Share

TCC #36.3 Danger

Nanginginig sa galit si Clark habang pinagmamasdan ang walang malay na si Celine. Hawak-hawak niya ang isang kamay nito. Mayamaya pa ay tuluyan nang pumatak ang kaniyang mga luha.

"Bakit patuloy kang pinagtataksilan ng mga taong malapit sa puso mo? I couldn't understand. Hindi mo deserve ang masaktan nang paulit-ulit," ani Clark. Kinuha niya ang cellphone niya at tinitigan iyon. "Ipapaubaya ba ulit kita kay Dustin o kailangan na kitang bawiin sa kaniya? Magiging masaya ka ba sa piling ko kasama ang magiging anak mo o mas magiging komportable ka kapag si Dustin ang makakasama mo hanggang sa manganak ka?"

Bumuntong hininga si Clark at sumandal sa may upuan. Stable na si Celine. Anumang oras ay magigising na ito. Nagdadalawang-isip pa rin si Clark kung sasabihin ba niya kay Dustin na nasa kaniya si Celine o tuluyan na niyang ilalayo ang babaeng mahal na mahal niya sa kaniyang karibal.

"God, please help me." Pumikit si Clark at nanalangin nang taimtim. Tumulong muli ang mga luha niya sa k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status