Share

TCC #21.1 Courting My Wife

"Anong meron?" ani Celine habang nakatingin sa maraming pagkain sa mesa. Tinanghali na siya ng gising dahil napuyat siya kaka-isip sa mga pinagsasabi sa kaniya ni Dustin nitong mga nagdaang araw.

"It's my first day!" mabilis na tugon ni Dustin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Celine. Napakamot siya sa kaniyang ulo at dahan-dahang lumakad papunta sa hapag-kainan.

"First day saan ga, Dustin?"

"I told you. I am going to court you," nakangising sambit ni Dustin habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Celine.

"Hindi pa ga malinaw sa iyo ang mga sinabi ko?"

Nagkibit-balikat lamang si Dustin. Umupo siya at nagsimula na ring kumain ng umagahan.

"Toro, ano ang pinaka paborito mong ulam?"

Napatigil sa pagsubo si Celine. "Bakit mo naman natanong?"

"Pag-aaralan kong lutuin," nakangiting tugon ni Dustin.

"Binagoongan, pinakbet, igado, dinuguan, pastel, sweet and -- "

"Te-Teka, Celine. Bakit ang dami naman ata? Ang tanong ko naman eh kung ano ang pinaka paborito mong ulam. Bakit ang dami mong sinabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status