THE BEST MISTAKE

THE BEST MISTAKE

By:  Yeiron Jee  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.8
117 Mga Ratings
302Mga Kabanata
804.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso. Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak. "Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said. Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki. Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?

view more
THE BEST MISTAKE Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Daisy Paclibare
go Natasha... thanks miss A, godbless moreeee......
2024-02-29 22:11:39
1
user avatar
Edna Jacinto
highly recommended ...nice novel
2024-02-27 19:38:43
1
user avatar
mary Chiang
ang ganda ng story at nkakainspire po,thank you author.sana d ka magsawa s updated..pahinga din at wag masyado mgpagod
2024-02-14 12:19:47
1
user avatar
Fatima Matalam
tanginang update naman to. 2025 paba balak tapusin??
2024-02-12 22:23:08
0
user avatar
Faisah Ali Ali
nice story inaabangan q tlaga Sana may update na.
2024-02-02 10:40:26
1
user avatar
Gerlie M. Lumanglas
highly recomended po....one of the best story n meron ang Good novel....
2024-01-12 21:16:29
2
user avatar
Johana Macalipat Abdulrahman
grabe ang gnda ng story sna me update n agad ngaun din balik sa story n adrian arriana at trisha...
2024-01-08 13:49:30
1
default avatar
Raquel Dano
Very nice story satisfaying me so much….
2024-01-03 22:32:31
1
default avatar
Justforkikay
wala na bang update Dito?
2023-12-18 02:18:38
1
user avatar
Batino
Wow nice story po...
2023-12-15 13:02:21
1
user avatar
RC Acero
maganda ang story ni arriane at axel naka2tawa ......
2023-12-09 01:18:38
2
user avatar
Nuema Amaro Clarina
more more updates please
2023-12-09 00:30:34
2
user avatar
Alicia Lotino Jamoso
miss jee na delete ko ang the best mistake sa book tapos binalik ko uli ngsimula na nman Ako pano Ako mkabalik KY Tristan Yung nkasakay sa taxi c jade at carlo
2023-11-30 15:16:21
4
user avatar
Yeiron Jee
hello everyone, try to read also my other book. title are: PLAYED BY FATE, THE HEARTLESS CEO, LANGIT SA PILING MO and THE BILLIONAIRES' SECRET. Thank you!
2023-11-29 07:30:31
2
user avatar
Aliyah Fadilah Malayao
Sana Tristan at jade cont.ang kwento Ang galing ,kakakilig siguro nila,aabangan ko to pwamis.
2023-11-20 03:48:48
2
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 8
302 Kabanata
Chapter 1-Kataksilan
"Hayop ka! Bakit mo nagawa sa akin ito?" Umiiyak na ipinalo ni Shaina ang isang kamao sa dibdib ni Rex."I'm sorry, babe, pero siya ang pumupuno ng pagkukulang mo bilang kasintahan ko."Awang ang mga labi at hindi makapaniwalang pinakatitigan ni Shaina ang nobyo. Gusto niya itong sampalin ngunit parang binalot ng yello maging ang mga kamay niya, at naging paralisado katulad ng kaniyang pusong sugatan. Dahil lang sa hindi niya maibigay ang katawan dito ay naghanap na ito ng ibang maparausan? Pero bakit sa pinsan niya pa na alam nitong kaagaw niya sa lahat ng bagay? Alam din nito kung bakit gusto niyang kasal muna bago isuko ang sarili dito."Kailan mo pa ako niloloko?" mahinahon ang tono ngunit nag-aalab sa galit ang mga titig niya sa binata.Mabilis na nag-iwas ng tingin si Rex sa dalaga. Bigla siyang nakunsensya ngunit hindi na siya makawala kay Lovely. Nahahati ang kaniyang puso ngayon, hindi niya akalaing maagang malaman ng nobya ang tungkol sa lihim nilang relasyon ng pinsan nito.
Magbasa pa
Chapter 2-Dala ng kalasingan
Pilit na iminumulat ni Shaina ang mga mata at inaninag ang kaibigang bakla. Nahihilo na siya pero gusto pa sana niyang uminum ngunit inubos na ni Daisy ang alak."Ka-kaya mo pa ba?" nabubulol na tanong ni Daisy sa kaibigan.Napasinok si Shaina at natawa sa hitsura ng kaibigan. "Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo. May dinaramdam ka ba at naglasing ka rin?"Sinimangutan ni Daisy ang kaibigan, "may problema agad? Hi-hindi ba puwedeng nagmagandang loob lang kaya nalasing?"Lalo lamang natawa si Shaina at bakwit na ang dila ng kaibigan."A-ayaw ko lang na matu-tutulad ka sa mga babaeng nakipag one night stand dahil sa kalasingan!"Napalakas ang tawa ni Shaina sa narinig. Ang cute lang ng kaibigan at parang naduduling na ito. Dinuduro siya nito pero ang tingin ay lampasan sa kaniya."Ma'am, your bill po."Nakausli ang nguso na tiningala ni Shaina ang waiter na lumapit sa kanila. Halos hindi niya mabanaag ang nakasulat sa resibo. "Ito na ang card ko, pogi, ubusan mo na ang laman if you wan
Magbasa pa
Chapter 3-Maling bentang
Kahit masakit pa ang katawan, lalo na ang nasa pagitan ng hita ay malalaki pa rin ang hakbang ni Shaina sa paglalakad. Diritso siya sa kanilang silid at agad na isinara ang pintuan pagkapasok. Mabuti na lang at hindi iyon naka lock, at sinadya niya kanina na lagyan ng harang sa ibaba ng pintuan dahil hindi dinala ang key card. Pagkasandal sa nakasarang pintuan ay napahawak sa dibdib ang isang kamay habang huminhinga ng malalim. Daig pa niya ang nakipaghabulan sa multo sa hitsura niya ngayon.Ilang minuto pa siyang nanatili sa ganoong katayuan bago sinuri ang sarili. Pagkatitig sa hawak na bagay ay namula ang kaniyang mukha dahil sa hiya. Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa kaniya kanina. Grabe, nagawa niyang maglakad sa hallway na walang suot na underwear. Sa sobrang pagmamadali kanina at takot na maabutan pa ng lalaki ay hindi na niya nagawang isuot ang panty.Nagpasya siyang pumasok sa banyo na naroon lang din sa silid at mainabuting maligo upang linisin ang sarili. Mabuti n
Magbasa pa
Chapter 4-Komprontasyon
Ipadadala kita sa ibang bansa hindi dahil sa itinatakwil kita, apo. Gusto ko lamang malayo ka sa kahihiyan at magbagong buhay na rin."Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Shaina habang mataman na pinagmamasdan ang abuela. Kahit ano ang sabihin nito ay masama pa rin ang kaniyang loob. Kahit ang ama ay ayaw niyang kausapin.Napabuntonghininga si Cristy nang walang sagot na nakuha mula sa apo. "Balang araw ay maintindihan mo rin ako. Ayaw kong matulad ka sa buhay ng iyong ama. Dahil sa pagiging konsintidor ko noon at ibinibigay ang lahat ng gusto niya, ito na ang kaniyang naging buhay."Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ni Shaina sa matanda. Pero ayaw pa rin niyang magsalita. Hinayaan niya lang itong maglabas ng saloobin at magpaliwanag. Ang akala niya ay nagkaroon ito ng favoritism sa mga anak noon pa man, kaya nagkakaganoon ang ama. Kahit ganito ang matanda ay mahal niya ito. Bata palang kasi siya nang mawala ang ina at ito na ang tumatayo niyang ina."Naka book na ang iyo
Magbasa pa
Chapter 5-Paghanga
"Sir, tumatawag pong muli ang ina ni Miss Cheska," pukaw ni Teddy sa biglang pananahimik ng binata.Naputol ang pagbabalik tanaw ni Travis at marahas na nilingon si Teddy. "Ikaw na ang kumausap."Napakamot sa batok si Teddy at mukhang biglang dumoble ang edad. No choice siya lalo na at tumalikod na ang dominanting binata. Inihanda na niya ang kaniyang tainga bago sinagot ang tawag ng ina ni Cheska."Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Hindi mo ba ako kilala at binabaliwala mo ang aking tawag? Nasaan ang arogante mong amo?"Bahagyang nailayo ni Teddy ang hawak na aparato sa tainga dahil sa lakas ng boses ng ginang. Sa dami na niyang na encounter sa tawag dahil siya ang sumasagot sa mga tumatawag kay Travis, kakaiba itong ina ni Cheska. Bukod sa feeling VIP ay masakit pa sa tainga ang matinis nitong tinig. Pang-ilang beses na bang tanong nito iyon? Bata pa naman ito para maging ulyanin. Mabuti na lang talaga at hindi matuloy ang kasal, ayaw niyang lagi siyang tawagan para hanapin
Magbasa pa
Chapter 6-Imbistigasyon
Naging malungkutin si Shaina kahit lagi silang lumalabas ng pinsan ng abuela. Lumipas ang ilang lingo at nakalipat na siya ng sariling bahay. Nagsimula na rin siya ng trabaho bilang isang graphics designer sa isang nag-uumpisa palang na kompanya. Naisip niyang magandang simula ito sa kaniyang buhay roon at ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak. Hilig niya ang mag-creat, edit, design at mag- analysis. Hindi niya nagamit ang talinto sa kanilang kompanya dahil sinasapawan siya ng mga pinsan."You did an excellent job!" Tuwang-tuwa ang president ng kompanya kay Shaina. Isang buwan mahigit pa lang ito mula nang tanggapin sa trabaho pero malaki na agad naging profit ng kompanya dahil sa husay nito. Dumami agad ang kanilang client from commercial company at iba pa.Nahihiyang ngumiti si Shaina sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa papuri nito. Pinoy din ang lalaki at karamihan sa mga kasama niya ay kabayan lang din nila."Mula ngayon ay ikaw na ang italaga ko sa position ng creative director!"Napa
Magbasa pa
Chapter 7-Aksidente
"Ano ang ibig sabihin nito, Lovely?" Galit na isinaboy ni Cristy ang larawan sa harapan ng apo.Nanlaki ang nga mata ng dalaga pagkakita sa larawan, kasama si Rex. Hindi niya alam paano sila nakuhanan ng larawan ng hindi pa niya kilalang tao. Naging maingat naman sila ni Rex at bihira na nga lang lumabas ng patago. Hindi niya maitanggi ngayon ang kanilang relasyon dahil naghahalikan pa sila ng binata. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa nila nasasabi sa matanda ang tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rex."Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Shaina noon?!"Mabilis na umiling si Lovely at ginagap ang palad ng matanda na nanginginig dahil sa galit."Lola, mali po kayo ng iniisip. Patawad kung nahulog ang loob namin sa isa't isa ni Rex, pero ngayong buwan lamang po kami nagkaroon ng relasyon. Nasaktan ng husto noon si Rex dahil sa ginawa ni Shaina at tinutulungan ko siyang makalimot."Marahang napailing si Cristy at nanghihinang napaupo sa upuan. Iwinaksi niya ang kamay ng apo ta
Magbasa pa
Chapter 8-Critical condition
Ikinuha na rin ni Joshua ng private room ang abuelo at pina admit upang masiguro ang kalusugan nito. Alam naman kasi niyang hindi ito uuwi at kailangan nito nang may mapahingahan. Doon na rin nagpasyang mag-usap-usap kasama ang abogado at detective."Don Lauro, kailangan niyo pong malaman na may iniwang last will and testament si Mr. Travis bago pa nangyari ang aksidenteng ito." Unang naglahad na si Ben.Lahat ay sinabi ni Ben ang tungkol sa habilin ni Travis maliban sa tungkol sa babaeng nagalaw nito. Walang ibang dapat makakaalam niyon sa ngayon at baka ipahanap naman ng kaaway at gawan ng masama."What? Paano nangyari iyan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Martha sa abogado.Pinukol ng makahulugang tingin ni Joshua ang ina upang patahimikin ito. Nakuha naman nito ang lihim niyang mensahe at iniba ang tanong."Ang ibig kong sabihin ay, wala naman siyang ibang tagapagmana upa—""Marahil ay isa iyan sa dahilan kung bakit nagpagawa ng last will and testament si Kuya, ma." Pinut
Magbasa pa
Chapter 9- Five years later
Galit na naibato ni Travis ang kutsarang hawak sa dingding at hindi nagustohan ang lasa ng pagkain. Ilang buwan na rin siyang nagising mula sa pagka comatose at walang maalala kahit pangalan. Pakiramdam niya ay walang improvement sa kaniyang katawan. Nagsasawa na rin siya sa pag-inum ng gamot."Sir, ka-kailangan niyo pong kainin ito at inumin ang gamot." Nauutal na pakiusap ng nurse na siyang nag-aalaga kay Travis."Get out!" bulyaw ni Travis sa babae.Agad na bumukas ang pintuan at pumasok si Joshua, "kuya, ano na namam ang problema?""Gusto ko nang umuwi!"Bumuntonhininga si Joshua at seninyasan ang nurse na lumabas na muna. Naroon sila ngayon sa isang private resort upang maiba ang environment ng kapatid. Ngunit kahit may amnesia ito ay talagang hindi nawawala ang pagiging dominante sa ugali nito. Kung puwede lang lasunin ito ay ginawa na niya. Pero kailangan pa niya ito at hindi pa napapirma sa gusto niyang kasulatan.Natuwa sila ng ina nang magising ito at walang maalala. Ngunit
Magbasa pa
Chapter 10-Pagpapanggap
"TULOG na po ba siya, ma?" paanas na tanong ni Joshua sa ina.Isinara muna ni Martha ang pintuan ng silid ni Travis bago seninyasan ang anak na sumunod. Nakauwi na rin ang mga bisita kaya wala nang isturbo.Sinundan ni Joshua ang ina hanggang makapasok sa silid nito. Pagkasara ng pintuan ay agad nagsalita ang ina."Kailangan na nating baguhin ang plano at hindi tayo puwedeng maging kampanti sa gamot na pinaiinum sa kaniya.""Pansin ko nga pong bumabalik ang tunay niyang ugali." Sang-ayon ni Joshua sa ina."Kailangan nating mapaniwala siya na may babae siyang kailangang pakasalan. Gagamitin na natin ang dukumentong nakuha mula kay Teddy."Napangisi si Joshua pagkaalala sa tinutukoy ng ina. Talagang itinabi nila iyon nang makita dahil sa kanilang plano. At may babae na siyang puwedeng gamitin upang pakasalan ng kaniyang kapatid.Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Martha matapos mapulido ang plano nila ng anak. Walang maaring makahadlang sa kanila dahil nakaratay na rin si Lauro sa hospital
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status