Share

TCC #23.1 The Consequence

Nagliliparan ang mga papel sa pansamantalang opisina ni Feever. Malakas na inilapag niya sa kaniyang mesa ang kaniyang mga kamay. Napakagat sa kaniyang labi si Shantal nang makita niya ang mga ugat sa braso ng kaniyang amo. Nanlilisik ang mga mata ni Feever nang tingnan niya si Shantal. Tila gusto nitong patayin ang babaeng nasa harapan niya ngayon.

“WHAT HAVE YOU DONE, SHANTAL?” malakas na sigaw ni Feever.

Nagmistulang basang sisiw si Shantal. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Feever. Kagat-kagat niya ang kaniyang daliri habang ang kaniyang mga paa ay patuloy sa pagpadyak sa may sahig.

Hinawakan ni Feever ang kaniyang noo. Walang lakas siyang umupo sa kaniyang upuan.

“Alam mo ba kung magkano ang nawala sa kumpanya dahil sa katangahan mo?” Pilit niyang pinakalma ang kaniyang sarili para magsalita si Shantal.

“Hi-Hindi po.. Sir ..” nauutal na tugon ni Shantal.

“We have lost a hundred million pesos for Pete’s sake!”

Napaawang ang bibig ni Shantal. Napatawa na lang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status