Share

Chapter 50

“MABUTI naman at naisipan mong pumunta dito,” sarcastic na sabi ni Tamara kay Laura.

“Grabe ka. Naging busy lang naman ako kaya hindi na ako nakakapunta dito.”

“I don’t believe you. Kung hindi pa siguro nag-boy’s night out sina Ethan hindi ka pupunta dito. Laging si Lance na lang ang gusto mong kasama.”

Tumatawang niyakap ni Laura si Tamara.

“I miss you.” Her best friend was so cute kapag nagtatampo. Ang ganda nitong buntis. Halatang hindi naii-stress at alangang-alaga ni Ethan. Malaki na ang tiyan nito at konting panahon na lang ay lalabas na ang inaanak niya.

“I miss you, too.”

Nagkuwentuhan sila ng kung ano-ano habang kumakain.

“Nakausap ko nga pala si Johannes kahapon,” naalalang sabihin ni Tamara.

“Really? How is he?”

“Well, he’s doing good. He just finished a new novel. He tried to call you daw pero hindi mo sinasagot.”

“Hmm… for sure busy ako kapag tumatawag siya.”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status