Bahagyang nanulak si Maya, at bumagsak sa lupa ang pangit na si Quincy.Nagalit siya habang iniisip niya, ‘May sakit ka ba? Ako na nga ‘tong nagmamabait para iligtas ka. Wala ka na ngang utang na loob, naglakas-loob ka pang itulak ako? Buweno, tingnan ko kung paano ka mamamatay mamaya. Kung susubukan kong iligtas ka, hindi na ako si Zoppins!’Kahit na ang taong ito ay nanirahan sa manor ng mga Rockefeller sa loob ng isang araw, si Holly ang nag-asikaso sa kanya. Wala siyang nakikitang ibang tao, kaya wala siyang kamalay-malay sa takot ni Maya.Sa sandaling ito, lumingon siya para tingnan si Maya at nakita niya itong nagmamadaling pumunta sa harap ng mga tao na mag-isa para harapin ang mga nakakakilabot na umiilaw na insekto. Para bang tinamaan ng kidlat si Quincy habang iniisip, ‘Baliw, kamatayan ang hanap mo!’Gayunpaman, sa sumunod na sandali.Tuluyan na siyang natulala sa imaheng nasa harapan niya.Pakiramdam niya ay mabilis na bumaba ang temperatura sa kanyang katawan. Ngayon lang,
Sabi ni Darven, “Dapat tayong magmadali at maghanap ng paraan para makalabas. Sarado ang espasyong ito. Kahit na walang ibang panganib, mamamatay tayo sa kakulangan sa hangin sa paglipas ng panahon.”Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon.Sabay-sabay na naghanap ang iilang tao sa paligid upang malaman kung makakahanap sila ng malalabasan.Gayunpaman, pagkatapos na maghanap ng mahabang panahon, hindi pa rin nila mahanap ang paraan upang makalabas. Para bang isa itong ganap na saradong espasyo. Sa sobrang galit ni Quincy ay sunod-sunod niyang sinampal ang pader para mailabas ang sama ng loob sa kanyang puso. “Sinabi ko na sa inyo eh, nakakatakot na lugar ang Caesar’s tomb. Nakulong na tayo dito pagpasok natin. Sadyang sinusubukan nitong malagutan tayo ng hininga o mamatay sa gutom! Napakaraming libingan na ang pinasok ko. Ito ang pinaka-nakakatakot.”Dahil dito, sa patuloy niyang paghampas dito, bigla siyang may natamaan na may tunog ng klik.Isa itong tunog ng partikular na makina.Ahhh
Sa pagkakataong ito, walang nangahas na magtaas ng paa at humakbang papasok sa pinto.Sa halip ay nagkatinginan sila saglit. Sabi ni Alex, “Ako muna ang mauuna para tumingin!”“Saglit!” Biglang sabi ni Susan Hunter habang hinihila ang braso ni Alex. Pagkatapos, itinuro niya ang isang bagay na biglang lumitaw sa pintuan na bato. “Mukhang may mga salita dito.”“Meron ba?”“Hindi? Wala akong nakikita!”“Wala rin akong nakikita.”Ilang tao ang nagsabi na hindi nila nakita. Tanging si Susan lang ang nakakita sa mga ito.Matatag niyang sinabi, “Meron, meron talaga. Katulad nito yung mga rune pattern ng bulaklak sa pintuan sa labas, ngunit hindi ko kilala ang alinman sa mga ito.”Ipinaliwanag ni Alex kay Dorothy, “Si Susan Hunter ay ipinanganak na may Clairvoyant Eyes. Nakikita niya ang ilang bagay na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Mas malakas ito kaysa sa espirituwal na mga mata. Ito marahil ang dahilan kung bakit nakikita niya sila, pero tayo hindi.Sinulyapan ni Dorothy si Susan at
“Pumasok ka na rin? Hindi ko namalayan!”Habang nagsasalita siya, napagtanto ni Alex na dumating na rin ang ibang mga tao.Walang ibang panganib na nangyari sa daan.“Paano nagkaroon ng napakalaking espasyo dito?” Nauusisang sabi ni Freya Mayer. Alam niya ang sitwasyon noong nagpunta siya sa libingan kasama si William Rockefeller noong huling pagkakataon. “Kahit na napakalaki ng Caesar’s tomb, hindi ito dapat umabot nang ganito. Kung ikukumpara sa ilang imperial tombs, mas maliit pa nga ito. Ngunit, saan nanggagaling ang napakalaking espasyo ng altar?”Agad na binuksan ni Susan ang mapa at inilapag ito sa lupa.Sina Zayne, Kenneth, at ang iba ay sunod-sunod na naglupasay para ikumpara ang mapa.“May hindi tama!” Itinuro ni Susan Hunter ang isang partikular na lugar sa mapa. “Ayon sa mapa, dapat nasa ganitong lokasyon tayo ngayon. Ito ang pangunahing lugar ng Caesar’s tomb. Kung didiretso pa tayo, iyong ang... Ang lokasyon ng altar na ito. Ito dapat ang pangunahing libingan kung nasaan
Si Kenneth Sunder ay isang dalubhasang magnanakaw.Para sa isang dalubhasang magnanakaw, ang lahat ng kanyang mga kasanayan ay halos purong nakasalalay sa kanyang mga kamay.Ngayong ang kanang braso ay naputol, ang katumbas ng pinaghirapang kasanayan ni Kenneth ay lubos na walang kabuluhan na ngayon.Bahagyang nagulo ang isip niya. Bilang karagdagan, ang sakit ng naputol na braso ay makabuluhang nagpababa din sa kanyang kakayahang magkaroon ng reaksyon.Hindi niya namalayan na may paparating na mas delikadong panganib. Ang rebulto ni Caesar ay nabuhay sa sandaling ito. Matapos putulin ang braso ni Kenneth gamit ang espada sa kamay, bumuwelo ito para lumaslas ulit.Gustong putulin ng estatwa ang ulo ni Kenneth.“Ahh!“Katapusan ko na!”Nang matauhan si Kenneth, malapit na sa kanyang mga mata ang napakalaking espada na may malamig na kinang.Damang-dama pa niya ang intensyong pumatay ng talim.Wala na siyang pag-asa.Ang hampas ng espada sa napakalapit na distansya ay hindi niya kayang i
Napaawang ang bibig ni Alex at ng iba nang marinig nila iyon.Paatras na hinampas ni Waltz ang kanyang palad na may kasamang Chi. “Akayin mo ang senior mo at pumunta kayo sa likod. Wag kayong humarang dito.”Isang bugso ng puwersa ang nagtulak palayo sa dalawang magkapatid na alagad.Sinabi ni Freya, “Kailangan kong saksakin ang puso ng golden-eyed na Golden Zombie gamit ang Dragon Soul Wood, ngunit napakabilis niya. Kailangan ko ng tulong.”Tanong ni Alex, “Hindi ba kita puwedeng tulungan na saksakin iyan?”Umiling si Freya. “Hindi puwede. Kailangang ako mismo ang sasaksak ng Dragon Soul Wood. Walang silbi kung iba ang gagawa.”Pagkatapos ng isang paghinto, nagpatuloy siya, “Pero puwede nating sabay siyang saksakin!”Sa kanilang pag-uusap, dose-dosenang beses nang umatake ang zombie na si Caesar. Ang mga mata nito ay bumaril ng ginintuang liwanag, at ang katawan nito ay napuno ng nakamamatay na aura.“Silver Frost, Absolute Freeze!”Si Maya ang unang taong gumamit ng ultimate move.Ma
Nagulat ang lahat.Matapos ilingon ang kanilang mga ulo upang tingnan, nakita nila ang isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na medieval na damit.Ang tao ay may kulay-abo na buhok, ngunit siya ay may mabangis na hitsura. Ang kanyang cultivation base ay hindi prominente, ngunit ang kanyang mga mata ay nagniningning nang maliwanag. Matapos makatagpo ang kanyang mga mata, ang isa ay manginginig at makakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot.“Sino ka? Paano ka nakapasok?” tanong ni Alex.Tumawa ang matanda at hindi siya sinagot.Gayunpaman, habang nanginginig ang kanyang pigura, dose-dosenang mga phantom ang lumutang, na parang mga multo sa gabi. Nakakatakot ang itsura nila sa pagdaan nila sa libingan sa ilalim ng lupa.“Alex, mag-ingat ka!”Agad na kumilos si Dorothy para harangin ang matanda.Ang dose-dosenang mga multo ay mga ilusyon. Isa lang ang totoo, pero mabilis na sumugod ang tunay kay Alex. Itinaas nito ang malaking kamay at gustong sunggaban ang leeg ni Alex.Pak!Napakab
Wham!Nagmamadaling umiwas ang matanda.Isang malaking bunganga na likha ng daliri ang nakalagay na ngayon sa lugar kung saan nakatayo ang matanda kanina, nagpapadala ng panginginig sa kanyang gulugod. Tapos, tumalikod siya at pumunta sa likod ni Freya na parang multo para sunggaban ito. “Tumigil ka!”Agad na tumahimik ang eksena.Sa pamamagitan ng isang ‘poof’, ang matanda ay dumura ng dugo at sinabi, “Grabe, muntik na akong mabigo sa simpleng gawain. Ang anak ni William Rockefeller ay may ganitong kakayahan pala. Mukhang hindi niya ako niloko. Kayo, mga Rockefeller, ay siguradong hindi madaling kalabanin.”Napatingin si Alex kay Freya na nahuli.Ilang saglit ay nag-atubili siyang kumilos laban sa matanda.Higit sa lahat, hindi niya alam kung ano ang gustong gawin ng matanda. “Sir, kilala mo ba ang tatay ko?”Nagalit ang matanda. “Siyempre, kilala ko siya. Ang iyong walang prinsipyong ama ay nagsinungaling at kinuha sa’kin ang hindi mabibiling kayamanan. Pagkatapos, nawala siya sa mun