Share

TCC #21.3 The Unexpected Message

Nagulat sina Mr. at Mrs. Saavedra nang may nahuli silang mga isda. Halos magtatalon si Dustin sa tuwa nang mahawakan na niya ang pinaghirapan nila ni Celine.

“May maii-ulam na tayo ngayong lunch at mamayang gabi!”

Tinulungan ni Celine na magbuhat ng lambat si Dustin. Humanap din siya ng matibay na kahoy para may pagsabitan ang lambat at saka nila iyon inilagay sa mababang sanga ng dalawang bakawan.

“Nakakatuwa! Ang dami nila! Maaari nating ibenta ang iba para may maibili tayo ng gulay o kaya ng karne,” suhestiyon ni Celine.

Aalisin na sana nila ang mga isda sa lambat nang biglang dumating si Mang Tonying.

“Sir Dustin! Ako na po ang mag-aalis ng isda sa lambat baka po matinik pa kayo,” magalang na bungad ni Mang Tonying. Nasa singkwenta na ang edad niya pero malakas pa rin ang kaniyang pangangatawan at aktibo siya sa pangangalaga ng isla. Isa siya sa mga binabayaran ng gobyerno para panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng Mantigue Island.

“Naku, ako na po Mang Tonying. Nakakahiya na p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status