Matapos magluto ni Clark ng ginataang sus* (snail) at niluyahang sikar, nagluto naman siya ng nilabong itlog. Si Celine naman ay naghahayin na sa mesa samantalang si Dustin ay prenteng nakaupo at pinapanood sila.“Are those things really edible? Ma turn off kaya si Celine kung nilabong itlog na lamang din ang kainin ko?” Dustin murmured while tapping his hands on the table.Tumaas ng bahagya ang mga kilay ni Celine, “May sinasabi ka ba, Pony?”Napalingon si Clark. He thought, “Pony? Is that an endearment?”“I’m just .. ahmm .. singing. That’s right. I’m just singing, Toro,” tugon ni Dustin.Clark’s mind reacted again, “Toro?” Hindi na napigilan ni Clark ang kaniyang sarili na magsalita. “You have your own names. Bakit ayaw niyong gamitin?” masungit na tanong ni Clark.“Hala may naiinggit,” pasaring ni Dustin.Hindi siya pinansin ni Clark at dinala na lamang ang mga niluto niya sa mesa. Hindi na niya pinatulan dahil ayaw niyang mag-aaway pa sila sa harap ng pagkain. Isa pa, iiyak din
Alas dos na ng madaling araw nang maalimpungatan si Dustin. Agad niyang kinapa ang kaniyang katabi sa pag-aakalang si Celine iyon. Ngumiti siya ng mahawakan niya ang mukha nito ngunit agad siyang tumalikod rito dahil ayaw niyang matukso. Kung gagalawin man niya si Celine, gusto niya ay pagkatapos iyon ng kanilang pangalawang kasal. Nahagip niya ang unan sa kaniyang ulunan at niyakap iyon. Napapitlag siya nang bigla na lamang gumapang ang mga kamay ni Clark sa kaniyang dibdib. Buti na lang at nailagya niya ang unan sa tapat noon dahil kung hindi, baka hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili.Napangiti si Clark nang hinayaan ni Dustin ang kaniyang pagkakayakap. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Wala siyang makita dahil napakadilim ng paligid. Nang maramdaman niyang humarap sa kaniya si Dustin ay hinaplos niya ang mukha nito.‘Napakakinis,” turan niya sa kaniyang sarili.Napangiti rin si Dustin sa ginawang iyon ni Clark, ‘Hindi ko akalain na siya ang gagawa ng first mo
Mag-a-alas dyis na ng umaga pero humaharok pa rin si Celine. Umalis sina Mang Tonying para pumunta sa kabayanan. Ang tanging naiwan lang sa bahay ay si Ronan, ang panganay na anak ni Mang Tonying.Nakatayo si Ronan sa may pintuan habang nakangiting pinagmamasdan si Celine. Matangkad, chinito, matangos ang ilong, manipis na mala kulay rosas na labi at mga matang kulay abo - iyan ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya hindi lang sa isla maging sa siyudad.“Who’s this pretty lady? She’s .. She’s cute while snoring,” he murmured.Si Ronan ay isang inhinyero gaya ni Clark. Minsan lamang siya umuwi sa kanila at mukhang sinuwerte pa siya sa pag-uwi niya. He’s still single and ready to mingle. Hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa kung sinong babae. Mayroon na siyang sariling condo unit, isang bahay sa Villa subdivision, isang Ford Ranger Raptor at eight digits savings sa edad na bente singko. Paulit-ulit niyang kinukulit ang kaniyang mga magula
Nakayukong lumabas ng pinto si Celine. Hindi siya makalingon sa kaniyang likuran dahil namumula na parang sauce ng spaghetti ang kaniyang mga pisngi. Nahihiya pa rin siya sa anak ni Mang Tonying. Hindi niya alam kung bakit nakasunod ito sa kaniya."Ba-Bakit mo ako sinusundan?" nauutal na tanong ni Celine."I want to know your name," tugon ni Ronan."Kapag ba sinabi ko, hindi mo na ako susundan?"Ronan paused for a while then he took a big leap. Ngayon ay nasa harapan na siya ni Celine."Susundan pa rin kasi I also want to know where you live."Kumunot ang noo ni Celine, "For what reason?""Well, I guess I'm interested on you."Halos masamid si Celine sa sinabing iyon ni Ronan. Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mas bumilis ang kaniyang mga hakbang kumpara kanina pero hindi pa rin siya tantanan ni Ronan."I'm Ronan," sabi nito sabay lahad ng kaniyang kamay.Since ipinagluto naman siya nito at may nakakahiya siyang nagawa rito ay nakipag-shake hands si Celine."Celine. Mrs. Celin
“Celine!”Umikot ang mga mata ni Celine nang makita niya si Dustin. Papalapit ito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kaniyang paglalakad pabalik sa kanilang bahay. Naihatid na niya si Ronan si kanila. Nadatnan nila roon sina Mang Tonying na nag-iimpake. Mukhang sasama na ang mga ito kay Ronan papunta sa Manila.“Celine,” mahinang sambit ni Dustin habang hinahabol niya ito.Ngumuso si Celine at nagkibit-balikat. Napagod na si Dustin sa kakahabol sa kaniya kaya sumigaw na lang ito.“CELINE MAHAL NA MAHAL KITA! SORRY! SORRY IF I HURT THAT BADASS!”Umiling lang si Celine at diretsong naglakad pauwi. Hinabol pa rin siya ni Dustin hanggang sa makarating na rin siya sa kubo. Lumipas ang ilang oras na hindi nagkikibuan at nag-uusap ang mag-asawa. Magtatanghalian na. Nagsimula nang magluto ng kinalamyasang isda si Dustin. Si Celine naman ay nagse-cellphone sa kanilang silid. Nakikipag-chikahan siya kina Freya at Celestine.Tinawagan ni Dustin si Celine para kumain ng lunch. Wal
Kagat-labing hinubad ni Saavedra ang lahat ng kaniyang saplot habang naka-focus ang kaniyang mga mata sa babaeng nasa harapan niya ngayon. Hindi siya makapaniwalang kusang susuko si Celine sa kaniya. Sinampal pa niya ang kaniyang sarili para kumpirmahing hindi siya nananaginip.Lumakad siya paatras at tumalikod. ‘Tama bang patulan ko si Celine? Mukhang mataas ang kaniyang lagnat at mukhang nagdedeliryo siya.’ Nagitla siya nang bigla siyang niyakap ni Celine sa kaniyang likuran. Napatingin siya sa bagay na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Galit na galit na ito.“Dustin.” mapang-akit na tawag ni Celine.Marahang hinarap ni Saavedra ang kaniyang asawa. Habang lumalakad siya ay umaatras naman si Celine. He pinned her hands on the wall and started to kiss her, gently and then torridly. Napaatras siya nang biglang hawakan ni Celine ang kaniyang alaga.“Shit!”Ngumiti si Celine nang nakakaloko. "I had no idea you were so mischievous." ani Dustin. He smirked and kissed his wife again. Bana
Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Dustin matapos ibigay ni Celine ang sarili sa kaniya. Natulog siyang may ngiti sa kaniyang labi. Plano na nilang umalis sa isla kinabukasan para asikasuhin ang kanilang pangalawang kasal.Nang magising si Dustin ay agad niyang kinapa si Celine sa kaniyang tabi.'She's not here,' he thought.Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nang maalala niya ang mga nangyari kagabi ay hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Nag-inat-inat siya at naghikab bago tuluyang bumangon."Siguro nagluluto na ang mahal kong asawa ng aming umagahan," aniya.Tiningnan niya muna ang kaniyang mukha sa salamin. Pinahid niya ang mga muta sa kaniyang mga mata at pagkatapos ay saka ngumiti ng pagkakalapad sa harap ng salamin."Sobrang gwapo mo talaga Dustin, tsk!" usal niya sa kaniyang sarili.Pasipol-sipol pa siyang bumaba ng kanilang silid. Ipinangako niya sa kaniyang sarili kagabi na gagawin niya ang lahat para sa babaeng itinitibok ng kaniyang puso. Iwawaksi na niy
Napahawak si Celine sa kaniyang ulo."Aray!" daing niya.Tumagilid siya ng higa. Nakapikit pa rin siya."Bakit ang lambot ng higaan ko?" bulong niya sa sarili.Napangiti siya nang maalala niya kung paano niya isinuko ang kaniyang sarili sa lalaking mahal niya."Dustin, gising ka na ba?"Kumunot ang kaniyang noo nang walang tumugon sa tanong niya.'Siguro nagluluto na siya ng umagahan,' she thought.Naghikab siya at nag-inat-inat. Pinunasan niya ang tabi ng kaniyang labi at kinusot ang kaniyang mga mata. Ramdam na ramdam pa rin niyang kumikirot ang bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita.'Masyado yata akong napagod kagabi.'Nang dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, isang puting kisame ang tumambad sa kaniya. Nagsalubong ang kaniyang kilay. Nang mapalingon siya sa may bandang bintana ay tuluyan na siyang napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga."Where am I?" she asked with a quavering voice.She looked at herself. Nakasuot siya ng kulay itim na dress. Her feet automatically ra