"Grantt! Grantt! Anak! Nasaan ang anak ko?! Nasaan?!" Ang boses ni Mommy Gretchen ang siyang nangingibabaw sa labas ng operating room mismo. Pinipigilan siya nina Ate Olga at Daddy Ortize. Napahigpit ang kapit nina Lou at Judie sa akin. Siguro para pigilan ako sakali mang magpumilit din akong pumasok sa OR. No, hindi ko iyon gagawin dahil alam kong kritikal ang kalagayan ni Grantt at hindi makakatulong kong susugurin namin ang loob ng silid na kinalalagyan niya ngayon. "A-Ate," untag ko kay Ate Olga. Pare-pareho naman silang napalingon sa akin. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Mommy Gret."Ikaw! Anong ginawa mo sa anak ko!" singhal nito sa akin at bigla na lang akong sinugod. Hindi naman inaasahan nila Ate Olga ang naging kilos nito kaya hindi na nila ito napigilan pa papalayo sa'kin. Nahablot nito ang aking buhok. "Ano ba?! Bitiwan niyo po si Yongsann! Hindi niya kasalanan!" singhal naman din ni Judie at pilit na nilalayo nila ako sa ina ni Grantt. "Aksidente po a
"Grantt," tanging naiusal ko nang masilip ko siya na nakahiga sa isang hospital bed mula sa aking kinatatayuan ngayon. Hindi ko man gaanong matitigan o maaninag ang kanyang mukha at kabuuan pero kontento na ako. Magkaka-baby na tayo kagaya ng gusto mong mangyari, Grantt. Alam kong hindi biro ang sinabi mong iyon. Sinadya mo ba talagang buntisin ako para hindi na kita matakasan pa?Napangiti ako sa kabila ng sakit na aking nararamdaman dahil sa huling tanong na naglalaro sa aking isipan. "Keep on fighting, Grantt. Our baby will do the same. She'll grow stronger for you," I whispered. "I'll do my best to keep our baby safe. So, please... stay alive, Grantt. I love you."Si Ate Olga at Kuya Tristan ngayon ang bantay kaya malaya akong nakalapit. Napapahid na lang ako ng aking mga luha nang tapikin ni Sabrina ang aking balikat. Kailangan na naming makauwi para makapagpahinga kami pare-pareho. Pasado 6:00 a.m na rin naman. "Salamat, Ate Olga," sambit ko. Ngumiti naman ito sa akin at tuma
["Yongsann Lim," ani ng bruskong boses."W-Who are you?" may diin kong tanong."Nakapagpaalam ka naman na kay Grantt, hindi ba?" "Huwag mong gagalawin si Grantt...""Oh? It's too late," sabi pa nito sabay halakhak ng tawa at pinatay na ang tawag.]Nandito uli sinda Judie, Lou at Sabrina sa aking condo at kasalukuyan naming pinapakinggan ang nai-record kong call conversation namin ng unknown caller noong gabing naaksidente ni Grantt. Tatlong araw na rin ang nakakalipas. "So, hindi talaga bastang aksidente lang ang nangyari," asik ni Sab sabay buntonghininga. "Marahil ay ito rin ang naging stalker ninyo ni Grantt tuwing nagkakasama kayo. Hindi lang ito basta paparazzi ni Grantt kundi kayong dalawa talaga ang target," dagdag nito. "Wait, I've come to think about it now. Ang huling rinig ko ay sinambit ni Grantt ang pangalan ni Yongsann bago siya nagmamadaling lumabas ng bar," kwento ni Lou sa kay Sabrina. "Para bang may nabasa siyang text dahil nakita ko ring napatitig muna siya sa ka
|•~15 MONTHS LATER~•|Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang iyak ni Baby Graxylla na nasa tabi ko lang naman. Nagtama pa ang paningin namin habang namamasa ang kanyang mga mata. Marahil ay tumatama sa kanyang mga mata ang sikat ng araw kahit na may kurtina pa ang glass window namin. "Sshhh, mommy's here, hmmm? Sorry, tinanghali ng gising ang mommy. Are you hungry?" mahinahon kong sabi at marahan na tinapik-tapik ang kanyang maliliit na braso. Natigil naman kaagad siya sa pag-iyak. Even though I was still sleepy, I quickly got out of bed and prepared her baby formula. Upon returning, I immediately fed her.I smiled as I gazed at her beautiful little face. She was a blend of Grantt and me. She's already 6 months old, but Grantt is still unaware of her existence. According to Doc Chaewon, his condition is improving every day, and he could wake up at any time.My belly wasn't too big when I was pregnant with Baby Xylla. I pretended to be on a 3-month vacation in the province
Sa halip na sagutin ako ay pumihit lang siya patalikod sa gawi ko. Halata namang nahihirapan pa siyang gumalaw pero ginawa niya ang abot sa kanyang makakaya para deadma-hin ako. Sobrang taas pa rin ng pride ng lalaking ito. Hindi ko ma-reach. "Move gently, Grantt. I am not going to eat you alive," asik ko sabay singhap. "Hinintay kitang magising ng ilang buwan tapos…" Muli akong napasinghap. "I'm going home now. Makakahinga na ako nang maluwag at makakatulog nang maayos dahil may malay ka na," dagdag ko pa.Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o hindi. Gusto kong silipin kong gising ba siya o tulog na dahil wala naman akong sagot na nakuha. Napailing na lang ako at napapalatak. Hindi ko pa rin maiwasang madismaya sa nangyayaring ito. Bago pa man ako makahakbang papalabas ng kwarto ay bumukas naman ang pinto at pumasok si Mommy Gretchen. Ngayon lang uli kami nito nagpang-abot dito."Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no? Sa ilang buwan na hindi ka nagpakita rito ay susulpot k
Iniwan ko na muna silang tatlo sa sala at pumasok ng kwarto. Ramdam na ramdam mo pagbagsak ng aking mga balikat. Palagi talagang magkakambal ang good news at bad news, eh 'no? Ang good news ay nagising na si Grantt. Ang bad news naman ay hindi niya maalala ang lahat. Ang good news ay case solve na pero ang bad news naman ay dalawang magkapatid pa ang nawalan ng buhay dahil lang sa pagkawala rin ni Greel. Nakakaalarma na ang sitwasyon na ito. Naabutan ko ang dalawa na tawang-tawa habang nilalaro si Graxylla. Ang bata naman ay mukhang sinusubukan lang na makisama sa dalawa. Kung makakapagsalita lang ang anak ko ay baka minura na ang dalawang ito. "Hi," matamlay kong sabi. Kaagad naman akong sinuyod ng tingin ng dalawa. Tingin pa lang ay alam kong hindi na maganda ang mga salitang lalabas sa bunganga nila. "What happened, gurl? Parang akala mo ay galing kang lamay," usisa ni Judie habang nanghuhusga ang kanyang tingin sa akin."Parang nalugi ka sa sugal, Mareng Yongsann. Milyon ba a
"Ang cute naman po ng baby ninyo, Ma'am," puna ng nurse na nakasalubong namin. Si Sabrina anbmay hawak kay Graxylla. Palalabas na rin kasi kami ng hospital."Ay talaga ba? Salamat, ha?"gatong pa ng loka na mukhang tuwang-tuwa pa na napagkamalan silang mag-ina ng anak ko. Nagkangitian pa sila ng nurse bago tuluyan kaming nilagpasan nito. Sumampa na rin kami sa elevator. Mabuti na lang at wala kaming kasabay."Did you hear that, Mrs.Gomez?" nagmamayabang nitong usisa. "Hindi ako bingi. Kahit magbulungan pa kayo ay maririnig ko ang usapan ninyo." Humagalpak lang siya ng tawa dahilan para mapabungisngis naman si Graxylla. Walang dudang maayos na nga uli ang pakiramdam nito. "Tuwang-tuwa rin ang baby ko Llala ko, oh. Payag siyang maging anak ko..." "Ewan ko sa'yo," nakabusangot ko ng sabi dahilan para tumawa na naman siya. Saktong bumukas ang elevator senyales na nasa ground floor na kami. "Nagseselos ang Mommy Yongsann mo, Llala. Eh, kasalanan ba nating pareho tayong maganda, 'di b
"Oh? Anong mukha 'yan?" bungad na tanong sa akin ni Sabrina. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at basta na lang akong umiyak sa harap ng aking kaibigan. Ramdam ko ang kanyang pagpa-panic. Marahan niya akong hinila papasok sa bahay at ini-lock ang pinto. "Hoy, bakit, ha? Anong nangyari? May ginawa na naman ba ang biyenan mong tigre sa'yo?!" galit nitong sunod-sunod na tanong. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak nito sa magkabilaang balikat ko."A-Ayaw na sa a-akin ni G-Grantt," humihikbi ko pang sabi. "H-Hindi niya man lang kayang pagsabihan ang nanay niya at n-nandon din ang f-first love niya," dire-diretso ngunitl kong sabi. Pakiramdam ko ay para akong batang umiiyak dahil inagawan ng lollipop. "What?! Sige, umiyak ka muna diyan bago mo sabihin sa'kin ang nangyari at hindi kita maintindihan, Yongsann. Hinaan mo rin ang boses mo at baka magising ang anak mo."Impit naman akong napahikbi dahil sa huling paalala nito. Ilang minuto rin siguro ang nakalipas bago ako kumalma