Share

TCC #20.3 A Night to Remember

“Celine,” mahinang sabi ni Dustin. Nakahiga na sila sa kanilang kuwarto at magkatalikuran ang dalawa. “Celine, gising ka pa?”

Nakabalot ng kumot si Celine at nag-iisip kung sasagutin ba niya si Dustin o magpapanggap siyang natutulog na.

“Napagod ka siguro maghapon. Sige magpahinga ka na. Magpapahangin lang ako sa may tabing-dagat.”

Babangon pa lang sana si Dustin nang biglang umupo si Celine at nagpa-ipis-ipis patungo sa may pintuan.

“Tara?” aya ni Celine habang nakangiti.

“Akala ko tulog ka na. Bakit hindi mo ako sinasagot kanina?”

“Hindi kasi ako makatulog. Namiss ko bigla sina Tatang at Inay,” nakayukong saad ni Celine.

Tiniklop ni Dustin ang kanilang mga kumot at inayos ang mga unan. Mag-aalas dyis na ng gabi nang magkaayaang maglakad patungong dalampasigan.

“Ehem.”

“Makati lalamunan mo, Toro?”

Sinimangutan ni Celine ang kaniyang asawa.

“Huwag mo na nga akong tawaging toro. Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos tatawagin mo lang akong toro.”

Tumawa si Dustin at lumakad p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status