Share

Chapter 33

Pagkapasok naming lahat sa elevator, pinindot ni Angelica ang number 5. Ibig sabihin, nasa 5th floor 'yung pool. Tahimik naman na ang paligid dahil gabi na rin. Hindi ko na namalayan kung anong oras na dahil abala kami sa paglalaro.

Pagkatunog ng sound sa elevator, ibig sabihin nandito na kami sa aming destinasyon. Nanguna pa rin si Angelica sa paglalakad na wari mo'y rumarampa sa daan. Pagkarating namin sa pool area, wala namang ibang tao ro'n.

Maganda 'to, talagang malinis ang tubig. May mga poste na sa gilid na mayroong ilaw. Isa-isa silang tumalon sa may tubig. Ako naman, naupo na muna saglit sa may gilid ng pool at ibinabad ang mga paa ko.

"Juness, halika na rito. Lumublob ka na rin," pag-aya ni Angelica.

Nagdadalawang-isip pa ako no'ng una dahil hindi ako marunong lumangoy. Langoy-languyan lang 'yung alam ko. Para ma-experience ko naman 'yung tubig, nagpasya na rin akong lumusong. Tinanggal ko na 'yung nakatapis sa pambaba ko at saka ako tumalon sa may pool.

Hindi naman siya m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status