Nang makarating ang tatlo sa kakahuyan ay agad na nagpakitang gilas sina Dustin at Clark kay Celine. Mayroon silang dalang tig iisang sako. Lingid sa kaalaman ni Celine ay napagkasunduan ng dalawa na kung sino ang unang makapuno sa sako ng mga panggatong ay siyang tatabi kay Celine sa kuwarto paglubog ng araw at ang matatalo naman ay sa may bangko sa kusina matutulog.Napaawang ang bibig ni Celine nang makita niya kung gaano kataas ng energy ng dalawa sa pangangahoy. Umiling siya at lumakad sa ibang direksyon. Naririndi siya sa bangayan ng dalawa. Nagbibilang ang mga ito sa tuwing makakapaglagay ng panggatong sa loob ng dala nilang sako."Nahipan yata ng hangin ang ulo nila. Jusko. Bahala nga kayo riyan," aniya habang naglalakad palayo sa dalawa.Sobrang focus nina Dustin at Clark sa pangunguha ng kahoy. Hindi man lamang nila napansin na nag-iba ng direksyon si Celine.'Sisiguraduhin kong sa kusina ka matutulog mamaya, Mr. Clark Simeon.''Unang gabi ko ngayon sa isla. Hindi ako makaka
Pakanta-kanta si Clark habang naglalakad sila pauwi. Nasa unahan si Celine at nasa pinakahuli naman si Dustin. Bitbit nila ang kani-kanilang mga sako na punong-puno ng mga tuyong sanga ng iba't ibang uri ng punongkahoy. Lumingon si Clark sa kaniyang likuran at ngumiti ng nakakaloko kay Saavedra. Nagkibit balikat lang si Dustin at tumakbo papunta sa direksyon ni Celine.“Celine, anong gusto mong ulam mamayang lunch?" Dustin asked with a twinkle in his eyes.“Hmmm, parang gusto ko ng sikar o kaya suso."Umikot ang mga mata ni Dustin. Tinapik-tapik niya ang kaniyang noo. Ngayon lamang siya nakarinig ng ganoong salita. Nagulat siya nang naisatinig niya ang tumatakbo sa kaniyang isip. “Nakakain ba ýon? Anong hitsura ng mga ýon? Masarap ba ýon?” Tumango si Celine at ngumiti sa kaniya, “Magpalit muna tayo ng damit tapos turuan kitang manguha ng sikar at suso.”Mabilis namang pumagitna sa kanila si Clark. “Mangunguha tayo ng sikar at suso?” Tumindig ang mga balahibo sa braso ni Clark. Laki
Pumikit si Celine at dinama ang hanging nagmumula sa direksyon ng dagat. Nakasuot siya ng sandong puti at short na maong. Sina Dustin at Clark naman ay parehong topless. Naka boxer lang ang dalawa. Sa kanilang bewang ay may nakataling recycled container. Tig-iisa silang bote ng 1.5 liters coke. Binutasan nila iyon at nilagyan ng tali para hindi sila mangalay magbitbit.“Celine, ano bang hitsura ng hahanapin natin?” Dustin asked with a black face.Hindi siya sinagot ni Celine bagkus ay yumuko ito para humanap ng sikar at sus*. Nang magkita siya ay agad niya iyong ipinakita kay Dustin.“Ganito ang hitsura. Kalimitan ay makikita ang mga ito sa damuhan o kaya sa batuhan. Buti na lang at saktong mababa ang tubig ngayon.”Naghiwa-hiwalay silang tatlo para makarami. Tuwang-tuwang tumakbo si Dustin palapit kay Celine nang magkita siya ng sikar.“Celine! Tingnan mo! Nakakita ako ng dalawang sikar!”Ngumiti si Celine at hinintay na makalapit sa kaniya si Dustin. Nang ilahad na nito ang kaniyang
Matapos magluto ni Clark ng ginataang sus* (snail) at niluyahang sikar, nagluto naman siya ng nilabong itlog. Si Celine naman ay naghahayin na sa mesa samantalang si Dustin ay prenteng nakaupo at pinapanood sila.“Are those things really edible? Ma turn off kaya si Celine kung nilabong itlog na lamang din ang kainin ko?” Dustin murmured while tapping his hands on the table.Tumaas ng bahagya ang mga kilay ni Celine, “May sinasabi ka ba, Pony?”Napalingon si Clark. He thought, “Pony? Is that an endearment?”“I’m just .. ahmm .. singing. That’s right. I’m just singing, Toro,” tugon ni Dustin.Clark’s mind reacted again, “Toro?” Hindi na napigilan ni Clark ang kaniyang sarili na magsalita. “You have your own names. Bakit ayaw niyong gamitin?” masungit na tanong ni Clark.“Hala may naiinggit,” pasaring ni Dustin.Hindi siya pinansin ni Clark at dinala na lamang ang mga niluto niya sa mesa. Hindi na niya pinatulan dahil ayaw niyang mag-aaway pa sila sa harap ng pagkain. Isa pa, iiyak din
Alas dos na ng madaling araw nang maalimpungatan si Dustin. Agad niyang kinapa ang kaniyang katabi sa pag-aakalang si Celine iyon. Ngumiti siya ng mahawakan niya ang mukha nito ngunit agad siyang tumalikod rito dahil ayaw niyang matukso. Kung gagalawin man niya si Celine, gusto niya ay pagkatapos iyon ng kanilang pangalawang kasal. Nahagip niya ang unan sa kaniyang ulunan at niyakap iyon. Napapitlag siya nang bigla na lamang gumapang ang mga kamay ni Clark sa kaniyang dibdib. Buti na lang at nailagya niya ang unan sa tapat noon dahil kung hindi, baka hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili.Napangiti si Clark nang hinayaan ni Dustin ang kaniyang pagkakayakap. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Wala siyang makita dahil napakadilim ng paligid. Nang maramdaman niyang humarap sa kaniya si Dustin ay hinaplos niya ang mukha nito.‘Napakakinis,” turan niya sa kaniyang sarili.Napangiti rin si Dustin sa ginawang iyon ni Clark, ‘Hindi ko akalain na siya ang gagawa ng first mo
Mag-a-alas dyis na ng umaga pero humaharok pa rin si Celine. Umalis sina Mang Tonying para pumunta sa kabayanan. Ang tanging naiwan lang sa bahay ay si Ronan, ang panganay na anak ni Mang Tonying.Nakatayo si Ronan sa may pintuan habang nakangiting pinagmamasdan si Celine. Matangkad, chinito, matangos ang ilong, manipis na mala kulay rosas na labi at mga matang kulay abo - iyan ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya hindi lang sa isla maging sa siyudad.“Who’s this pretty lady? She’s .. She’s cute while snoring,” he murmured.Si Ronan ay isang inhinyero gaya ni Clark. Minsan lamang siya umuwi sa kanila at mukhang sinuwerte pa siya sa pag-uwi niya. He’s still single and ready to mingle. Hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa kung sinong babae. Mayroon na siyang sariling condo unit, isang bahay sa Villa subdivision, isang Ford Ranger Raptor at eight digits savings sa edad na bente singko. Paulit-ulit niyang kinukulit ang kaniyang mga magula
Nakayukong lumabas ng pinto si Celine. Hindi siya makalingon sa kaniyang likuran dahil namumula na parang sauce ng spaghetti ang kaniyang mga pisngi. Nahihiya pa rin siya sa anak ni Mang Tonying. Hindi niya alam kung bakit nakasunod ito sa kaniya."Ba-Bakit mo ako sinusundan?" nauutal na tanong ni Celine."I want to know your name," tugon ni Ronan."Kapag ba sinabi ko, hindi mo na ako susundan?"Ronan paused for a while then he took a big leap. Ngayon ay nasa harapan na siya ni Celine."Susundan pa rin kasi I also want to know where you live."Kumunot ang noo ni Celine, "For what reason?""Well, I guess I'm interested on you."Halos masamid si Celine sa sinabing iyon ni Ronan. Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mas bumilis ang kaniyang mga hakbang kumpara kanina pero hindi pa rin siya tantanan ni Ronan."I'm Ronan," sabi nito sabay lahad ng kaniyang kamay.Since ipinagluto naman siya nito at may nakakahiya siyang nagawa rito ay nakipag-shake hands si Celine."Celine. Mrs. Celin
“Celine!”Umikot ang mga mata ni Celine nang makita niya si Dustin. Papalapit ito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kaniyang paglalakad pabalik sa kanilang bahay. Naihatid na niya si Ronan si kanila. Nadatnan nila roon sina Mang Tonying na nag-iimpake. Mukhang sasama na ang mga ito kay Ronan papunta sa Manila.“Celine,” mahinang sambit ni Dustin habang hinahabol niya ito.Ngumuso si Celine at nagkibit-balikat. Napagod na si Dustin sa kakahabol sa kaniya kaya sumigaw na lang ito.“CELINE MAHAL NA MAHAL KITA! SORRY! SORRY IF I HURT THAT BADASS!”Umiling lang si Celine at diretsong naglakad pauwi. Hinabol pa rin siya ni Dustin hanggang sa makarating na rin siya sa kubo. Lumipas ang ilang oras na hindi nagkikibuan at nag-uusap ang mag-asawa. Magtatanghalian na. Nagsimula nang magluto ng kinalamyasang isda si Dustin. Si Celine naman ay nagse-cellphone sa kanilang silid. Nakikipag-chikahan siya kina Freya at Celestine.Tinawagan ni Dustin si Celine para kumain ng lunch. Wal