Share

Chapter 52

“MA’AM LAURA, tumawag po si Miss Tamara. Hindi n’yo raw sinasagot ang phone n’yo. Tawagan n’ya raw po s’ya as soon as possible,” sabi kay Laura ng assistant niya pagdaan niya sa table nito pagkagaling sa studio.

“Okay, thanks,” may pagtatakang tugon ni Laura. Iyon ang unang pagkakataon na tumawag si Tamara sa landline ng office. Ibig sabihin importante ang dahilan ng pagtawag nito. Bigla siyang nag-alala sa kaibigan. Kabuwanan na kasi nito.

Nadatnan ni Laura na nagri-ring ang kanyang cell phone sa ibabaw ng kanyang desk pagpasok niya sa opisina. Si Tamara ang caller. Kaagad na sinagot niya ang tawag.

“Hello, Tam? Are you okay? Manganganak ka na ba?”

“Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan,” iritableng tanong nito.

“Sa studio. Sorry, naiwan ko ang phone dito sa office. Are you okay?”

“I’m okay. Anong oras ka pupunta dito?”

“Hmm… anong meron?” takang tanong niya.

“Oh, my, God! Nakalimutan mo na ba?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status