Yannie Ace Ruiz Maaga akong gumising para makapaghanda sa pagpasok sa convenience store. Ilang beses din akong nagka-absent dito dahil sa ilang mga dahilang bagay. At mabuti na lang din talaga ay napakabait ni Mrs. Maricel sa akin para lagi akong unawain at bigyan ng chance. Pagkakita ko sa cellphone ko ay ang message kaagad ni Josh ang unang bumungad sa akin doon. From Josh Rain: Good morning, Yeobo ko. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti sa simpleng good morning message niya sa akin. To Josh Rain: Good morning din. Anong oras ang practice n’yo mamaya? Reply ko dito saka ako lumabas ng kwarto para mag-almusal. Ilang saglit lang nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa reply ni Josh sa akin. Patago ko naman iyong tiningnan at binasa. From Josh Rain: After lunch pa po. Magre-reply sana ako sa kanya nang bigla na naman itong mag-text ulit sa akin. From Josh Rain: Sunduin kita mamaya pagkatapos mo sa work mo. “Ate, ka-chat mo ba ulit ang boyfriend mo?”
Yannie Ace Ruiz “Yannie!” malakas na tawag sa akin ni Veron saka ito masayang lumapit kasama sina Ivory at Jenny. “Nasaan na ang birthday boy natin?” tanong pa ni Veron sa akin. Nagpunta dito sa store sina Veron kasama sina Jenny at Ivory, para sunduin kami ni Jomar at sabay-sabay na magpunta sa bahay nina Jomar. Linggo ngayon at ngayong araw din ang 22nd birthday ni Jomar. Maaga naman kaming pinayagan ni Mrs. Maricel na magsara ng store para umattend sa maliit at simpleng birthday celebration para kay Jomar. “I’m here!” masayang sabi ni Jomar kay Veron pagkalabas nito ng staff room. “Nasaan ang gifts ko?” nakatawang tanong pa nito sa tatlo. “Hindi na uso ang regalo kapag may birthday, Jomar. Basta kami na bahala sa pulutan mamaya,” saad naman ni Ivory na siyang masaya nilang ikinatawa na lahat. Habang abala silang apat sa pagkukwentuhan ay sinulyapan ko naman ang cellphone ko para tingnan kung may reply na ba si Josh sa text ko sa kanya. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil m
Josh Rain Montez Katahimikan ang kasulukuyang bumabalot sa amin ni Yannie habang kapwa kaming nasa loob ng sasakyan. Nakatigil na kami malapit sa kanilang bahay at mula pa kanina sa byahe ay pareho kaming walang imik na dalawa. Kalmado naman na ako pero nakikita ko sa kanya ang kaba na nararamdaman niya. Mabuti na lang at nagawa ko pang pigilan ang sarili ko kanina kahit pa gustong-gusto kong makaisa ng sapak sa lalaki na iyon. Kahit na ayaw ko sa tao na iyon ay alam ko namang kaibigan pa rin siya ni Yannie at nirerespeto ko ang bagay na iyon. Pero kahit na ganoon, hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa tuwing nalalaman ko na magkasama silang dalawa. “I-I’m sorry…” pagkuwan ay mahinang usal ni Yannie sa akin. “Why are you sorry?” marahan na tanong ko sa kanya. “I know you’re mad. After kasi ng pag-uusap natin kanina sa phone, hindi mo na ako nire-replyan sa lahat ng text message at chat ko sa iyo,” tugon niya sa akin. “That’s because I’m driving,” saad ko naman sa kanya. “Huh?”
Veron Velaz“Sigurado ka ba na ayaw mong samahan kita?” tanong ni Yannie sa akin mula sa kabilang linya.“I’m fine, Yannie. Pahiramin mo na lang ako ng notes bukas para sa mga klase na mami-miss ko ngayon.”“Veron naman kasi, bakit hindi mo agad sinabi sa amin ito?” narinig ko namang reklamo ni Jenny sa akin.“Oo nga. Eh ‘di sana ay sinamahan ka namin ngayon diyan sa Parañaque para hanapin ang Jowa mong hindi malaman kung buhay pa ba dahil wala ng paramdam,” dagdag naman ni Ivory.Kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong nagkukumpulan sila ngayong tatlo habang kausap ako ni Yannie sa cellphone.“It’s okay, Girls. Ayaw ko namang isali pa kayo sa problema kong ito,” saad ko sa mga ito saka ako sumipsip sa straw ng milk tea na inorder ko dito sa isang coffee shop na kasulukuyang tinatambayan ko ngayon. Mahigit dalawang oras na din akong naririto at naghihintay sa paglabas ni Kevin mula sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya. Tatlong linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Tatlong li
Yannie Ace Ruiz “Yannie, sa tingin mo ay okay lang talaga na sumama kami sa inyo ni Veron?” tanong sa akin ni Jenny habang naglalakad kami papunta ng library ng school. Kasama namin sina Veron at Ivory. “Oo naman. Bakit mo naman naitanong?” tugon ko dito. “Wala lang. Hindi pa naman kasi namin nakakasama ang boyfriend mo—” Natigilan kaming lahat sa sinabi na iyon ni Jenny. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya habang siya naman ay napatutop sa kanyang bibig. “Oh my gosh. This is really happening. Talagang may boyfriend ka na,” pagkuwan ay pagtuloy na pananalita ni Jenny saka ito parang nanigas sa kilig. “Kahit ako, I can’t really get over sa fact na may boyfriend na si Yannie!” hagikgik na singit naman ni Ivory kay Jenny saka sila sabay na tumawa. “Mission accomplished dahil sa wakas ay hindi na NBSB ang kaibigan natin,” nakatawang sabi naman ni Veron kasabay ng pag-akbay nito sa akin. At wala na nga silang ibang ginawa kung ‘di ang tuksuhin ako nang tuksuhin dahil nalaman na
Yannie Ace Ruiz Nagitla ako nang biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko habang nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng mga gulay sa isang supermarket. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at napangiti ako nang makita ang pangalan ni Josh sa screen no’n. “Hello?” “Nakauwi ka na ba? Bakit wala kang text or chat sa akin?” bungad na tanong ni Josh sa akin pagkasagot ko sa tawag niya. “Wala pa ako sa bahay. Inutusan kasi ako ni Mama na dumaan sa supermarket para mamili,” tugon ko sa kanya. “Sinong kasama mo?” tanong niya pa ulit. “Ako lang,” sagot ko. Narinig ko ang paghigit niya ng malalim na paghinga mula sa kabilang linya. “Sorry,” marahang wika niya. “Huh? Para saan?” kunot noong tanong ko sa kanya. “Hindi man lang kita masamahan. Sorry dahil ang layo ko sa iyo,” mabigat na sagot niya sa akin. Marahan akong napasinghap saka nagsalita, “Ano ka ba? Hindi mo naman kasalanan kung malayo ka sa akin. Kaya hindi ka dapat mag-sorry,” tugon ko kasunod ng pagkagat ko sa ibabang labi ko. “Ik
Josh Rain Montez Pagod akong naupo sa bench nang mag-water break ulit kami sa practice namin. Inabot ko ang bottled water ko at ininom ang laman no’n saka ko kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko ang oras doon, 6:06 p.m. Alam kong nagsabi sa akin si Yannie na magme-message na lang siya kapag nakauwi na siya sa kanila. Pero dahil sa nami-miss ko siya at gusto kong marinig ang boses niya ay hindi din ako nakatiis at muli ko na naman siyang tinawagan. “Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig,” ani Ramil habang napapailing-iling sa akin. “Tama ka diyan, Pre. Kada-water break gusto na lang palaging kausap ang girlfriend,” saad naman ni Byron. “Tingin mo dapat na din ba tayong mag-girlfriend?” tanong ni Ramil na siyang malakas na tinawanan ni Byron. “Huwag, Pre! Kahit na anong mangyari, huwag tayong tutulad sa kaibigan nating ito. Mas madaming chicks, mas masaya!” ani Byron na siyang tinayuan ko dahil ang ingay nilang dalawa. “Hello, Yeobo ko! Nakauwi ka na?” mabilis at excited na tanong
Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig sa screen ng cellphone ko at matiyagang naghihintay sa paglitaw ng pangalan ni Josh doon. Mula pa kanina ay wala na akong ibang ginawa kung ‘di ang maya’t mayang titigan ang cellphone ko dahil sa pag-asang magpaparamdam sa akin si Josh.“Kumusta, Yannie? Wala pa din ba?” marahang tanong sa akin ni Jenny pagkalapit niya sa akin kasama sina Ivory at Veron. Nilingon ko ang mga ito saka marahan at malungkot na umiling sa kanila bilang pagtugon.Humigit ng malalim na paghinga si Ivory saka ako nito inakbayan. “Huwag kang panghinaan ng loob. Maghintay ka pa sa kanya,” saad nito sa akin.“Tama si Ivory. Siguro ay masama pa din talaga ang loob niya pero okay lang iyan. Palamigin mo muna siya,” wika naman ni Jenny sa akin.Ikinuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyaring pag-aaway namin ni Josh kagabi nang bigla na lang itong dumating at sinugod ng suntok si Kris. Sinabi ko sa kanila ang detalye ng naging pagtatalo namin ni J