THE BEAUTIFUL BODYGUARD

THE BEAUTIFUL BODYGUARD

By:  Daylan  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Mga Ratings
97Mga Kabanata
38.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Ganoon na lamang ang pagtutol ni Aleya nang ma-assigned siyang bodyguard ng binatang playboy na anak ng isang makapangyarihang pulitiko sa bansa. She hates playboy at minalas pang mapunta sa kanya ang trabahong ito. Na-challenge naman si Enrique dahil ngayon pa lamang siya nakakita ng babaeng hindi nag-swoon sa angkin niyang kakisigan kaya nangako siya na makukuha niya ang napakaganda at nakapaka-sexy niyang bodyguard samantalang ipinangako naman ni Aleya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya mahuhulog sa bitag ng playboy na binata. Pilit niyang pinairal ang pagiging professional niya sa trabaho, ngunit kaya nga ba niyang paglabanan ang ginagawang panunukso sa kanya ng playboy niyang binabantayan?

view more
THE BEAUTIFUL BODYGUARD Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Gene Darden
Isang napakagandang kwentong pag ibig na puno ng umaatikabong action, astig may comedy pa... basta sulit po basahin. Congrats po♡♡♡
2023-12-16 08:09:05
1
user avatar
Rosana Barboza
its nice the story is but the problem.you will.needed lot of points to.continue reading thats why its loosing if interest
2023-07-30 13:09:37
2
97 Kabanata
Chapter 1
Aleya Pov"Ano? Magiging bodyguard ako ng playboy na si Enrique Villareal? No way!" malakas na pagtutol ang namutawi sa aking mga labi nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Ninong Zandro. Ipinatawag niya ako sa opisina niya dahil may importanteng mission daw siyang ibibigay sa akin kaya dali-dali naman akong nagpunta sa opisina niya para lamang malaman ko na ang mission na tinutukoy ni Ninong ay ang pagiging bodyguard pala ni Enrique Villareal.Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Enrique Villareal na anak ng isang makapangyarihan at matinong pulitiko na si Senador Erman Villareal? Si Enrique ay ang black sheep at panganay na anak ng senador sa isang kilalang beauty queen. Hindi lamang ito kilala bilang anak ng pulitikong ama nito kundi kilala rin ito bilang easy-go-lucky at playboy. Para lamang itong nagbibihis ng damit kung magpalit ng nobya. Ngunit nakapagtataka na walang babaeng naghahabol dito at nagsasabing nabuntis nito o babaeng ayaw makipagkalas dito. Siguro ay tinatapala
Magbasa pa
Chapter 2
Aleya's Pov"Dad? Are you kidding me? Bibigyan mo ako ulit ng panibagong bodyguard? At nagsawa na kayo sa mga lalaking bodyguard na ibinigay ninyo sa akin kaya isang babae naman ngayon ang kinuha mong bodyguard ko. Aren't you afraid that my new bodyguard will fell in love with me?"Papasok pa lamang ako sa gate ng malaking bahay ng mga Villareal ay dinig na dinig ko na ang malakas na boses ni Enrique habang kausap ang ama nito. Halatado na sobrang tutol ito na magkakaroon ito ng bagong bodyguard at isang babae pa. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag makita niya na ang magiging bagong bodyguard niya ay ang babaeng may-ari ng nabundol na kotse ng girlfriend niya at muntik ng pumutol sa kanyang kasiyahan. Tiyak na mas lalo lamang siyang tututol. Ngunit wala naman siyang magagawa kundi sundin ang ama niya. Sinigurado sa akin ni Senator Villareal na kahit anong gawin ko sa anak niya ay hindi niya ako sisisantehin sa trabaho at mas makabubuti nga raw kung mapatino ko ang anak niya. B
Magbasa pa
Chapter 3
Aleya's PovTamang-tama na katatapos ko pa lamang ayusin ang mga damit ko sa drawer nang kumatok sa pintuan ng silid ko si Carol; ang katulong na naghatid sa akin sa magiging kuwarto ko."Yes? Bakit, Carol?""Ipinapatawag po kayo ni Sir Enrique, Ma'am Aleya. Nasa swimming pool po siya at naliligo," agad nitong sagot sa akin. "Okay. Saglit lang at lalabas na ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Siyanga pala, Carol. Huwag mo na akong tawaging ma'am dahil hindi naman ako isa sa mga amo mo. Katulad mo ay nagtatrabaho lang din ako sa bahay na ito at sinasahuran nila kaya pareho lamang tayo ng katayuan sa bahay na ito.""Pero parang nakakailang kung tatawagin lamang kita sa pangalan mo. Hindi ka kasi mukhang bodyguard ni Sir Enrique. Mas mukha kang girlfriend niya kaysa sa bodyguard. Ano kaya kung akitin mo si Sir para maging girlfriend ka niya talaga. Tiyak na hindi na siya magiging playboy kapag ikaw ang naging girlfriend niya."Napaubo ako ng mahina nang marinig ko ang sinabi ni
Magbasa pa
Chapter 4
Aleya's POVNang makita kong wala na sa kinauupuan niya si Enrique ay agad akong naglakad papunta sa pintuan ngunit mabilis akong hinarang ng kaibigan niya."Hindi ka pa puwedeng umalis, Ms. Beautiful. Pero kapag ininom mo ang isang basong alak na ito ay hahayaan na kitang makalabas para masundan mo si Enrique," nakangising sabi sa akin ng kaibigan ni Enrique. Nagtawanan naman ang iba pang mga kaibigan nito habang nakatingin sa akin. Naghahamon ang kanilang tingin na para sinasabi nila na hindi ako makakalabas sa loob ng private na ito kung hindi ko nga iinumin ang alak na ibinibigay sa akin ng kaibigan nila.Napatikom ang aking mga labi ng mariin. Wala akong oras para makipaghamunan sa kanila. Kapag hindi pa ako lumabas ay baka tuluyang makatakas nga sa akin si Enrique. Kapag nangyari iyon ay hindi lamang ako ang mapapahiya kundi pati na rin si Ninong. Malaki kasi ang tiwala sa akin ni Ninong na hindi ako magagawang takasan ni Enrique katulad ng ginagawa nito sa mga naging bodyguard
Magbasa pa
Chapter 5
"Mga pakialamero!" galit na sigaw ng lalaking nasa ibabaw kanina ng katawan nang kapatid ni Enrique. Matapos makatayo mula sa pagkakahulog sa kama ay dinampot nito ang isang di-kalakihang lampshade at dinaluhong si Enrique na nananatiling nakayakap pa rin sa kapatid na babae. Ngunit mabilis na nakailag ang binata at hinila ako sa braso pagkatapos ay itinulak papunta sa harapan nito nang akmang muli na naman ihahataw dito ng lalaking kaharap nito ang hawak na lampshade. Nagulat ako sa ginawa ni Enrique. At ginawa pa talaga akong pangharang sa kanya. Napaka-ungentleman talaga ng kumag na ito. Mabuti na lang at mabilis akong kumilis kaya nasalag ko ang lampshade at binigyan ng isang malakas na sipa sa sikmura ang lalaki. Tumilapon ito pahiga sa ibabaw ng kama habang namimilipit sa sakit."Nice kick," puri sa akin ni Enrique ngunit nang-iinis naman ang tono at ang paraan ng pagkakangiti niya sa akin. Inirapan ko lamang siya at nagpatiunang lumabas sa silid na iyon. Agad namang sumunod s
Magbasa pa
Chapter 6
Aleya's POVBago pa lumapat ang mga labi ni Enrique sa aking mga labi ay agad ng bumalik sa tama ang aking pag-iisip. Iniuntog ko ng malakas ang aking noo sa noo niya pagkatapos ay mabilis akong bumangon mula sa pagkakadagan sa katawan niya. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas sa kuwarto niya. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa kuwarto niya nang bigla akong mapakunot ng noo. Weird yata na hindi man lang nag-react si Enrique sa ginawa ko. Sa ugali niya ay tiyak na nakatanggap na ako ngayon ng hindi magagandang salita ngunit ngayon ay tila tahimik yata ito. Nilingon ko siya para makita kung ano ang ginagawa niya. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakapikit ang kanyang mga mata habang walang katinag-tinag sa higaan na para bang hindi na ito humihinga."What the heck! Did I killed him with just a simple head bang?" kausap ko sa aking sarili. Agad akong lumapit sa kanya at dinama ang kanyang leeg habang itinapat ko naman ang aking tainga sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nakahing
Magbasa pa
Chapter 7
Aleya's POVSaglit lamang na tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama ni Enrique na naliligo sa pool. Natatandaan kong siya ang babaeng nakabangga sa kotse ko noong unang beses na nagkita kami ng binata. Hindi maganda ang paghaharap namin ng babaeng ito kaya natitiyak ko na hinding-hindi niya papalalagpasin ang sandaling ito na makaganti sa akin."Ano ang ginagawa rito ng babaeng iyan?" narinig kong tanong kay Enrique ng babae."She's my bodyguard," mabilis namang tugon ng binata."Ano? Isa lang pala siyang bodyguard tapos kung makaasta ay parang may-ari ng PNP," nang-iinsultong sabi ng babae kay Enrique. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at nagkunwari na lang akong walang narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong paglilipat ng mga pagkaing nasa tray papunta sa mesa."C'mon, Shirley. Nagpunta ka rito para samahan akong maligo at hindi para mang-away ng isang bodyguard," anang binata sa babae na Shirley pala ang pangalan."No. Hindi ako makakapayag na hindi mailagay s
Magbasa pa
Chapter 8
Aleya's POVPagpasok ko sa loob ng silid ni Enrique ay nakita ko siyang nakasuot ng maikling short habang nakadapa sa ibabaw ng kama nito at nakapikit ang mga mata ngunit hindi naman ito mukhabg tulog at talagang nakapikit lamang ang mga mata. Mamasa-masa pa ang buhok nito. Mapaismid ako ng makita kong wala sa kuwarto nito si Shirley. Mukhang nabadtrip sa akin ang girlfriend nito kaya umuwi ng maaga. "Anong kailangan mo sa akin, Mr. Villareal?" agad kong tanong sa kanya. Hindi na ako kumatok sa pintuan dahil nakabukas naman iyon na para bang sinadya talagang ibukas para hindi na ako kumatok."Multo ka ba at bigla-bigla ka na lamang dumarating ng walang kilatis?" nagulat na tanong ng binata na biglang napamulat ng mga mata.Pinaikot ko paitaas ang aking mga mata bago ko siya sinagot. "Natural na hindi mo nakita at naramdaman ang pagpasok ko dahil nakapikit ka at natutulog.""I'm not sleeping. Ang sabihin mo ay para kang magnanakaw na magaan ang mga paa. Hindi naman yata police ang tra
Magbasa pa
Chapter 9
Aleya's POVMaganda ang mood na gumising ako sa araw na ito. Kahit na tinanghali ako ng gising ay hindi umalis si Enrique sa bahay nila. Ewan kung anong hangin ang nalanghap nito at hindi ito umaalis ng bahay nitong mga nakalipas na araw. Hindi na rin umulit na nagpunta rito ang girlfriend nito na ang hula ko ay hiniwalayan ng binata. Ganoon naman ito palagi. Halos Linggo-linggo ito kung magpalit ng nobya. Paborito yata nito ang kanta ni Imelda Papin na Isang Linggong Pag-ibig kaya ginagaya nito ang title ng nasabing kanta. Mas pabor sa akin na palaging nag-stay lamang sa bahay nila ang binata dahil hindi ako mahihirapan at mapapagod sa kakabuntot sa kanya at mas nakakasiguro ako na ligtas siya kapag nandito lamang siya sa bahay nila. Isa pa sa nagpapaganda ng mood ko ay day off ko ngayong araw. Ang sabi sa akin ni Sir Erman ay day off ko every Saturday para naman daw makapagpahinga ako ng maayos at makapag-exercise na rin. Mamaya pag-alis ko ay pupunta ako sa gym na itinayo ni Ninon
Magbasa pa
Chapter 10
Aleya's POVNasa loob ako ng isang disco bar at kasama ko si Deo. Dito kami madalas tumambay lalo na nang nag-aaral pa lamang kami sa kolehiyo. Tatlo kaming tumatambay rito noon. Ako, si Deo at Castor na noon ay boyfriend ko pa. Pero nang natuklasan ko na niloloko niya ako dahil kabi-kabila pala ang girlfriend nito ay hindi na kami madalas nagpupunta sa bar na ito. At pag nagpunta man ay dalawa na lamang kami ni Deo. Pero nang umalis ang kaibigan ko papuntang ibang bansa para sumali sa world training ng mga kapulisan ay hindi pa ako nagpupunta ulit dito."Mabuti at pinayagan ka ng alaga mo na umalis ngayon," malakas ang boses na kausap sa akin ni Deo habang nakaupo kami sa pangdalawahang upuan at umiinom ng beer. Kapag mag-uusap kami ay inilalapit namin ang aming mukha sa isa't isa para magkarinigan kami dahil malakas ang tugtog ng kumakantang live band sa stage."Wala siyang magagawa kung umalis ako dahil day off ko ngayon. Ang daddy niya ang nagbigay ng pahintulot sa akin na mag-day
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status