“B-Blade… Ano bang ginagawa mo..?”
Pinilit kong magpumiglas at alisin ang pagkakasandal ko sa pader, pero wala itong silbi.
Mas idiniin lang ako ni Blade pabalik.
“Aray ko, ano ba!”
Napasigaw ako dahil sa lakas ng pagkakabalik ng likod ko sa pader. Pakiramdam ko ay para akong nabalian ng buto.
Buong lakas ko siyang itinulak gamit ang dalawa kong kamay, kahit na alam kong hindi nito magagalaw ang matipuno niyang katawan.
“Ano bang gusto mo?”
“Tutulungan kita.”
“A-Anong sinasabi mo?” maang maangan ko.
“Narinig ko ang buong usapan niyo kanina. Tutulungan kitang magustuhan ni Liam.”
Paulit-ulit akong kumurap nang may kunot sa noo dahil sa hindi ko maintindihan ng maayos ang gusto niyang iparating.
“Hindi kita maintindihan, ano bang ibig mong sabihin?
“Basta, magtiwala ka lang sa akin.”
Mas lalong nag s
Walang pakundangang hinila niya ako palabas ng restaurant nang hindi binibitawan ang kamay ko. Mabuti na lang at busy ang mga reporter sa kasiyahan.“Wait...” Hindi ko maalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil napaka-agresibo nitong lalaking ito.Hindi ko akalain na mararanasan ko ulit ang HHWW ngayon.Nang makarating kami sa isang arcade, tuluyan niya akong binitawan.“Oh gosh! Ikaw ba si Mr. Right?”“What the heck are you talking about?”Napanganga ako sa gulat kung paano niya ako kinakausap.“Hoy! Bakit nawala na lahat ng respeto mo sa akin?” pagmamaktol ko. “Kanina lang yumuyuko ka pa sa akin!”“I’m sorry, but it’s better to talk to you casually para mas maging madali ang lahat para sa'tin.”Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko lubos na naintindihan ang sinabi niya.“What exactly did you say? Mr. What?&rdquo
Habang kumakain ay paulit ulit kong pinapasadahan ng tingin si Blade, na ngayon ay tutok sa kanyang pagkain. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa itsura niya.“Blade…”Naagaw ko ang atensyon niya mula sa pagkalunod sa pagkain. Lumingon siya sa akin na puno ang bibig at ngumunguya.“Iniisip ko pa rin kasi yung sinabi mo sa akin kanina. Kung hindi ko ibibigay ang buong atensyon ko kay Liam, paano niya ako magugustuhan? Hindi ba dapat palagi akong nasa tabi niya?”“Simply because Liam doesn’t want anyone to take his property.”Nagsalubong ang kilay ko kasabay ng bahagyang pag angat ng aking labi. “Ibig sabihin, parte na ng mga plano mo ang pag alis natin sa restaurant kanina?”“Somehow yes. Pero, nakita kitang umiiyak sa sasakyan kanina. Kahit hindi mo sabihin sa akin ang dahilan, alam kong kailangan mo ng makakasama lalo na ngayong birthday mo.”Kaya pala k
Inilagay ni Blade ang magkabila niyang kamay sa tenga, at saka ay hinila ito.Nalaglag ang panga ko nang bigla siyang magtaas-baba.“One-Two-One-Two-One...Two…” ungos niya sa bawat pag-angat niya.“Huy Blade.” bulong kong tawag sa kanya. “Seryoso ka bang gagawin mo talaga 'yan sa lugar na 'to!?”“One-Two-One-Two...One… Two ..”Mukhang wala atang naririnig ang taong 'to at seryoso lang sa pagwo-work out dito sa loob ng restaurant.Pasimple akong lumingon sa paligid at hindi na ako nagtaka kung bakit ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa direksyon namin.Nakakahiya...Ibinalik ko ang tingin ko kay Blade na hindi pa rin tumitigil sa ginagawa niya kahit na makuha na niya ang atensyon ng lahat.“Hoy Blade... tumigil ka na nga!” malakas kong bulong habang ibinabaon ko ang mukha ko sa aking mga palad. “Blade!”“Shhh Crystal
Hinanap ko ang humablot sa akin ng phone at nakitang hawak na niya ito sa tainga niya. Nakasara ang mga mata habang ang isang kamay ay nakasilid sa bulsa.“B-Blade…”“Dadalhin ko siya sa isang restaurant malapit sa Spencers Corp.”Malalim ang tinig niyang utas habang kausap si mushroom sa kabilang linya.Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang iminulat niya ang kanyang mga mata.Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakabalot ng puting gasa, at may bakas ng dugo.“A-Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?”“Hindi ako okay. Pakiramdam ko nga para na 'kong mamamatay.” Sinulyapan niya ako bago ibaba ang tawag.“Hala, Blade. Sobrang sakit ba? Wala naman 'yan kanina. Paano ka-”“Crystal, okay lang ako. Maliit na galos lang.” sambit niya bago inabot sa akin yung phone ko.“Buti na lang at kusa kang nagpakita sa
[Crystal]“Dito mo na lang ako hintayin Blade, ako na ang kakausap sa kanya.”Tipid at walang gana niya lang akong tinanguan bago ako lumabas ng sasakayan at humakbang palayo.Anong nangyari kay Blade?Bigla na lang siyang nawala sa mood kanina at para bang sa isang pitik lang ay naging galit na galit siya.Ang sabi naman niya, wala akong nagawang masama sa kanya. Kaya mas lalo ko tuloy na ipinagtataka ang dahilan ng naging reaksyon niya.“Crystal!”Hinanap ko ang pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang kabute na nakaupo sa isang mesa sa tabi ng glass window.Ngumiti lang ako sa kanya at saka ay lumapit patungo sa kinauupuan niya..Sana lang may maganda siyang dahil na sasabihin sa akin. Hindi ko kasi matatanggap kung aaminin niyang nagsinungaling siya sa akin at totoong may binabalak siyang masama.Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga taong sinungaling.“Crystal, I'm glad t
“L-Liam... Bakit ka nandito?”“Can’t I attend? Sorry, no one forbade me. Just hold on so we can get inside, don’t be such a baby.”May mas iwe-weirdo pa ba ang lalaking 'to?Nakakatakot ang bilis ng pagbabago ng ugali niya.Minsan parang isang halimaw, at minsan naman ay mala-anghel.Kumapit na lamang ako sa braso ni Liam bago pa lumabas ang mga pangil na tinatago niya.Saglit niyang tinanguan ang dalawang guwardiya na silang nagbukas ng pinto.Hindi ko man lang napansin ang mga guwardiyang 'to kanina na parehong nakatayo sa harapan ng pinto dahil sa sobrang kaba. Siguro ay natatawa sila sa inasta ko kanina na halos magsuka na sa kaba.“Thank you, everyone, for attending the press-con I called. You know what’s probably the reason for the sudden call, don’t you?”Nagsimula nang magsalita ang ina ni Liam, habang kami ay nakaupo sa mga upuang nakalinya at nasa hara
“Anong ginagawa mo dito!?” nagtatakang bulalas ko. “You're finally awake.” Namilog ang aking mga mata dahil para bang ako lang ang nagulat sa aming dalawa. Unti-unting lumipat ang tingin ko kay Noah, na humakbang palapit kay Blade. “T-teka, bakit siya nandito? Hindi ba nasa panig siya ng mga Spencers?” Nalaglag ang panga ko nang iangat ni Noah ang kanyang braso para ilagay sa balikat ni Blade at akbayan siya. “Ako ang una niyang pinaglilingkuran bago pa siya pumasok sa mga Spencers. Isa pa, buo ang tiwala ko kay Blade dahil siya ang pinaka-tapat kong tao.” Napaismid ako. “Huh? Kailan pa?” “Three years ago.” Bahagyang tumingin sa kanya si Noah bago lumingon muli sa akin. “It's such a long story na hindi mo na kailangang malaman pa. Ang mahalaga, nandito si Blade at tinutulungan niya tayong makakuha ng insights sa lungga ng mga taong nilagay ka sa kapahamakan.” bumitiw si Noah kay Blade at saka ay lumakad pabalik sa upuan.
“A-Ano? Hindi pwedeng mangyari 'yan!” “However, it is what really happened while you were sleeping. Para makasiguro ka, pwede mong tingnan ang mga articles na lumabas a week ago. But I'm telling you, ipinasara na iyon ni Liam.” mataim ang mga titig ni Blade sa akin. “Pfft-” Naagaw ang atensyon ko sa tawa ni Noah. “Anong nakakatawa?” pinagtaasan ko siya ng kilay. “Hindi mo ba alam na nawala ang posibleng business na makakayang suportahan ang mga gastusin ko pati na ang pananatili ko sa bansang 'to?” Sumilay ang ngisi sa labi ni Noah. “Chill, hindi ko lang akalain na ganoon pala ka-cheap 'yang asawa mo. He took his gift back?” “Siguro dahil hindi naman talaga niya iniregalo sa akin ang resto na iyon. Ang sabi niya, ibinigay niya lang 'yun sa akin para hindi siya pagdudahan ng mga tao sa— Teka, wala man lang nakapansin na nawawala ako?” They were so invested in our lives kaya nung nalaman nilang pinakasalan ako ni Liam, sobrang da