Hello Siobabies, pasensya na po kung natagalan ang update ko dito. Nagkasakit po kasi ako at na hospital. May mga stories pa ko ako sa account ko, pwede n'yo pong e check at basahin habang naghihintay ng update. Maraming salamat po.. ❤️❤️
ESTEBAN GABRIELLE....Naging kaliwa't-kanan ang kan'yang trabaho ngunit inuna n'ya munang resolbahin ang kaso ng mga magulang ni Scarlett para makapag focus na s'ya sa kanyang ibang misyon.Sa tulong ng kan'yang mga kaibigan, nasapote nila ang tao sa likod ng mga pagbabanta at pagnanakaw sa pamilya San Juan.Armando Yulo, ang nag-iisang kalaban ng mga San Juan sa business world. Malaki ang galit nito sa ama ni Scarlett dahil kahit anong gawin ng matanda hindi nito mapapantayan ang padre de pamilya ng mga San Juan. Binayaran nito ang mga taohan ng ama ni Scarlett para isabotahe ang negosyo at pagnakawan ang kompanya. Medyo nahirapan s'yang hanapin ang matanda dahil maliban sa pagnenegosyo nito, isa din pala ito sa mga nakalista sa mga most wanted person sa bansa dahil sa druga.Nagtatago ito sa pangalan na Rodolfo Camacho pero ang totoong kataohan nito ay si Armando Yulo. Una n'yang pinutol ang mga galamay nito hanggang sa matunton nila ang ulo. At dahil nasa drug list ang matanda hin
GLORYBELLE SCARLETT...Napabalikwas s'ya ng bangon at inilibot ang paningin sa paligid. Kinusot- kusot n'ya pa ang kan'yang mga mata at mahinang tinapik-tapik ang kan'yang pisngi."Nananaginip ba ako? Shit! Ganito na ba ako kabaliw kay Gabrielle na kahit sa panaginip ko feel na feel ko ang mga halik at haplos n'ya," pabulong na pagkausap n'ya sa sarili.Pabalik-balik sa isip n'ya ang mga sinabi nito sa kan'yang panaginip pati na ang pag-amin nito na isa itong assassin. Hindi naman s'ya naniniwala dahil sa mga movies n'ya lang napapanuod ang mga assassins at alam n'yang wala n'yan sa totoong buhay.Baka pulis maniwala pa s'ya pero ang sinasabi nitong assassin, no way! Bumaba s'ya sa kama at tumayo, ipinusod n'ya ang kan'yang buhok pataas at lumabas ng kwarto.Natigilan s'ya ng maalala na galing pala s'ya sa palengke at ang kan'yang mga pinamili ay iniwan n'ya lang kanina sa lababo. Sa isiping iyon agad s'yang tumakbo patungo sa kusina at hinanap ang mga binili ngunit wala na ito doon.
GLORYBELLE SCARLETT...Lumipas ang maraming taon at wala pa ring Gabrielle na nagpakita sa kan'ya. Hindi na rin s'ya umaasa pa at hinayaan na lang ang lalaki.Wala din s'yang balita dito kahit pa sa kan'yang mga magulang. She totally lost her communication to them at nag focus sa kan'yang pag-aaral. Magtatapos na s'ya sa medisina at kasalukuyang nagtatrabaho bilang nurse sa isang tanyag na hospital sa Cebu.Tuloy pa rin ang kan'yang raket ngunit sa mga katrabaho n'ya na lang s'ya nagtitinda at hindi na sa kung saan-saang pwesto sa palengke o simbahan.Malaki pa ang pera n'ya sa bangko na ipinagtataka n'ya dahil malaki ang gastusin n'ya sa pag-aaral simula pa sa kan'yang nursing course hanggang sa kan'yang medicine course, ngunit parang hindi naman nagbabawas ang kan'yang pera.Ang sabi ng bangko sa kan'ya, interest lang daw ang kan'yang nagagamit at minsan hindi n'ya pa ito nauubos sa isang buwan kaya hindi n'ya nagagalaw ang principal deposit n'ya.Hinayaan n'ya na lamang at hindi na
GLORYBELLE SCARLETT..."You're bleeding," nahintakutan na sabi n'ya. She's a nurse and soon to be a doctor pero ng makita n'yang dumudugo ang tagiliran ni Gabrielle, sobrang kaba ang nararamdaman n'ya para sa lalaki.Nakita n'ya ang pagngiwi ng binata na parang nasasaktan. Agad n'ya itong sinakluluhan ngunit tinabig nito ang kan'yang kamay at masama s'yang tinapunan ng tingin."Don't touch it!" malamig na saway ng binata sa kan'ya. Inirapan n'ya lamang ito at sinagot."But you are bleeding Gabrielle! Gagamutin kita!" giit n'ya rito."The pain from this wound is nothing compare to the pain of what I saw just now! Seeing you happily eating and talking to that idiot broke me into pieces Scarlett!" bulyaw nito sa kan'ya. Napatulala s'ya sa mga binitawan nitong salita. "Ano daw?" lihim na tanong n'ya sa sarili. Kahit s'ya hindi din maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi ng kausap n'ya.Nakamata lang s'ya rito at nakaawang ang bibig dahil sa pagkatulala. She was shocked lalo na sa narin
GLORYBELLE SCARLETT...Matapos ang kulitan nilang tatlo sa kama nagpasya s'yang bumangon at naligo. Damit pa rin ni Gabrielle ang kan'yang ginamit dahil wala s'yang masusuot na iba.Alangan namang mag dress s'ya sa habang nagluluto ng almusal, kaya suot-suot n'ya ulit ang t-shirt at boxer nito.Matapos makapagbihis pumasok s'yang muli sa banyo at kinuha ang first aid kit para malinisan ang sugat ni Gabrielle bago s'ya magluto."Viper alis muna sa tabi ni daddy, lilinisan ni mommy ang sugat ng daddy mo," pagkausap n'ya rito. Para talaga itong tao kung ituring nila at kausapin.Agad naman itong tumalima at sumiksik sa gilid ng kama pero hindi bumaba. Nakamata lang ito sa kan'ya at parang sinasabi na magbe behave ito sa gilid.Napailing na lamang s'ya at napangiti sa alaga ng binata." Tagilid ka ng kunti, lilinisan ko muna ang sugat mo bago ako magluto ng breakfast natin," utos n'ya sa binata. Tumalima naman ito at maingat na itinagilid ang katawan.Umupo s'ya sa kama at sinimulan nang
ESTEBAN GABRIELLE...Nasa gitna s'ya ng pakikipaglaban ng tumawag sa kan'ya si Franz at ipinaalam na may date daw si Scarlett.Nagtagis ang kan'yang bagang ng marinig kung sino ang nagyaya ditong makipag date. Ito ang lalaking nakalusot na magpadala ng mga bulaklak ky Scarlett.Hindi n'ya alam kung paano nito nagawa na makalusot sa taohan n'ya. At ngayon naman ay inaya nito si Scarlett ng date. It's a no! Putang'ina lang, pero hindi n'ya hahayaan na may ka date na iba ang kan'yang fiancee.At dahil sa iniisip, hindi n'ya napansin ang isang kalaban na nasa harapan n'ya na pala. Nabaril s'ya nito at tinamaan s'ya sa tagiliran.Agad n'ya namang binaril ang lalaki at sapol sa ulo ang tama nito."Fvck!" mariing mura n'ya ng maramdaman ang sakit na sumigid sa kan'yang tagiliran."Ayan! Overthinking pa more," narinig n'yang kantyaw ni Flami sa kan'ya."Fvck you!" inis na singhal n'ya sa kaibigan ngunit pinagtatawanan lamang s'ya nito.Hindi mawala sa isip n'ya ang date ni Scarlett at kung an
GLORYBELLE SCARLETT..Nagising s'ya na masakit ang buong katawan. Halos hindi n'ya maigalaw ang kalahati ng katawan n'ya."Anak ng pitong demonyo na hindi pantay ang itlog, sino ang bumugbog sa akin? Yawa!" pagmumura n'ya."Tanga inararo ka hindi binugbog," narinig n'yang boses sa kan'yang utak"Konsensya ikaw ba yan?" parang tanga na tanong n'ya rito. Mahina n'yang nasabunotan ang sarili lalo na ng maalala ang nangyari sa kanila ni Gabrielle na s'yang dahilan ng pananakit ng katawan n'ya ngayon."OMG! Ang petse-petse ko! Gaga ka talaga Glorya, ang rupok-rupok mo! Bakit ka ba kasi nakipag friendship sa ahas ni Gabrielle, ayan tuloy natuklaw ang petse-petse mo! Paano na to? Hindi na tayo berginia collada self!" Mag friendship over na tayo sa totoy bibo ni Gabrielle!" pagkausap n'ya sa sarili na parang tanga.Hindi s'ya mapakali sa kama. Gusto n'ya mang tumayo at magbanyo ngunit sobrang sakit ng kan'yang katawan. Parang maiyak na s'ya sa kan'yang sitwasyon. Nasa ganon s'yang ayos ng bum
GLORYBELLE SCARLETT...Matagumpay silang nakalipat sa kan'yang condo. Inayos n'ya agad ang kwarto ni Viper ng dumating sila. Medyo masakit pa ang kan'yang katawan dahil sa ginawa nila kanina ni Gabrielle bago umalis ng bahay nito, ngunit hindi n'ya na lamang ito ininda.Kasalanan n'ya din naman kasi s'ya ang nag-umpisa, kaya dapat lang na panindigan n'ya ang panlalandi n'ya rito."Baby magpahinga ka na, ako na d'yan," awat sa kan'ya ni Gabrielle. Pumasok ito sa loob ng kwarto at inagaw ang hawak ng comforter na para kay Viper."Akin na yan, magluto ka na lang para pagkatapos ko rito kakain na agad tayo. Gutom na din kasi ako," reklamo n'ya."Are you sure kaya mo na to? I know masakit pa ang katawan mo. We can just order food, ako na ang gagawa nito," presenta ng binata."Kaya ko nga, and please lang love ha, ngayong magkasama na tayo, huwag kang tatamad-tamad magluto, dahil I don't like eating outside food," nakapamewang na sermon n'ya sa lalaki. Napangiti naman ito at tumango."Yes