Share

Chapter 80

Aleya's Pov

Ngayong nakita ko na si Enrique at nasabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman ay puwede na akong mamatay. Atleast matatahimik na ang kaluluwa ko dahil nakita ko na siya at nasabi ang aking damdamin na matagal kong itinago sa kaloob-looban ko.

"Can you walk?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Mahina akong umiling. "Sinubukan kong tumayo kanina ngunit bigla akong nahilo. Siguro dahil sa taas ng aking lagnat," hinihingal ang boses na sagot ko sa kanya. Dahil sa taas ng lagnat ko at sa sobrang pagod ng katawan sa inabot kong pambubugbog mula kay Mr. Juico at sa mga tauhan niya kaya para akong tumakbo ng mabilis na hinihingal. Mainit na mainit ang aking hininga at pati na rin ang mga talukap ng aking mata.

"Aleya, kai— nandito na pala ang kaibigan mo," naudlot ang sasabihin sana ni Aling Aldelfa nang bigla siyang pumasok sa kinaroroonan kong silid at makita si Enrique. Natutuwa lumapit siya sa amin ngunit dagli rin iyong nabura at napalitan ng pag-a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status