Share

CHAPTER 58- EVERYBODY’S FAVORITE

“I heard about you. Noong nasa Siargao pa ako, napag-alaman ko ang balita na nagbalik ka na nga. Gusto ko sanang bumisita sa’yo o ‘di kaya ay makausap ka man lang. Ang kaso ay napansin kong masyado kang busy kasama si Jacob Castillo. Siya ang boyfriend mo hindi ba?”

“Yes, he is,” sagot ko habang marahang pinaglalaruan ang hawakan ng mug na mayroong lamang kape.

Ngumiti lang siya at hindi na umimik pa. I can see that he’s a bit uncomfortable talking to me. Siguro ay hindi siya sanay na makipag-usap sa akin dahil ilang taon na rin ang lumipas magmula nang huli kaming magkita.

Nang magkasalubong kami sa lobby ng building ng condo na tinutuluyan ni Kuya, it took me a lot of thinking if I’d invite him for a coffee. Mukha pa naman siyang nagmamadali sa pag-alis. Pero ayaw ko namang palampasin ang pagkakataon. Masyadong malawak ang Maynila. Baka sa susunod ay hindi na kami muling magkita.

“So, doon ka nakatira?” tanong ko sa kaniya. I was pertaining to the condominium building.

Tumango siya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status