ANNABELLE’s POVNapatayo ako nang marinig ko ang sasakyan ng asawa ko mula sa labas. Inayos ko ang sarili ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako sa puwede niya na namang gawin sa akin. Alas-dose pasado na, pero ngayon pa lang siya nakauwi. At kahit hindi ko pa siya nakakaharap, alam kong lasing na naman siya. Ano ba ang bago roon?It’s our 3rd wedding anniversary, pero katulad noong una kaming nagsama ay wala pa ring pinagbago sa buhay namin. Katulad pa rin ng dati. Masasakit na salita at sakit ng katawan ang natatanggap ko sa asawa ko. Pero kahit ganoon ay mahal ko siya, at siya lang yata ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Napapagod ako sa sitwasyon ko, pero hindi sapat na rason iyon para iwan ko siya, ang asawa ko, si Cedric. Ang lalaking una kong minahal. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, at siya ring dumudurog dito. Ang lalaking pinakasalan ako dahil
ANNABELLE’s POVNakaharap ako ngayon sa salamin habang ginagamot ang pasa na natamo ko mula sa pananampal sa akin ni Cedric. Habang nilalagyan ko ng cold compress ang gilid ng bibig ko ay natigilan ako. Hindi ko naiwasan na maalala ang nakaraan...Nakatingin ako kay Cedric habang kausap niya ang kapatid kong babae. Nasa sala kasi ang mga ito habang ako ay nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan nila.Hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga dahil sa kalagayan ko. Sa kabila ng kayamanan ng pamilya na kinabibilangan ko, ay heto ako, gumagawa ng gawaing-bahay. Dinaig ko pa ang all-around-maid dahil sa dami ng trabaho ko araw-araw. Pinaalis kasi ng mga magulang ko ang mga katulong namin, at ang rason ng mga ito ay narito naman daw ako para gumawa ng mga gawaing bahay.I can’t complain, of course.I must not.Wala akong karapatan na mag-complain dahil hindi naman ako totoong anak ng mag-asawang Artemis. Bilyonaryo ang angkan ng parehong mag-asawang kumupkop sa akin. May anak din naman ang
ANNABELLE’s POVPaglabas ko ng bahay ay kakaripas na sana ako ng takbo papalayo nang makasalubong ko naman si Ate Angelica. Nagtataka siyang napatingin sa akin habang hawak niya ang cell phone niya na nakalapat pa sa tainga niya kaya halatang may kausap siya.Nagtataka ko rin siyang tiningnan. Kausap niya na naman ba si Keith? Ipinilig ko ang nga balikat ko para iwaksi ang katanungan na iyon sa isipan ko. Wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay niya. Total naman ay matanda na siya, kaya alam niya na ang tama at hindi.“Where are you going, Belle?” tanong niya pa sa akin.Napakamot ako sa ulo. “Kay Stefano sana, Ate Angel. Mukhang may sakit ang isang iyon, eh. Puwede ba? Tapos na naman ako sa mga gawain ko sa bahay, eh.”“Pero nandito pa si Cedric, eh.”“Eh?” Ano naman ang connect ng boyfriend niya sa pag-alis ako? Ah, oo nga pala. Bigla kong naalala ang dahilan.Napatingin ako kay Ate Angelica. She has everything. Nasa kaniya na lahat ng magagandang bagay na hinahangad ng isang
ANNABELLE’s POVMatapos kong makita ang tagpong iyon ng mag-anak na umampon sa akin ay mas napatunayan ko na sa kabila ng kayamanan nila ay hindi pa rin pala sapat iyon sa kanila. They are greedy.At kahit yata gaano pa kamahal ang ibayad sa family doctor ng mga ito ay wala nang pag-asa pang gumanda ang budhi ng mga taong nakatira dito.Bumuntonghininga ako, at umastang wala lang sa akin ang mga narinig ko. Naglakad ako papunta sa hagdan para sana umakyat na sa kwarto ko nang harangin ako ni Mommy.“We need to talk, Annabelle.” The way she calls me, ang paraan ng pagsasalita niya, alam kong tungkol iyon sa narinig at nasaksihan ko kani-kanina lang.“Ano po iyon, Mommy?” I tried my best to calm down, kahit ang totoo ay gusto ko nang sumigaw. Hindi ko matanggap na sobra na ang kasamaan nila.“I want you to shut that fvcking mouth, all right? Wala kang nakita, wala kang narinig. Kapag makalabas ang nangyaring ito sa mga Arkanghel ay mananagot ka sa akin.” Mahina lang ang boses na iyon ni
ANNABELLE’S POVKinabukasan nang magising ako ay mas lalong kita ang pasa ko lalo pa at maputi ako. I tried my best to hide my bruises with the use of right amount of concealer. Nang masiguro na hindi na mababakas ang pananakit ng asawa ko ay saka lang ako tumayo. Maglalakad na sana ako palayo nang makita ko ang kabuuan ko sa salamin. Napakurap ako. Nasaan na ang batang Annabelle noon? Bakit hindi ko na siya makita sa sarili ko ngayon?Bumuntonghininga ako at iwinaksi at kakatwang pakiramdam na lumukob sa dibdib ko. Kasalanan ko ito, aminado naman ako sa pagiging martir ko kaya bakit ako magrereklamo?Puso ang pinapairal ko. At kapag puso ang kalaban, paano mo pa mapipigilan?Paglabas ko ng kwarto ko ay sumalubong sa akin ang nakabibinging katahimikan na kahit araw-araw ko nang nabubungaran ay hindi pa rin ako nasanay. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Cedric. Pagpasok ko ay nakita ko ang bakanteng kwarto niya. Lumapit ako sa unan na ginamit niya at kinuha
ANNABELLE’s POVNasa canteen kami ng hospital ni Trinity to have our lunch together nang maagaw ang atensiyon namin sa pinapanood sa T.V. Isa iyong balita tungkol sa taong hinahangaan ko. Somehow, kahit hindi ko siya kilala ay binibigyan niya ako ng pag-asa. She’s a doctor, but not only that, she’s a successful businesswoman, too. Namamayagpag sa larangan na gusto niya. “Sa tingin mo, ilang taon na siya?” tanong sa akin ni Trinity. She likes the woman, too. “25? 27? I don’t know…” Nagkibit pa ako ng mga balikat dahil hindi ko rin alam. The woman didn’t disclose about her personal life that much. But she looks younger, that’s all we know. “By the way, Belle, what are your plans now?” Naudlot ang gagawin kong pagsubo dahil sa tanong na iyon ni Trinity. Ano na nga ba ang plano ko? Kailangan bang may gawin ako?“A-ano ang i-ibig mong sabihin?”“You know what I mean kaya nga nauutal ka riyan, eh.”“I don’t know?” walang kasiguraduhan kong sagot. Nagkibit pa ako ng mga balikat para ip
ANNABELLE’s POVMaaga akong nakauwi kaya napagpasyahan kong dumaan sa department store para bumili ng karneng baka. Magluluto ako ng beef steak dahil paborito iyon ni Cedric. I was humming a lullaby habang nagluluto. Magaan ang loob ko dahil alam kong magkikita kami ng asawa ko. Alam kong kahit narito na si Angelica ay uuwian niya pa rin ako. Malaki ang tiwala ko sa kaniya—kahit walang basehan na pareho kami ng damdamin ni Cedric. Matapos kong makapagluto ay agad akong naglinis ng katawan at nagbihis. I prepared the table and prepared some wine. Matapos maiayos ang lamesa ay saka ako naghintay sa asawa ako. But you know what’s hard in waiting? Iyon ang aasa kang darating ang hinihintay mo kahit pa nga tatlong oras na ang nakalilipas mula sa oras ng normal na uwi niya. It is hope that is killing me. “D-darating siya, Annabelle. Darating si Rik,” pagkumbinsi ko sa sarili ko sabay punas sa luha na dumadaloy sa pisngi ko. Heto na naman. Para na namang tinutusok ng isanlibong krayom a
ANNABELLE’s POV Matapos naming kumain na mag-asawa, ang inaasahan ko ay matutulog na siya. Pero nagkamali ako. Nagulat na lang ako dah il habang naghuhugas ako ng pinggan ay nabungaran ko siyang pababa ng hagdan habang may tangan na maleta. Nagsimula ulit akong maguluhan. Ang akala ko ba ay ayos na kami? Hindi ba at maayos naman ang naging usapan naming dalawa? Pero bakit ganito? Saan siya pupunta? Dali-dali akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan. “Teka, Cedric. Saan ka pupunta?” Ngumiti pa ako para hindi niya makita na nasasaktan na naman ako. “Hindi mo na kailangan na malaman iyon—” “Pero asawa mo ako, hindi ba? May karapatan akong malaman kung saan ka pupunta. Gusto kong malaman kung babalik ka pa ba o hindi na. Natatakot akong mag-isa, Cedric,” pag-amin ko sa kaniya. “Ayoko na ulit na maranasan ang pakiramdam ng mag-isa.” Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at tinanggal iyon. “I hate this side of you. Hindi ka naman dat