you lost your baby. You had a miscarriage." Saad ng Doctora kay Xandria. Niyakap niya ito at pilit na pinakalma.Hinawakan siya nito sa damit habang umiiyak at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kan'ya. "Sabihin mo sa 'kin na hindi totoo na wala na ang anak natin. Please, Zayn. Sabihin mo..." Nagmamakaawang saad nito. Hindi sumagot si Zayn at niyakap lang ang asawa. "Sabihin mo! Sabihin mo na hindi totoo, 'di ba?" Umiiling na saad ni Xandria. "Hon... I'm sorry..." Tanging nasabi ni Zayn sa garalgal na rin na boses. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Xandria sa sinabi ng asawa. Hindi nito matangga
"ALFONSO..." Mahinang sambit ni Selena sa pangalan nito pagkakita sa bisita.Nagdadalawang isip kung lalapitan ba niya ito. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago nilapitan ang dating kaibigan."Alfonso, what brings you here?" She forced to smile at him.Hindi pa man ito nagsasalita, alam niyang galit ito base sa ekspresyon ng mukha ni Alfonso."Nasaan si Barbara?" Galit nitong pagkakatanong sa kanya."Nasa Singapore. Anong-""Huwag mo ng pagtakpan ang kaibigan mo! Nasaan si Barbara!" Nagtaas na ito nang boses sa kanya na ikinaatras niya nang kaunti.She composed herself ag
XANDRIA Nakaupo ako sa gilid ng kama nang lumabas si Zayn galing sa banyo. Nag-aayos pa ito ng kurbata nang lumapit sa 'kin at hahalikan sana ako sa labi pero mabilis akong umiwas at tumayo. Hindi ko pa siya kayang harapin. Pakiramdam ko kasi, kasalanan niya kung bakit nawala ang anak namin. May taong may galit sa kanya kaya nadamay kami. Kung nagawan niya agad nang paraan iyon para mahanap ang taong iyon, hindi sana aabot sa ganito. Hindi sana nawala ang anak namin. He failed to protect us like what he promised to me. "Hon?" Nilapitan niya ako at niyakap mula sa likuran. "A-no ba, Zayn. Male-late ka na. " Malamig kong saad bago humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. "Pupuntahan ko lang si Zayrene." Dagdag ko bago lalabas ng silid. Pinigilan niya ako sa kamay. "May problema ba tayo, Andri?" Hinarap niya ako sa kanya pero nag-iwas ako ng tingin. "Sa pagkawala pa rin ba ito ng anak natin?" Tila pagod niyang saad. Hindi ako nagsalit