Share

Kabanata 5

Zhakia's POV

Pagal akong napatingin sa kaniya. Taas-baba ang aking balikat dahil sa malalalim na paghinga. Gusto kong mangiwi dahil sa kirot na matatagpuan sa iba't ibang  dako ng aking katawan, dahil sa mga nagawa niyang pag-atake. Tapos na ang  pagtirik ng haring araw at anumang oras ngayo'y puputok na iyon. Ngunit ang pagod ko'y hinihila na ako sa isang pagsuko. Ang tuhod ko'y nais nang tumimbawang sa kalupaan. At ang katawan ko'y gusto nang bumighay.

Ngunit siya, tila hindi niya alam ang salitang pahinga at awa. Malayo ang agwat namin ngunit sa tingin ko'y mula sa kaniyang kinatatayuan ay dinig niya ang matutunog kong pagbuntonghininga. Hindi ko naman alam kung ano ang uunahin kong indain dahil sa sakit sa aking buong katawan. May bagong napuruhan, gayunpaman, hindi nagpatalo sa kirot ang ibang naunang mga sugat. Mula sa paa hanggang sa aking ulo, meron kang makikita.

"Nauuhaw na ako! Pawis lang yata ang pi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status