Share

TCC #22.2 I Laba You

Halos mangiyak sa kakatawa si Celine nang makita niya kung paano maglaba si Dustin. Nilagyan agad nito ng powder ang batya at inihulog ang mga damit dito. Hindi pa nababasa ni Dustin ang mga damit at balak na niya itong sabunin.

“Se-Seryoso ka ba sa ginagawa mo?” tumawa ng malakas si Celine at saka nagpatuloy. “Hindi iyan bubula kung hindi mo lalagyan ng tubig,” humagalpak ulit ng tawa si Celine.

“Hi-Hindi pa naman ako tapos. Heto nga at magtutungga na ako para lagyan ng tubig ang batya oh,” palusot ni Dustin. Nais na rin niyang tumawa dahil sa kapalpakan niya.

“Oo na lang, Dustin. Tulungan na nga kita at baka abutin ka pa riyan ng siyam-siyam.”

Ngumiti si Dustin at kinindatan si Celine, “Napaka matulungin talaga ng misis ko, kaya mahal kita eh.”

Bigla na namang dumagundong ang dibdib ni Celine. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Napakamot siya sa kaniyang noo at napa-iling sa sinabing iyon ng kaniyang asawa sa papel.

“Sayang ang sabon kung itatapon lang natin ang tubi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lendon Macaraig Perdiguerra
next update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status