Share

Chapter 21 (2)

NATAPOS si Lianna sa pagluluto ngunit hindi na maialis ni Emmanuel ang kanyang mga mata sa babaeng nasa harapan. Napahanga siya sa magandang pagkakadisenyo ni Lianna sa kanilang plato. Pakiramdam niya ay gusto na niyang ubusin ang pagkain saka sila magkukulong ni Lianna sa loob ng kanilang kwarto hanggang sila'y mapagod.

“Bakit ang ganda ng pagkakagawa ng kay Kuya Emmanuel habang ang akin naman ay hindi, Lianna. Magtatampo na ba ako?” panira na sabi ni Jaime. Ngumisi pa ito sa kanyang kuya saka kumindat.

Galit naman na tiningnan ni Emmanuel ang bunsong kapatid na si Jaime. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito? Nakikihati na nga lang sa niluto ni Lianna para sa kanya ay may gana pang umangal! Pakiramdam ni Emmanuel ay gusto na niya itong sapakin dahil kung tutuusin ang lahat ng pagkain ay para lamang sa kanya. Nakikipagpaligsahan ba ito?

“Sorry, Jaime. Pero kasi si Emmanuel talaga ang lulutuan ko, gusto ko kasi na maging presentable ang lahat sa mga mata niya,” nahihiyang sabi ni Lianna
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status