Share

TCC #30 Their Common Enemy

Nakayukong lumabas ng pinto si Celine. Hindi siya makalingon sa kaniyang likuran dahil namumula na parang sauce ng spaghetti ang kaniyang mga pisngi. Nahihiya pa rin siya sa anak ni Mang Tonying. Hindi niya alam kung bakit nakasunod ito sa kaniya.

"Ba-Bakit mo ako sinusundan?" nauutal na tanong ni Celine.

"I want to know your name," tugon ni Ronan.

"Kapag ba sinabi ko, hindi mo na ako susundan?"

Ronan paused for a while then he took a big leap. Ngayon ay nasa harapan na siya ni Celine.

"Susundan pa rin kasi I also want to know where you live."

Kumunot ang noo ni Celine, "For what reason?"

"Well, I guess I'm interested on you."

Halos masamid si Celine sa sinabing iyon ni Ronan. Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mas bumilis ang kaniyang mga hakbang kumpara kanina pero hindi pa rin siya tantanan ni Ronan.

"I'm Ronan," sabi nito sabay lahad ng kaniyang kamay.

Since ipinagluto naman siya nito at may nakakahiya siyang nagawa rito ay nakipag-shake hands si Celine.

"Celine. Mrs. Celin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status