Share

CHAPTER 3

NICCOS ALLISTAIR...

Nagtagumpay s'yang alisin ang nanggugulong babae sa kan'yang isip kaya marami s'yang natapos na trabaho.

Hindi n'ya na namalayan ang oras, mag-aalas nuebe na pala ng gabi. Paniguradong marami ng tao sa labas.

Para makasiguro ay binuksan n'ya ang isa pang monitor sa kan'yang tabi para makita ang mga nangyayari sa baba. May sarili s'yang viewing screen sa mga nagaganap sa baba.

Hindi n'ya na kailangan pang bumaba para tingnan ang sitwasyon ng negosyo n'ya.

At tama nga s'ya ng hinala, halos mapuno na ulit ang bar ng mga parokyano na nagugustohang tumambay sa kan'yang bar kaysa umuwi sa mga bahay ng mga ito.

Sinipat n'ya ng mabuti ang kabuoan ng bar sa baba para makasigurong walang nakakapasok na mga kampon ni satanas. Mahigpit ang security ng kan'yang bar at ayaw n'yang may nanggugulo o nangyayaring hindi kaaya-aya sa negosyo n'ya.

Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at natigil ang kan'yang mga mata sa isang sulok kung saan nakaupo ang isang babae na panay ang inom ng alak.

Nagtagis ang kan'yang mga bagang at napa krus ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin sa babaeng mag-isang umiinom.

"Ano na naman kaya ang problema ng babaeng ito? Bakit ba ang sakit mo sa ulo na kulot ka? Kailan ka kaya titino Aphrodite?" gigil na sabi n'ya.

"Bakit mo naman pinoproblema kung hindi ka apektado Niccos? Hindi ba dapat ay wala kang pakialam sa babaeng yan kasi galit ka sa kan'ya at gusto mo s'yang lumayo sayo?" kastigo n'ya sa sarili.

Minsan ay hindi n'ya na maintindihan ang nararamdaman kay Kianna. Nagagalit s'ya rito ng walang dahilan at naiinis din sa tuwing nakikita ang pagmumukha nito. Pero kapag wala na ito sa kan'yang paningin ay panay naman ang gala nito sa kan'yang isip at halos ayaw nang umalis.

Napabuga s'ya ng hangin habang nakatingin pa rin sa screen ng Kahan computer.

Panay pa rin ang tungga ni Kianna ng alak at parang wala sa sarili habang nakatingin sa dance floor kung saan nagsisiksikan ang mga taong sumasayaw.

Hindi n'ya inaalis ang tingin sa dalaga at parang may magnet ito na umaattract sa kan'ya para tingnan ito.

She's wearing a bloody red silk dress at nakikita ang cleavage nito dahil sa malalim na hakab ng damit sa harapan.

Umigting ang kan'yang panga ng maisip kung ilang lalaki na ba ang napatingin sa dibdib nito na nagmamayabang dahil sa suot na sobrang revealing.

Kianna is a lingerie model ng isang pinakasikat na womens brand sa buong mundo. And he hates it kapag nakikita n'ya ito na halos maghubad na sa harapan ng lahat.

He is a womanizer at inaamin n'yang marami s'yang babae pero pagdating kay Kianna ay naiinis s'ya kapag revealing ang suot nito pero kapag sa mga babae n'ya ay gustong-gusto n'ya na halos maghubad na ang mga ito.

"Fvck it!" galit na pagmumura n'ya at mahigpit na ikinuyom ang mga kamao dahil naguguluhan s'ya sa kan'yang nararamdaman sa babae.

Nasa kay Kianna pa rin ang kan'yang mga mata at maya-maya lang ay may lumapit na lalaki rito.

Nagtagis ang kan'yang mga bagang ng makita na nginitian nito ang lalaking lumapit.

"Flirt!" gigil na saad n'ya habang matalim na nakatingin sa monitor ang mga mata.

Nakita n'yang sumesenyas si Kianna na parang pinapaalis nito ang lalaki ngunit hindi ito umalis bagkus ay naupo pa sa tabi ng dalaga at inilapit ang sarili nito kay Kianna.

His blood boils with the scene. Walang pakundangan s'yang tumayo at malalaki ang mga hakbang na lumabas ng kan'yang opisina at bumaba.

Agad n'yang tinungo ang kinaroroonan ng dalaga at naabutan n'yang hinahawakan ng lalaki ang isang kamay ng dalaga at pilit na hinuhuli ang isa pa na ginagamit nito para baklasin ang kamay ng lalaki na nakahawak sa isang kamay nito.

"Let me go, you idiot!" galit na sabi ng dalaga sa lalaki ngunit nginisihan lamang ito ang huli. Hinawi n'ya ang mga tao na humaharang sa kan'ya at mabilis na lumapit sa dalawa.

Agad n'yang hinablot ang kamay ni Kianna na hawak ng lalaki at malakas na sinuntok ito sa mukha.

Natumba ito sa kinauupoan at gulat na napatingin sa kan'ya ngunit agad ding nakabawi at akmang babangon para gantihan s'ya ngunit agad n'yang binunot ang baril at iniumang sa lalaki.

"The next time you touch her, I will kill you!" galit na banta n'ya rito. Nakita n'ya ang ilang beses na paglunok nito ng laway at alam n'yang nakaramdam ito ng takot sa kan'ya.

Nilingon n'ya si Kianna na nakamata lang sa kan'ya at wala man lang ka rea-reaction ang mukha nito. Lumapit ang mga bouncer sa kanila at hinatak patayo ang lalaki.

"Make sure na hindi na makakapasok yang lalaki na yan dito," utos n'ya sa mga ito.

"Yes boss," panabay na sagot ng mga taohan. Matapos makaalis ang mga ito dala ang lalaki ay hinablot n'ya ang kamay ni Kianna at hinila ito.

"Ano ba Allistair, let go of my hand!" pagpupumiglas ng dalaga ngunit hindi n'ya ito pinakinggan. Hinila n'ya ito paakyat sa taas at dinala sa kan'yang opisina.

Pagkapasok sa loob ay doon n'ya lang binitawan ang kamay ni Kianna.

"What is your fvcking problem? Bakit ka ba nanghihila? At bakit ka nakikialam kanina?" singhal nito sa kan'ya.

"Kung hindi ako bumaba at nakialam what do you think will happen to you huh? Nag-iisip ka ba Kianna Aphrodite!" galit na singhal n'ya rin dito.

"Ano naman ang pakialam mo? Baka nakalimutan mo ang sinabi mo sa akin kanina to leave your fvcking life, to leave you alone! Eto na nga ginagawa ko na tapos ikaw naman tong lapit ng lapit sa akin tapos magagalit ka!" malakas na singhal din nito at kita ang galit sa mga mata na sinalubong ang kan'yang tingin.

"This is my fvcking bar at ang lahat ng mga customer ko dito ay responsibilidad ko. Don't think na nilapitan kita dahil gusto kita dahil hinding-hindi mangyayari yon. Now get your fvcking ass off from my chair and leave my bar. Simula sa araw na ito hinding-hindi ka na makakapasok pa rito!" nangangalaiti sa galit na sigaw n'ya sa pagmumukha ni Kiannna.

Nakita n'ya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito at parang gusto n'yang bugbugin ang sarili. Naiinis s'ya rito ngunit may nararamdaman din s'ya na kakaiba sa tuwing nakikita ang sakit sa mga mata ng dalaga dahil sa mga pinagsasabi n'ya rito.

"Ganon ba kalaki ang galit mo sa akin Allistair? Wala naman akong ginagawa sayo ah. Masama bang mahalin ka? Oh fvck that word— nang dahil d'yan ay paulit-ulit akong nasasaktan dahil sa kagagawan mo. Fine! If this is what you want, gagawin ko para sa ikakasaya mo. From today's onward you will never see my face in your fvcking bar. Marami pa namang ibang bar to unwind! And oh by the way, hindi ko alam na pagmamay-ari mo to. Goodnight!" kalmadong sagot nito sabay tayo at tinungo ang pintoan.

Hindi n'ya alam pero parang nakaramdam s'ya ng pamimigat ng dibdib habang sinusundan ng tingin ang likod nitong papalabas.

Parang may kung anong pwersa ang nag-uutos sa kan'ya para hatakin pabalik at ikulong sa kan'yang mga bisig si Kianna ngunit pinigilan n'ya ang sarili na huwag gawin iyon.

Pabagsak na isinarado ng dalaga ang pinto at mariin s'yang napapikit at bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili.

He can't control his anger sa tuwing nasa piligid ang babae. At tama naman ito, wala itong ginagawang masama sa kan'ya ngunit hindi n'ya maintindihan ang sarili kung bakit galit na galit s'ya sa dalaga.

Isa pang nagpapagulo ng isip n'ya ay ang palaging pagsasabi nito na mahal s'ya nito, na nagmahal lang ito sa kataohan n'ya at walang masama doon.

Sa totoo lang malakas na kumakabog ang kan'yang dibdib sa tuwing nasa paligid si Kianna and he hates the feeling of having a crazy heart beats kapag magkalapit silang dalawa.

Si Kianna ang kauna-unahang babae na nagparamdam sa kan'ya ng ganitong pakiramdam.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ganyan nga ang gawin mo Kiana huwag ka ng magpakita pa dyan kay Niccos at ng mabaliw sa kakahanap sayo
goodnovel comment avatar
El Ca Rim
Hay nako Niccos , inlove ka lang kay Kianna , in denial kpa
goodnovel comment avatar
Jekk Tan
bala ka jan Niccos hanap hanapin mo yang c kulot mo.. pag di mo na makita yan.. hmmmm..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status