Share

Chapter 51

MATAMLAY at halos wala pang tulog na lumabas ng hospital suite si Laura para tumawag at magbilin kay Jio at sa assistant niya. Hindi siya makakapunta sa opisina dahil wala siyang balak na iwanan si Lance hangga’t hindi ito nagigising. Gusto rin niya na kapag nagising si Lance ay naroon siya.

Ilang oras na lamang at bente kuwatro oras ng natutulog si Lance kaya hindi nila maiwasang mag-alala. Ang paliwanag ng doctor ay marahil ay tumama rin ang ulo ni Lance sa car seat headrest o kung saang parte ng kotse nito at nagkaroon ito ng head injury. Nangyayari talaga na matagal magising ang pasyente na nagkaroon ng head injury.

Magdamag na binantayan ni Laura si Lance kasama sina Gian at Kirsten. Mabuti na lamang at kahit hindi niya hiniling ay nagkusa na si Tamara na dalhan siya ng mga damit kanina. Naiwan ang mga magulang ni Lance sa silid at mga kapatid nito at ilang kaibigan nang lumabas siya.

Tinungo ni Laura ang deserted reception area at tinawagan na si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status