Matapos masuri si Travis ay lumabas na si Grace ng silid. Nakihalubilo na siya sa mga naroon. Nagulat pa siya nang makita na naroon din ang kamag anak ni Shaina."Doctora!" Nakangiting sinalubong ni Arriana si Grace. "Natatandaan niyo pa po ba si Tita Angeline?"Pilit na ngumiti si Grace at nagkunwaring nag isip muna. "Sorry, sa dami ko nang nakasalamuha ay hindi ko na matandaan ang mga pangalan. Pero pamilya siya sa akin.""Siya po ang kapatid ng naging pasyente niyo noon, limang taon na ang nakalipas." Paalala ni Arriana. Inutusan lang siya kanina ng kakambal na samahan si Angeline na hanapin ang doctor.Muling nangunot ang noo ni Grace at hindi niya alam na updated si Arriana sa buhay niya noon."Naikuwento nila sa akin na ikaw ngayon ang nag aalaga kay Travis kaya hinanap kita upang mangamusta na rin." Ngumiti si Angeline sa manggagamot."Ah, naalala ko na si Lovely, right?"Malungkot na tumango si Angeline. "Yes.""Sorry sa nangyari sa kaniya noon. Hindi ko akalaing mauwi sa dep
Hindi na tumigil si Cherry sa pag-iyak hanggang sa maibaba siya ng sasakyan. Pamilyar sa kaniya ang lugar na binabaan nila kaya lalo siya nakaramdam ng takot. Ang akala niyang masayang araw ngayong gabi ay nauwi sa isang bangungot. Tiyak na hindi lang siya basta pahihirapan ng mga taong may hawak sa kaniya ngayon. Kung maibabalik lang niya ang dating buhay, hindi na niya pangaraping magkaroon ng magandang buhay at instant na milyonaryong asawa."Lakad!" Tulak ng isang lalaki kay Cherry."Kamuntik na siya madapa dahil sa ginawa ng lalaki. Hindi niya maipagtanggol ang sarili at may tali ang mga kamay at patalikod pa. Ang bibig ay may busal pa rin upang hindi makalikha ng ingay. Pagtingin niya sa paligid ay wala na ang mga dating gusali katulad ng mga maliliit na tindahan. Mukhamg inabanduna na ang malawak na lote at naiwang nakatayo na lang ay ang gusali kung saan itinago noon si Natasha."Kaladkarin mo na nga iyan at ang bagal maglakad." Galit na utos ng isa pang lalaki sa lalaking nag
"Doctora, hindi ka ba nag-e enjoy?" puna ni Angeline sa babae.Napakurap si Grace nang malingunan niya si Angeline. Ngumiti siya rito, "bakit narito ka?" tanong niya dahil buong pamilya nila Shaina ay naroon sa iisang umpukan."Napansin kasi kitang nag iisa lang dito. Halika at maki join ka sa amin." Hinawakan ni Angeline sa kamay ang babae.Napilitan si Grace na sumama kay Angeline. Hindi nito binitawan ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa harapan nila Shaina."Doc, pasensya na kung nakalimutan ka namin." Paumanhin ni Shaina sa manggamot."Ayos lang, enjoy ako habang pinapanood kayo at ang saya ninyo." Ngumiti si Grace kay Shaina."Ngayon lang kasi nabuo muli ang pamilya namin kasama ang malalayong kamag-anak. Ikaw, doc? Wala ka bang planong magkaroon ng sariling pamilya?" Biglang napalis ang ngiti sa labi ni Grace dahil sa tanong ni Trisha. Alam niyang wala iyong pakahulugan pero nainsulto pa rin siya. Pilit siyang ngumiti muli bago sumagot. "Masaya na akong mamuhay na ma
"Oh, paano ba iyan? Hindi mo na ako maturukan ng gamot?" pang-aasar ni Natasha sa babae."Bitch, ano ang ginawa mo sa akin?""Simple lang, kung ano ang pinainum niyo sa akin noon upamg magmistulang lantang gulay at hindi makatakas.""Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo." Pagkaila ni Grace. Kailangan na lang niyang malinlang ang babae habang wala pang ibang tao sa paligid."Oh, huwag na magdrama at hindi bagay sa iyo. Nakaalala na ako at lahat ng kahayupang ginawa niyo sa akin noon ay ibabalik ko sa inyo!" Tumalim ang tingin ni Natasha sa babae.Nangangalit ang ngipin at nanlilisik ang tingin ni Grace sa dalaga. Hindi niya matanggap na sa isang iglap lang ay mahuli siya ng isang tulad ni Natasha. "Bitch, ang akala mo ba ay ganoon kadali mo akong mapatumba?"Napatikwas ang mga kilay ni Natasha at nanghahamon ang tingin sa babae."Kapag hindi mo ako pinakawalan ngayon din, hindi mo na makitang muli na humihinga pa ang ama mo!" Pumaskil sa labi ni Grace ang kakaibang ngiti dahil ma
Nakahinga nang maluwag si Natasha nang paglabas ng banyo ay wala na ang mga magulang. Mabilis na nilapitan ni Dark ang dalaga at tinulugan itong matuyo ang buhok nito. Siya na ang humawak sa blower at marahan sinusuklay ang buhok ng dalaga.Napangiti si Natasha nang masalubong ang malamlam na mga titig ng binata sa kaniya. Alam niyang gusto siyang halikan nito kaya tumingala siya. Ngunit bago pa lumapat ang libi ng binata sa bibig niya ay biglang bumukas ang pintuan."Ate, magdahan-dahan ka nga at baka mapaano ka." Saway ni Trisha kay Arriana at pilit itong inaalalayan. Malaki na kasi ang tyan nito at baka madapa sa kakamdali.Hinawi ni Arriana ang katawan ni Trisha nang makapasok na sila sa silid. Sobra siyang nagulat nang ipagtapat kanina ng kapatid ang tungkol sa kalagayan ng bunso nilang kapatid. Mabilis na inilayo ni Dark ang mukha sa dalaga at humarang sa harapan ni Natasha. "Dark, ayos lang at nasabi ko na kay Ate." Malungkot na ngumiti si Trisha.Dahan-dahang tumayo si Nata
Nanlaki ang mga mata ni Grace nang tumambad sa kaniyang paningin ang mukhang abandunadong gusali. Ang kabang nadarama kanina pa ay dumoble, no, mas tamang sabihing five times ang kabang nadarama at nakakabingi na ang kabog ng dibdib. "Lakad!" Galit na tinulak ng isang lalaki sa likod si Grace.Hindi sinunod ni Grace ang lalaki. Mas gustohin pa niyang mamatay na sa kinatayuan kaysa pumasok sa loob ng gusali. Alam niyang kapag nakapasok siya roon ay hindi na muling makalabas pa nang buhay."P*ta, maglalakad ka o hindi?" mura ng lalaking may hawak sa braso ni Grace."Hindi maibuka ni Grace ang bibig dahil may busal iyon. Gusto niyang sumagot na patayin na siya dahil handa na siyang harapin si kamatay. "Buhatin niyo na iyan at kanina pa naiinip sa loob ang mga kasama niya." Malamig na utos ni Tristan sa kalalakihan.Napatingin si Grace sa lalaking nagsalita. Galing iyon sa sasakyan na kinalulunan niya kanina. Mukhang ito ang nag drive mula sa hotel. Nang humarap ito sa kaniya ay kinilab
"Dad?" naiiyak na tawag ni Grace sa ama.Matiim na pinakatitigan ni Chavez ang mukha ng babaeng inakala ay anak niya. Napaaga ang balik niya sa Pinas at hindi natapos ang training dahil urgent na pinauwi siya ng pamilya ni Travis. Mariing maikuyom niya ang mga kamao nang mapansin ang pinagkaiba ng babae sa anak niya. Dahil sa pagiging abala sa trabaho ay wala na talaga siyang time makasama ang anak noon kaya hindi alam na ibang tao na ang gumagamit sa mukha ng anak. Sobra siyang nasaktan nang lumabas ang DNA result at napatunayang hindi nga niya anak ang babaeng kaharap ngayon."Dad, help me. Pakawalan mo na ako habang wala pa sila." Utos niya sa ginoo habang lumuluha."Alam mo ba kung bakit ka narito ngayon?" Mahinahong tanong ni Chavez ngunit matalim ang tingin sa babae.Matigas na umiling si Grace at nagmamakaawa ang tingin sa ama. "Hindi ko po alam, dad. Hindi ko alam kung bakit nila ako ikinulong dito kasama ang dalawang iyan."Muling naikuyom na Chavez ang palad at inilapitan a
"Kunin niyo na si Cherry at dalhin kung saan operaban si Natasha upang maipagpalit na ang mukha nila." Utos ni Adrian sa tauhan."No... huwag ninyong ibalik ang mukha ng malditang iyon! Bagay sa kaniya ang mukhang iyon dahil ipinagkanulo niya ako noon!" Pagwawala ni Patricia habang nanlilisik ang nanlalalim nitong mga mata.Malakas na sinuntok ni Dark ang mukha ni Patricia. Kasunod ang pag angat sa katawan nito at pabalyang itinapon sa sahig na parang isang laruan lang. Walang awang nilapitan pa ito at sinipa sa likod.Panay ang hiyaw ni Patricia dahil sa sakit at nadagdagan pa ang pasa sa buong katawan. Ngunit walang tumutulong sa kaniya o maawa manlang. Hinatakutang naitikom na ni Grace ang bibig nang makita ang nangyayari kay Patricia. Kung siya ang nasa kalagayan nito ay tiyak na hinimatay na siya.Umiiyak na kusang sumama si Cherry sa mga lalaking kumuha sa kaniya. Hindi na rin niya kayang makita ang pananakit kay Dalia at ayaw niyang maranasan iyon. Hinayaan ni Travis si Dark