Share

Chapter 2-Dala ng kalasingan

Pilit na iminumulat ni Shaina ang mga mata at inaninag ang kaibigang bakla. Nahihilo na siya pero gusto pa sana niyang uminum ngunit inubos na ni Daisy ang alak.

"Ka-kaya mo pa ba?" nabubulol na tanong ni Daisy sa kaibigan.

Napasinok si Shaina at natawa sa hitsura ng kaibigan. "Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo. May dinaramdam ka ba at naglasing ka rin?"

Sinimangutan ni Daisy ang kaibigan, "may problema agad? Hi-hindi ba puwedeng nagmagandang loob lang kaya nalasing?"

Lalo lamang natawa si Shaina at bakwit na ang dila ng kaibigan.

"A-ayaw ko lang na matu-tutulad ka sa mga babaeng nakipag one night stand dahil sa kalasingan!"

Napalakas ang tawa ni Shaina sa narinig. Ang cute lang ng kaibigan at parang naduduling na ito. Dinuduro siya nito pero ang tingin ay lampasan sa kaniya.

"Ma'am, your bill po."

Nakausli ang nguso na tiningala ni Shaina ang waiter na lumapit sa kanila. Halos hindi niya mabanaag ang nakasulat sa resibo. "Ito na ang card ko, pogi, ubusan mo na ang laman if you want!"

Napakamot sa batok ang lalaki bago tinanggap ang card at ini-swipe sa dala niyang card reader's slot. Ang akala niya kanina ay ang lalaking kasama nito ang magbabayad. Mabuti na lang at tanda pa rin ng babae ang passcode at napindot ang tama. Inalok na rin niya ng room ito at mukhang hindi na kayang umuwi pa.

Hinayaan ni Shaina na tulungan sila ng lalaki na makapag-check in kasama ang kaniyang baklang kaibigan. Alam niyang mahal pero wala siyang pakialam na. Halos hindi na rin makatayo ang kaibigan dahil sa kalasingan. Pagdating sa silid na tutuluyan ay bagsak agad ang kaniyang kaibigan. At siya? Well, ang akala niya ay sagot ang alak sa kaniyang pusong sugatan. Ang akala niya ay pansamantala niyang makalimutan ang pighati sa kaniyang puso't isipan.

"Kulang yata ang nainum ko," kausap ni Shaina ang sarili. Bumangon siya at napatitig sa hawak niyang card. Naduling pa siya at pinakatitigan ang nakasulat doon.

Tumawa si Shaina pagkabasa sa pangalan ni Rex. "I hate you! Bakit mo nagawa sa akin ito? Ang akala mo ba ay hindi ko kayang magwaldas ng pera kaya mo ipinagkatiwala sa akin ang card na ito?"

Para nang baliw si Shaina na kinakausap ang card na hawak. Tumatawa pero tumutulo ang luha sa mga mata nito. Ilang minuto pa ay tumayo nang magsawa na sa pakipag-usap sa sarili. Ang kaibigan ay naghihilik na rin dahil sa kalasingan.

Inayos ni Shaina ang sarili pagkatayo mula sa kama. Lumapit sa malaking salamin at pinakatitigan ang sarili. Mukha siyang miserable at maga na ang mga mata kakaiyak. Mula sa sulok ng paningin ay nakita niya ang bag ng kaibigan. Mabilis niya iyong nilapitan at binuksan. Hindi siya mahilig mag-ayos or maglagay ng kolorite sa mukha. Ngayon ay susubukan niya. Kailangan niyang baguhin ang sarili upang ipakita na hindi siya talunan. Maghahanap siya ngayong gabi ng mas mayaman at guwapong lalaki. Ipamumukha niya kay Rex na hindi lang ito ang marunong makipaglaro o magloko. Gusto niya itong magsisi sa ginawang pagtataksil.

"Perfect!" nakangising puri niya sa sarili matapos ayusan ang sarili. Pinapungay pa niya ang mga matang nakipagtitigan sa harap ng salamin. Kahit papaano ay alam niya gamitin ang mga pampagandang gamit ng kaibigan. Ngumuso siya bago ngumiti muli dahil ang pula na ng kaniyang labi.

Medyo nawala na rin naman ang pagkahilo niya kaya tuwid ang lakad sa hallway. Hindi niya alam na nasa third floor pala siya. Hindi niya alam kung saan pupunta, lalampasan na sana niya ang isang silid nang makarinig ng dalawang taong nag-uusap.

"Make sure na magawa mo ang iyong trabaho. Huwag kang mag-alala sa surveillance cameras dahil nagawan na namin ng paraan."

Napaisip si Shaina at nabanggit pa ng boses lalaki ang surveillance camera. Naging careless pa ang mga ito at hindi naisara ng maayos ang pintuan. Nagkibit balikat siya at humakbang muli, hindi niya napigilan ang sariling tumingin sa loob nang mapatapat sa nakaawang na pintuan. Sandaling napatda siya, at mabilis na nagkubli nang masilayan ang mukha ng babaeng kausap ng hindi kilalang lalaki.

"Namalikmata lang ba ako?" naitanong ni Shaina sa sarili. Naalog pa niya ang ulo at baka namali lamang siya.

"Room number twenty nine, hintayin mo ang go signal bago pumasok sa kaniyang silid. Hindi ka mahirapang akitin siya dahil may pinainum ng gamot sa kaniya. Ang ticket mo papuntang ibang bansa ay nakahanda na rin upang hindi ka maimbistigahan."

Mabilis na umalis si Shaina sa kinatayuan at nagmamadaling bumalik sa pinanggalingan. Alam niya ang silid na tinutukoy ng lalaki at katabi lang ng kaniyang silid iyon. Malakas ang kutob niyang may masamang balak ang mga ito sa kung sino man ang nasa silid na iyon. Masakit ang maloko lalo na ang gawan ng masama at naransan niya iyon. Kaya naisip niyang tulungan ang taong nasa silid na iyon.

Dala ng kalasingan ay hindi na nakapag isip ng matino si Shaina. Pagkapihit sa pintuan ay bukas iyon. Agad siyang pumasok at hinanap ang taong kailangang tulungan.

"Who are you?"

Napalunok ng sariling laway si Shaina nang marinig ang baritonong tinig ng isang lalaki. Parang gusto niya ngayon magsisi sa pagmamagandang loob nang walang maaninag sa loob ng silid. Ang dilim at wala manlang kahit lampshade na nakabukas. Pero naroon na siya kaya marahan siyang humakbang at tinunton ang kinaroonan ng lalaking nagsalita.

"Tinatanong kita, sino ka para mangahas pasukin ang aking silid?"

"Kuya, gusto lang kitang tulungan dahil— ay!" Napatili siya at hindi na naituloy ang iba pang nais sasabihin nang may matigas na kamay ang humawak sa kaniyang braso.

"Sino ang nag-utos sa iyo na pumasok dito?"

Dumoble ang kaba sa dibdib ni Shaina at ramdam niya ang galit ng lalaki. Mukhang napagbintangan pa siyang masamang tao.

"Sino ang nag-utos sa iyo upang lagyan ng gamot ang inumin ko?" galit na tanong muli ng lalaki.

Natakot na si Shaina sa lalaki lalo na at hindi nakikita ang mukha nito. Aninag lamang niya ang kulay puting roba na suot nito at mukhang bagong ligo. Nagpumiglas siya ngunit niyakap siya nito upang hindi makawala.

"Fuck, stop moving!"

Halos pigil hininga na si Shaina nang marinig ang namamaos na ngayong tinig ng lalaki. Natakot siyang gumalaw at mukhang may iniindang sakit ang lalaki. Naroon nga pala siya upang tulungan ito kaya mabilis siyang humarap dito at kinapa ang katawan nito. "May sugat po ba kayo? Halika at tulungan kitang makapunta sa hospital."

Mukhang napipilan ang lalaki at ramdam niyang inaaninag nito ang kaniyang mukha gayong madilim ang paligid.

"Kuya, buksan natin ang ilaw para matulungan kitang—"

"No!" matigas na turan ng lalaki.

Napasinghap si Shaina nang kabigin ng lalaki ang kaniyang baywang.

"Wala nang oras, kailangan kong mailabas ang init sa aking katawan."

Nanlaki ang mga mata ni Shaina nang may lumapat na malambot sa kaniyang labi. Gusto niyang itulak ang lalaki palayo sa kaniya ngunit ang lakas nito. Para itong nauulol at sabik na sinibasib ng halik ang kaniyang labi. Hindi pa siya nakabawi sa una nitong ginawa at hito naman ang kamay at hinuhubad ang suot niyang cycling kasama ang underwear. At dahil naka dress lang siya kaya naging madali para dito ang maisagawa ang nais nito.

Hindi niya rin magawang sumigaw upang humingi ng tulong dahil ayaw pakawalan nito ang kaniyang labi.

"I know that you all planned this to ruin my name so I will give you what you want!"

"No, please! Mali ka po ng inisip, mister!" nanghihinang pakiusap ni Shaina sa lalaki. Napaiyak na rin siya dahil sa takot. Gusto lang naman niyang tumulong ngunit mukha siya ang nangangailangan ng tulong ngayon.

Napahiyaw si Shaina nang bigla siyang buhatin ng lalaki at parang unan na initsa sa malambot na kama. Hindi na niya nagawang bumangon dahil agad siyang dinaganan ng lalaki. Ang laki ng bulto nito at kahit sumigaw siya upang humingi ng tulong ay mukhang walang makakarinig sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya nang may mainit at matigas na bagay ang tumusok sa kaniyang hita. Nang hawakan niya ang lalaki upang itulak ay ang hubad nitong katawan ang kaniyang nakapa. At iwan ba niya kung bakit biglang nag-iba ang temperatura ng kaniyang katawan nang magdikit na ang balat nila ng lalaki. Hindi niya napigilang dumama ang mga palad sa matigas nitong dibdib at braso. Rinig pa niya ang pag-ungol ng lalaki dahil sa kaniyang ginawa.

Ang mga sumunod ay hindi na alam ni Shaina paano nangyari. Dala marahil ng kalasingan kaya nag-init na rin ang pakiramdam at pinagbigyan ang gustong mangyari ng lalaki. Wala pang limang minuto mula nang maihiga siya sa kama ay napaigik siya sa sakit. Walang ingat na inangkin siya ng lalaki. Pakiramdam niya ay nawarak ang kaniyang pagkababae dahil sa laki ng lalaki.

Nakalmot niya sa likod ang lalaki dahil sa sakit na nadarama. Mukhang hindi na nito ma-control ang saliri at sunod-sunod na ulos ang ginawa hanggang sa labasan ito. At nakakahiya mang aminin ay nauna pa niyang naabot ang tinatawag na bituin sa langit.

"Fuck! This is bullshit!"

Rinig niyang pagmumura ng lalaki. Hindi niya alam kung sa kaniya ba ito galit o sa sarili nito? At hindi na nito magawang hugutin ang pagkalalaki nito sa kaniyang lagusan. Gusto na niya sana itong itulak ngunit nang gumalaw itong muli ay may namuo na namamg init sa kaniyang pagkababae. Sabay pa silang napaungol ng lalaki. Sa pagkakataong ito ay mas nanaig ang kakaibang kiliti at sensasyong lumukob sa kaniyang katawan. Nang halikan siya nito sa labi ay gumanti siya. Ninamnam ang nakaw na sandali kasama ang lalaking estranghero. Ito naman ang gusto niya 'di ba? Ang ibigay na lang ang sarili sa hindi kilalang tao? Ayaw na niyang makipag relasyon pa. Gusto na lang niya ay anak at mukhang nasagot na ang kaniyang hiling.

Matapos ang ikalawang mainit na pagniniig ay halatang sapilitang inilayo ng lalaki ang sarili sa kaniya.

"Wait for me here!" mariing bilin ng lalaki bago bumaba ng kama.

Kahit masakit ang katawan ay bumamgon si Shaina. Hindi na nag-abala pang buksan ang ilaw. Kailangan na niyang umalis at hindi siya dapat makilala ng lalaki. Kailangan na niyang makaalis bago pa siya maabutan doon ng taong may balak na masama sa lalaki. Tama nang natulungan niya itong mailabas ang init ng katawan kaya siguradong hindi na ito maakit ng iba.

Comments (20)
goodnovel comment avatar
Marites Escarilla Aguirre
wow ganda nmn,naisuko agad ang badera......
goodnovel comment avatar
Bebot Claveria
Pano maipa TOLOY ang PAG basa ang ganda
goodnovel comment avatar
claire granada
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status