Share

TCC #18.5 She's My Wife

Napabalikwas si Celine sa kanyang higaan nang sundutin ni Dustin ng balahibo ng manok ang ilong niya. Hindi pa siya nakakasuklay pero mukhang hindi man lamang nagulo ang kanyang buhok ng hanggang balikat ang haba. Napatawa si Dustin nang makitang may natuyong panis na laway sa may tabi ng labi ni Celine.

“Talagang kasiyahan mo na ang asarin ako ‘no?” saad ni Celine habang nag-iinat ng kanyang mga braso.

“Ayaw mo ba no’n nakakapagpasaya ka ng isang tao?” Tumawa ng nakakaloko si Dustin bago pumanaog sa may kusina.”Bumaba ka na riyan at tayoý kakain na. Nagluto ako ng tinolang manok.”

Nang maamoy ni Celine ang niluto ni Dustin ay dali-dali siyang bumaba at nanghiso. Dumirekta agad siya sa mesa pagkatapos. Yumuko siya ng bahagya at inamoy ang steam na nanggagaling sa tinolang manok.

‘Mukhang masarap! Buti na lang talaga maalam magluto ‘tong lalaking ‘to kung hindi pareho kaming mapupurga sa nilabon at prito.’

Ngumiti si Celine nang makita niyang nakati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status