Share

Chapter 23

Lumabas na ng bahay si Ate para hintayin ang pagdating ni Kuya Benj. Bumaba na rin dito sa sala si Januarius na wari mo'y napakabait na bata. Pinagpagan pa ang mga sofa para daw malinis at walang alikabok.

"Ayan, pagdating ni Kuya Benj ay sisipsip ka na naman," sambit ko pagkatapos niya sa kaniyang ginagawa.

"S'yempre, kailangan nating magpalakas," aniya habang taas-baba ang magkabilang kilay.

"Asus, kung alam lang namin, sa susunod magpapabili ka lang kung ano-ano," turan ko.

"Gano'n talaga, palakasan lang kay Kuya Benj," sambit niya sabay dila sa 'kin.

Ilang saglit pa, dumating na si Ate kasama si Kuya Benj. Ipinakilala niya sa amin 'yung jowa bilang formality na rin siguro.

"Juness, Januarius, heto nga pala si Benj, boyfriend ko," sambit ni Ate.

"Hello sa inyo," anito.

"Hello po," turan ko.

"Nice to meet you po, Kuya," magiliw na sambit ni Januarius.

Matapos 'yon, agad niyang iniabot sa amin ang dala niyang donut na animo'y pasalubong. Siyang-siya ako dahil glazed donut siya based
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status