Share

Chapter 30

Pagkabukas ni Angelica ng pinto, isang lalaki ang iniluwa nito. Laking pasasalamat ko at hindi siya si Zerudo. Nakahinga na ulit ako nang maluwag matapos kong mapabuntong-hininga. Pagkapasok nito ay ipinakilala siya sa 'min ni Angelica.

"Guys, this is Charles, friend ko rin," pakilala ni Angelica. Ngumiti naman sa 'min 'yung lalaki.

"Hello," sambit naming lahat.

"Nice to meet you," anito.

Naupo na siya after no'n. Hindi naman siya nalalayo sa puwesto ko kaya siniyasat ko muna siya nang maigi. Kanina habang nakatayo siya, parang nasa 5' 8 ang height niya. Mistiso siya at may pagka-chinito. Masasabi kong guwapo naman siya, hindi lang siya pasok sa taste ko, mas bet ni Osang ang mga kagaya niya kaya palihim ko siyang nilitratuhan saka ko sinend ang picture niya sa gc.

Osang: Grabe, ang fafabol naman niyan. Kung nakasama siguro ako sa party, nagkasala na 'ko kay Yatco.

Natawa ako nang slight nang i-chat niya 'yon. Hindi rin kasi papahuli 'tong si Osang pagdating sa awrahan.

Me: Hindi nama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status