Share

CHAPTER 4

NICCOS ALLISTAIR...

Mag alas onse na ngunit nakatunganga pa rin s'ya at nakatingin sa kawalan. Inuusig s'ya ng kan'yang konsensya dahil sa mga nasabi n'ya kanina kay Kianna.

Kita n'ya ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito at alam n'yang nasaktan n'ya ito sa mga masasakit na salita na binitawan n'ya kanina.

Ilang beses s'yang bumuga ng hangin at sa huli ay mas piniling tumayo at hinablot ang susi ng kan'yang sasakyan at mabilis na lumabas ng kan'yang opisina.

Mas lalo pang dumami ang mga tao sa kan'yang bar ngunit hindi n'ya na pinansin pa ang mga ito.

Tuloy-tuloy lang s'ya sa pagbaba at deritsong lumabas ng bar. Alam n'yang wala si Kianna sa loob dahil sinundan n'ya ito kanina ng lumabas ng kan'yang bar at inihabilin sa mga bouncer na tawagan s'ya kapag bumalik ito.

No calls from his people means no sign of Kianna. Sumakay s'ya sa kan'yang kotse at agad na pinaharurot ito paalis.

Habang nasa daan ay kinuha n'ya ang kan'yang cellphone at tinawagan ang ate Michelle n'ya. Gusto n'ya lang makasiguro na nakauwi na si Kianna para mapanatag ang kan'yang loob at hindi na panay isip sa dalaga.

Naka limang ring muna bago sinagot ng asawa ng kapatid ang kan'yang tawag.

"Niccos napatawag ka, are you in trouble?" agad na tanong nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa dahil sa tanong ng asawa ng kan'yang kuya Nicollai.

"Hello ate, hindi naman."

"So bakit ka napatawag? Naliligo ang kuya mo!"

"Itatanong ko lang ate kung saan banda ang condo ni Kianna," alanganing sagot n'ya rito. Nakaramdam s'ya ng pag-init ng mukha dahil sa pagkapahiya.

"Nasa Tower ng kuya mo, ano ka ba! Hindi mo ba nakikita d'yan si Kianna eh di ba may unit ka d'yan?" sagot ng asawa ng kan'yang kapatid.

"Anong floor at unit number?"

"Aba! Teka nga Niccos, umamin ka nga. May gagawin ka ba kay Kianna, ha? Alam kong naiinis ka sa kan'ya pero utang na loob Niccos kung ano man ang iniisip mong gawin ay itigil mo na ngayon din!" sermon nito.

"I'm not doing anything ate. Nasa bar ko s'ya kanina at lasing, gusto ko lang makasiguro na nakauwi s'ya ng maayos," agarang sagot n'ya na hindi na naisip ang mga pinagsasabi sa asawa ng kapatid. Natigilan naman ito at hindi nakapag salita ng ilang segundo.

"Ate Michelle?" tawag n'ya rito.

"Aheemmm! I smell something fishy!" sagot nito sa kabilang linya.

"What fishy ate Michelle?" takang tanong n'ya rito.

"Ang kuya Nicollai mo, amoy isda Niccos."

"What? Kakaligo ko lang babe!" narinig n'ya ang boses ng kapatid na umangal sa sinabi ng asawa nito. Tapos na siguro itong maligo at narinig ang pag-uusap nila.

"Twenty eight floor 05-11 Niccos. Bye na at mag babe time pa kami ng kuya mo," paalam ng kapatid.

"Eiwww!"

"Anong eiwww? Humanda ka talaga kapag ikaw ang tinamaan ni kupido Niccos Allistair, pagtatawanan din kita!" sagot ng kuya n'ya at agad na pinatay ang tawag.

Napailing na lamang s'ya at initsa ang cellphone sa kabilang upoan at nag focus sa pagmamaneho.

Pupuntahan n'ya si Kianna sa condo nito para makasigurong nakauwi ito ng maayos.

Napadaan s'ya sa helira ng mga bar sa kabilang side ng syudad. Dahan-dahan s'yang nagmaneho dahil maraming tao ang lumabas sa mga bars and mostly ay mga lasing na.

Inilibot n'ya ang tingin sa paligid nang ihinto saglit ang sasakyan para bigyan daan ang grupo ng mga tao na pasuray-suray na tumawid.

Napailing na lamang s'ya habang nakatingin sa mga ito ngunit natigilan ng mamataan ang pamilyar na bulto ng isang babae na pasuray-suray na lumapit sa isang pulang sports car at agad na pumasok.

"Shit! Kianna!" wala sa sariling bigkas n'ya sa pangalan ng dalaga at biglang inataki ng kaba ng makitang pinaharurot nito paalis ang sasakyan.

"Damn it! Anong ginagawa mo sa buhay mo! Shit!" sunod-sunod na mura n'ya at agad na hinabol ang sasakyan ng dalaga.

Mahigpit s'yang nakahawak sa manibela at igting ang mga panga na sinundan ang kotse ni Kianna na pa ekis-ekis sa daan ang takbo.

"Fvcking shit K! Damn it!" hindi matatawarang kaba ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon.

She's drunk and she drives like a mad man. May kabilisan din ang takbo nito at alam n'yang wala sa huwesyo ito habang nagmamaneho.

"Fvck!" panay ang mura n'ya habang nag-iisip kung paano patigilin ang dalaga.

He knows Kianna, the more na pinipigilan mo ito the more naman na gagawin ng babae kahit alam nitong dilikado.

"Damn it! No K, don't do it," pepeng hiling n'ya dahil parang mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng kotse. Ganon din ang ginawa n'ya para masundan n'ya ito.

"Fvck!" walang tigil s'ya sa pagmumura habang nakasunod lang dito. Kung pwede n'ya lang hatakin ang sasakyan ng dalaga ay ginawa n'ya na.

Nakaramdam s'ya ng hindi maipaliwanag na takot. Sinisisi n'ya din ang sarili dahil kung hindi n'ya ito itinaboy kanina sa kan'yang bar ay baka hindi pa nangyari ang ginagawa nito ngayon sa sarili.

He won't let her touch the steering wheel kung alam n'yang nakainom si Kianna.

Nag-iisip s'ya ng gagawin para mapatigil ito habang hindi inaalis ang mga mata sa kotse ng dalaga na hindi na maganda ang takbo.

Kinuha n'ya ang cellphone at akmang tatawagan ito ngunit agad ding binawi dahil mas lalo pang maging delikado ang lahat sa gagawin n'ya.

Sa huli ay nag desisyon n'ya na tabihan ang kotse nito at ipaalam kay Kianna ang kan'yang presensya. Baka itigil nito ang kotse kapag nakita s'ya at kung hindi man ay makikiusap s'ya rito.

Bahala na pero mas importanti ang buhay nito kaysa sa kan'yang pride. Inapakan n'ya ang gas para mahabol ito ngunit nagulat s'ya ng bigla na lang nagpa ekis-ekis ang takbo ng sasakyan ng dalaga at maya-maya pa ay nawala na ito sa daan at bumangga sa isang poste sa gilid.

"Kianna!" malakas na sigaw n'ya at mabilis na pinuntahan ang kotse nito at agad na bumaba.

"Fvcking shit! Anong ginawa mo?" nanghihilakbot na sita n'ya rito habang pilit na inilabas sa kotse ang dalagang walang malay.

May dugo na umaagos mula sa noo ni Kianna at ganon na lang ang nararamdaman n'yang takot habang pilit na inaalis ito sa loob ng kotse.

"K! Don't joke like this K dahil hindi na nakakatuwa.!" singhal n'ya sa babaeng lupaypay na ang ulo ng makuha n'ya ito mula sa loob ng sasakyan na nabangga.

Mabilis n'ya itong itinakbo sa kan'yang kotse at inilagay sa likod. Binalikan n'ya ang kotse nito at kinuha ang purse nito at inilock ang sasakyan bago tumakbo pagbalik sa kan'yang sasakyan at agad na pinaharurot ito patungong hospital.

Panay ang igting ng kan'yang panga at kuyom ng mga kamao habang nagmamaneho. Paminsan-minsan ay sinisilip n'ya si Kianna sa likod at mas lalo pa s'yang nainis rito ng makita ang duguang noo ng dalaga.

"Damn it! Bakit ba puro na lang trouble ang dala mo sa buhay ko kulot? Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang inisin ako K?" galit na singal n'ya rito ngunit wala naman s'yang may nakuhang sagot.

Mas lalo n'ya pang binilisan ang pagmamaneho at ilang minuto lang ay narating na nila ang ARM Hospital na pag-aari ng kaibigan ng kan'yang kuya.

Mabilis ang mga kilos na bumaba s'ya at nagtawag ng tulong. Binuksan n'ya ang likod ng kan'yang sasakyan at kinuha si Kianna na wala pa ring malay at may dugo na umaagos mula sa ulo.

"Fvck! K, wake up!"

"Sir you can put your wife here, kami na ang bahala," awat sa kan'ya ng isang nurse at itinuro ang stretcher. Hindi n'ya na lamang pinansin pa ang sinabi nito na asawa n'ya si Kianna.

Maingat n'yang ibinaba ang dalaga at agad naman itong ipinasok sa hospital ng mga nurse na tumulong sa kan'ya. Sumunod s'ya sa mga ito nang ipasok ito sa emergency room.

Pabalik-balik s'ya ng lakad sa labas at hindi mapakali. Ngayon lang s'ya nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot.

"Fvck!" mariing mura n'ya. Pilit na pinapakalma ang sarili ngunit walang nangyari. He is fvcking worried and scared sa pwedeng mangyari kay Kianna.

Nang maalala ang sasakyan nito ay agad n'yang kinuha ang cellphone at tumawag ng tao para ipakuha ang naturang sasakyan.

Nag-iisip pa s'ya kung tatawagan n'ya ba ang pamilya nito at ipaalam ang nangyari o hihintayin n'ya muna ang sasabihin ng doctor na tumingin sa babae.

Sa huli ay mas pinili n'yang huwag muna ipaalam sa pamilya ng dalaga ang nangyari dito. Hihintayin n'ya muna ang sasabihin ng doctor para malaman n'ya kung malubha ba ang lagay ng dalaga o hindi.

Nakatayo lang s'ya sa labas ng emergency room at hindi mapakali. Namamawis na ang kan'yang noo dahil sa sobrang pag-alala.

"Damn it! Bakit ba ako nag-aalala sa kan'ya ng ganito? Wala dapat akong pakialam sa kan'ya eh. It's her fault dahil alam n'yang lasing s'ya pero nagmaneho pa rin ng kotse! Fvck Niccos, what's wrong with you?" mahinang kastigo n'ya sa sarili.

Daig n'ya pa ang asawa ni Kianna sa pag-alala rito. Nang maisip ang katagang asawa, nakaramdam s'ya ng kakaibang saya sa dibdib ngunit pilit na iwinaksi ito at pinalitan ng pagkainis sa babaeng nasa loob ng emergency room ngayon.

"Allistair are you with Kianna ng maaksidente s'ya?" nagulat s'ya ng may nagsalita sa kan'yang likuran. Nang lingunin n'ya ito ay nakita n'ya ang kaibigan ng kan'yang kapatid na may-ari ng ARM Hospital.

"How is she kuya Ashton?" imbes na sagutin n'ya ang tanong nito ay ang kalagayan ni Kianna ang una n'yang tinanong.

"I thought ayaw mo sa kan'ya? Eh bakit ang mukha mo ay alalang-alala kay Aphrodite? Nagbibinata na ang bunso namin ah!" kantyaw nito sabay lapit at inakbayan s'ya.

"Shut up kuya! I don't like her," inis na sagot n'ya rito. Ngumisi naman ito ng nakaloloko at parang hindi naniniwala sa kan'yang sinabi.

"Dumaan na kaming lahat d'yan bunso kaya hindi mo na kami maloloko. Tulak ng bibig kabig ng dibdib," kantyaw nito sa kan'ya.

"Eiwww! Naging corny na kayong lahat!"

"Corny my ass! We'll see kung hindi ka din gagaya sa amin, baka mas masahol ka pa."

"Hindi mangyayari sa akin yan kuya!"

"Huwag magsalita ng patapos Allistair. Kapag si kupido ang tumira sayo, wala kang kawala. Nilalabanan mo lang ang nararamdaman mo kay Kianna because of your pride and ego pero hindi makapag sinungaling ang mga mata mo. Why don't you give yourself a chance to fall in love? Iba ang hatid na saya ng pagmamahal Allistair. Don't hold back, mapapagod ka lang sa kakapigil pero hindi ka tatantanan n'yan, trust me," mahabang sabi ng kuya Ashton n'ya sabay tapik sa kan'yang balikat bago s'ya iniwan na nakatulalang nakatayo sa labas ng emergency room.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sige ipagpilitan mong wala kang gusto kay Kianna Niccos
goodnovel comment avatar
El Ca Rim
Aba at kelan pa naging matalinhaga si Ashton Hahaha
goodnovel comment avatar
Jekk Tan
Tama ang mga kuya mo Niccos.. wag mag salita ng patapos.. pag ikaw mapana ni kupido.. ewan ko lng sayo... hmmmmm..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status