Share

Chapter 8

Kasalukuyang nanginginain ang binata ng hinog na saging ng makita niya ang dalawang malaking itim na gagamba na gumagapang patungo sa kanya. Bata pa lamang si Terrence ay may takot na ito sa gagamba, lalo na sa malaki at itim na gagamba.

Nagsimula ito noong iwan siya nang nanay niya sa murang edad. Pinipilit siyang ihiwalay sa nanay niya noon kaya nagtago siya sa ilalim ng lababo na nagkataong may malaking gagamba.

Ginapangan si Terrence ng gagamba at dahil sa takot napatakbo si Terrence sa labas at gumulong gulong sa lupa para maalis ang nakakapit na gagamba.

Muling bumalik ang takot ni Terrence sa gagamba ng sandaling iyon.Tumayo ang binata para sana umalis sa lugar na iyon pero bigla naman namatay ang ilaw sa loob ng kamalig. Binalot ng kadiliman ang

buong paligid kaya lalong dumoble ang takot ni Terrence.

Nakita ni Ikay si Terence ng lumabas ito ng bahay kanina. Busy siya sa pagliligpit sa lababo. Nakita niyang tinititigan siya ng binata na parang gusto siyang lapitan pero nagaala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status