Yareli's POV KANINA pa ako gising pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang igalaw ang buong katawan ko. Ginusto ko ang nangyari sa amin at nadala ako sa emosyon at temptasyon, pero hindi pa rin mawala ang galit na nararamdaman ko sa kanila. Ano pa ba ang kaya nilang gawin sa akin na mas lalong magpapasakit sa kalooban ko? Pinatay nila ang tanging naging kaibigan ko na nagmalasakit sa akin, saktan ako, at sumbatan ako sa mga nagawa kong kasalanan na hindi ko naman ninais ay ano pa kaya ang susunod? Nagdarasal naman ako palagi sa at wala akong inagrabyadong tao, naging mapagmahal at mabait ako sa mga taong nasa paligid ko, pero bakit puro sakit at paghihirap na lang ang naging kapalit nang lahat ng nagawa kong mabuti sa mundong ito? Bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Wala na akong mailuha. Wala na rin akong lakas para magsalita at depensahan ang sarili ko sa magkakapatid na iyon dahil alam kong hindi nila ako papakinggan. Ano nang mangyayari sa buhay ko? Kaya ko pa bang
Third Person's POV AYAW mang sumama ni Ronnie sa paligang gaganapin ngayon sa plaza sa bayan ng San Felicidad ay kinailangan niyang sumali dahil sa laki ng cash prize na makukuha nila ng mga kagrupo niya sa basketball kung sakaling manalo sila laban sa kabilang grupo ng San Andres. Gusto niyang tuluyang iwasan si Jestin dahil sa nakaraang engkuwentro nila. Tinapos na nito ang pagkakaibigan nila dahil sa inggit at selos nito sa kanya, ngunit wala siyang magawa dahil kagrupo niya ito sa basketball kasama si Lorenzo at ang anim pa nilang mga kamiyembro. Mas pipiliin na lang niyang ilaan ang oras sa paghahanap kay Yareli, pero dahil kailangan ni Lorenzo ng pera para sa pambili ng gatas at maintenance ng ina nitong may sakit na high blood kahit papaano'y gusto niyang makatulong sa _tunay_ niyang kaibigan. May pag-asa rin na makabili siya muli ng bagong cellphone na magagamit niya sa pag-vi-video call sa panganay niyang kapatid na nasa Middle East. Nagkita-kita sila Ronnie, Jestin, Lorenz
Yareli's POV SA hirap at sakit na pinagdaraanan ko ay itinuloy ko pa ring pinakasamahan nang maayos ang magkakapatid na Steffano. Isang linggo na lang ang natitira at makakalaya na ako sa kanila gaya ng ipinangako sa akin ni Grant. Ramdam ko ang paninibago nila sa mga ikinikilos ko dahil sa maganda at maayos kong pagtrato sa kanila. Hindi naman sila nagtatanong sa akin kung bakit umaakto ako nang ganito na ikinahinga ko nang maluwag. Kasalukuyan akong kumakain nang pumasok sa loob ng kuwarto ang limang magkakapatid. Nakangiti sila habang si Efraim ay blangko pa ang ekspresyon ng mukha na inaasahan ko na. "Babe, pupunta tayo sa bayan. Pumayag sila River na makalabas ka para makapaglibang man lang," nakangiting sabi ni Grant nang lumapit sa akin. "Talaga?" tanong ko at tiningnan si River na nakangiti rin. "Yup! Gusto ulit naming makabawi sa'yo dahil sa nagawa namin. Mag-ayos ka na at aalis na tayo ngayon," ani River. Mabilis kong inubos ang pagkain ko at saka naligo at nagsipilyo.
Yareli's POV KINAKABAHAN ako. Sa isang iglap lang ay nandito na ako sa labas ng bahay na una kong kinalakihan at kinagisnan. Tinupad ni Grant ang sinabi niya sa akin na pagkatapos nang dalawang linggo na maganda at maayos kong pakikitungo sa kanilang magkakapatid ay palalayain niya ako at muling ibabalik sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, kahit ang kapalit ay ang pagtraydor niya sa mga kapatid niya, pero baka napagtanto niyang mali ang ginagawa nila sa akin. Kailangan ko rin na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ezekiel. Alam kong nakamasid sa akin si Grant sa paligid habang nasa labas pa rin ako ng bahay namin at kinakabahan sa magiging reaksyon ng pamilya ko sa oras na makita nila ako. Huminga ako nang malalim at unti-unting humakbang, pero hindi pa ako nakakalapit sa labas ng pintuan ay may nakita akong dalawang taong magkapatong at naghahalikan sa mismong sofa namin. Naaaninag ko sila sa labas ng bintana. Si Juancho ito at ang dati niyang nobya na si
Amir's POV GUSTO kong matawa sa pinagsasabi ni Dad sa aming limang magkakapatid at kay Juancho. Paano ko naging kakambal si Juancho? Magkamukha ba kami para maging kambal? At isa pa, I hate this moron, ni hindi nga kami magkasundo niyan, e, kaya paano ko siya magiging fraternal twin kung wala naman akong maramdamang lukso ng dugo sa kanya? I didn't hesitate to punch Juancho's goddamn face, which caused chaos inside the mansion. Grant already sent Yareli back to her family, and we will only find out from River, Efraim, and Irvin that this bastard of a man cheated on Yareli with Amanda! Ano ang karapatan niyang pagtaksilan si Yareli na babaeng kinababaliwan namin magkakapatid na Steffano? Napakasuwerte niya dahil siya ang minahal ni Yareli, tapos sasaktan niya lang ang babaeng mahal namin? "Amir, don't hurt your brother!" pag-awat sa akin ni Dad dahilan para kuwelyuhan ko siya habang nanginginig ang mga kamao ko sa galit. "What? He is my brother? I have no time for your jokes, Dad!
Yareli's POV NASA bahay namin si Mayet kasama si Jestin. Kinakumusta ako ng mga ito sa biglang pagkawala ko. Alam kong marami silang gustong itanong sa akin pero mas pinili na lang nilang hindi na magtanong dahil naramdaman nilang ayoko munang pag-usapan ang mga nangyari sa akin. "Nangupahan daw d'yan si Juancho sa pinaparentahang paupahan ni Aling Pacing sabi ni Kuya Dante." sabi ni Mayet na ikinahinto ko. Nalaman ko lang kahapon kay Amir na kakambal niya si Juancho at hindi ito tunay na anak nina Governor Vicente at Madame Josefina. Nang makita ko na umiiyak si Amir ay hindi ko mapigilang maawa para rito. Kahit sinong tao, kapag nalaman mong kakambal mo pala ang taong ipinakilala sa'yo bilang pinsan mo ay hindi mo maiwasang masaktan. Kaya pala gano'n na lang ang malaking pagkakahawig nina Juancho at Amir na napapansin ko noon pa dahil magkapatid pala sila at magkakambal pa. "Gano'n ba," tangi kong nasabi. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na pinagtaksilan ako ni Juancho
Yasewah's POV PINIGILAN ko ang sarili kong sugurin ang magkakapatid. Sa ibinalita sa amin ni Yareli ay hindi ko 'to lubos na matanggap. Buntis siya at isa sa magkakapatid ang ama ang ipinagbubuntis niya. Sinigurado nila na maaangkin nila si Yareli. Napakawalanghiya nila para buntisin ang kapatid ko sa edad nitong labinwalong taong gulang. Marami pang pangarap si Yareli sa buhay tapos ganito ang gagawin ng mga lalaking iyon? Hindi pa sila nakontento sa pagdukot sa kapatid ko at binuntis pa nila! Parang nitong mga nakaraan lang, maliit pa si Yareli at ako lang ang tanging lalaki sa buhay niya bukod kay Itay pero ngayon, hindi lang isa kundi lima ang bigla na lang dumating sa buhay niya at aangkinin siya sa puntong kaagad siyang bubuntisin ng mga ito. "Anak, kailangan siguro nilang malaman ito. Kahit ano pang gawin natin ay isa pa rin sa kanila ang ama nang ipinagbubuntis ni Yareli," maluha-luhang sabi ni Inay na pinapakalma ni Itay na nasa tabi niya. Napasabunot ako sa buhok dahil sa
Yareli's POV After 2 years... TOTOO na nakahihilom ng sugat at pasakit ang panahon. Sa loob ng dalawang taon ay natuto akong maging mas matatag para sa sarili ko at sa anghel na ipinagkaloob sa akin. Wala na yatang mas sasaya pa na makita mo ang isang bata na inilabas sa sinapupunan mo at dinala ito sa loob ng siyam na buwan sa iyong katawan. Marami man akong naging komplikasyon bago manganak ay naging sulit iyon nang ipinanganak ko si baby Hershe. Baby girl ang anak ko, ang anak namin ni River. Bago ma-admit sa mental health facility ang Steffano brothers ay nagpa-DNA Paternity test muna kami nila River, Irvin, Grant, at Amir para matukoy kung sino ba ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ko. Nang lumabas ang resulta sa isang linggo naming paghihintay ay nalaman naming si River ang ama ni baby Hershe. Nang magsagawa kami ng DNA Paternity test ay hindi pa kami maayos ni River at ng mga kapatid niya. Gusto nila akong kausapin noong mga panahon na iyon pero pinigilan ko ang sarili kong