Share

Chapter 16: Misunderstanding

Yannie Ace Ruiz

Malakas ang bawat pagpintig ng puso ko habang deretsyong nakatitig ngayon kay Josh. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.

“So, ganoon nga. Sinabi mo lang na hindi ka pupunta, dahil ayaw mong makipagkita sa akin,” dismayadong sabi ni Josh sa akin.

Napalunok ako saka mabilis na nagsalita. “Hindi ganoon ‘yon, Josh—” Pero agad din akong natigilan nang bigla niya akong putulin.

“Okay lang,” aniya habang dismayado ang mga mata niyang nakatitig sa akin. At pagkuwan ay nagsimula siyang humakbang palampas sa akin patungo sa exit ng restaurant. Awtomatiko namang kumilos ang mga paa ko at agad siyang sinundan sa labas.

“Josh, sandali!” malakas na sigaw ko sa kanya na siyang ikinahinto niya sa paglalakad. Mabilis naman akong nagtungo sa harapan niya upang maharap siya. Niyuyuko niya ako sapagkat napakatangkad niya para sa akin. “Josh, hayaan mo muna akong makapagpaliwanag sa iyo. Sa totoo lang… nagpunta din talaga ako dito para makita ka—” Muli akong natigilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status