Lutang ang isipan ni Reed habang nagsasalita si William, ang isip niya ay nasa asawa niya. Kahit anong gawin niya, ang mukha ni Aliyah ang nakikita niya. "Dude! What the heck!? Get up man!" Iritang singhal sa kanya ni William, "Alalahanin mo, sasabak tayo sa giyera! At hindi basta-basta ang mga makakalaban natin ngayon. Gawin natin 'to, para matapos na ang paghihirap ng kalooban mo!" Umupo ito sa tabi niya at tinapik siya sa balikat."Dude! I'm a jerk! Fuck! Anong ginawa ko sa babaeng mahal ko? She's fucking miserable right now!" Hindi na niya napigilan ang sariling hindi maging emosyonal. Para siyang bata na nawawala at hindi malaman kung anong daan ang tatahakin para makabalik siya sa bahay nila.Sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil sa nangyari kay Aliyah. "Fuck, Dude! I didn't think you would cry because of a girl. Fuck that love! Is love really that powerful?" Hindi makapaniwala na napailing ito.Napahilamos siya sa mukha, "I guess so. I don't know what to do anymore. This i
Nagkikislapang mga ilaw, usok ng sigarilyo, at malakas na musika. Malawak na dance floor, maraming mga mesa at upuan na punong-puno ng kalalakihan na may iba't-ibang personalidad. Mga entertainer na mga minor ang paparoot-parito para mag-entertain ng mga guest."Wow! Ang daming tao, Boss!" Bulalas ni Esmael kay Reed. Nasa loob na sila kasama ang sampung tauhan na nasa ibang table naman. Naghihintay lang sila ng tamang tiyempo. Nilibot ni Reed ang paningin sa paligid. " Tiba-tiba si Watchinanggo ngayong gabi. Pero sorry na lang siya." Dinampot niya ang isang pakete ng sigarilyo at binuksan ito. "There are 30 armed men roaming around now. On the second floor are the women who will be taken to Japan early in the morning. We only need to spend 1 hour here. We will act cautiously and ironically."Wika ni William na sinindihan ang sigarilyo na nasa bibig ni Reed at kumuha din ito ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan.Hithit buga ang ginagawa ng dalawa habang nag-oobserba sa loob at
Sunod-sunod ang ginawang operasyon nina Reed at William, lahat ng mga illegal na mga establishments ni Watchinanggo ay pinasok nila. May funeral business din ang mga ito, na bago lang nila natuklasan. Ang pinakamalaking front ng laboratory ng droga sa isang liblib na lugar sa province ng Mindoro. Kaya pala easy lang kay Zimmer na magpadala ng kabaong sa kanya.Ang kabaong ang ginagamit nila sa pagdeliver ng mga droga sa iba't-ibang panig ng bansa. Wala talagang mag-aakala na droga ang laman noon dahil totoo naman na may patay na nakahiga sa loob nito at may mga kapamilya din na mga kasama. Lahat bayad at malinis ang pagka katrabaho. Mamayang madaling araw, papasukin na naman nila ang nasabing funeral homes.Pinikit ni Reed ang mga mata niya, habang nakasandal ito sa swivel chair niya, katatapos lang nilang mag-usap ni William sa mga dapat gawin mamaya sa operasyon nila. Dumiretso lang siya sa opisina niya para magbigay ng instruction sa secretary niya at tinawagan din niya si Grey n
Malakas ang pintig ng puso ni Aliyah ng makarating sila sa mansyon ni Reed. Pinagbuksan naman sila agad ng guard, "Bakla, ako muna ang bumaba. Kakausapin ko muna si Reed. Baka kasi magselos yon at masapak ka pa." Napangiti siya sa huling sinabi. "Tsss! Ano ba yan!? Ang damot mo! Huwag kang mag-alala, hindi ko naman siya susulutin sayo." Pairap na wika nito."Huwag ka ng umangal pa. Ayaw sayo ni Reed." Napapangiting wika niya."Sige na nga! Fine!" Pagsusungit nito. Bumaba si Aliyah sa sasakyan ni Darren at tamang-tama dumating din si Reed kaya napangiti siya ng magtama ang mga mata nila ng pareho na silang nakatayo sa harapan ng isa't -isa."Baby, thanks god at okay ka lang." May saya sa boses niya. Masaya siya dahil nakita niya ulit ang lalaking minahal niya ng higit pa sa sarili niya. Gwapo at matikas pa rin ito, "Hinihintay kita sa bahay pero hindi ka naman dumating kaya na isipan kong ako na lang ang pupunta dito sa bahay mo." Ngumiti siya ng tipid."Anong ginagawa mo dito? Gabi
"Hoy! Kanina ka pa walang imik diyan! Kausapin mo naman ako." Untag ni Darren kay Aliyah. Nasa Condo sila nito at mula ng dumating sila doon, tahimik na siya. Namamanhid ang puso niya sa sakit.She's jealous big time. "Alam mo, lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay may dahilan. You need a break! Hindi ko man alam ang mga nangyari noon sa buhay mo. But I really understand you, Aliyah." Wika nito habang mataman siyang tinitigan, "Nandito lang ako lagi sa tabi mo… Na miss kita, Mars…""B-Bakit ganun siya, Bakla … Minahal ko siya ng sobra. Lahat ng pagmamahal at pag-iintindi binigay ko na sa kanya. Pero bakit ganito ang nakahinatnan ng lahat?" Sobrang bigat ng loob niya.Ang pinipigilan niyang mga luha ay bumuhos na naman, "Bakla,masakit pala kapag babaliwalain ka ng taong mahal mo dahil may nahanap na siyang kapalit mo."Hinayaan lang siya ni Darren na maglabas ng saloobin niya, "Kasi diba, siya ang first ko sa lahat…. Binuhos ko lahat ng pagmamahal sa kanya. Naging sunod-sunuran a
"What? Wala na ang salon at bar? What the heck?" Sigaw ni Watchinanggo sa kabilang linya."Honey, ang bilis ng mga pangyayari. Ginawang abo ang bar natin!" Naiiyak na sumbong ni Avery."Idiot! Anong ginagawa ng mga tauhan natin dyan? Mga bobo!" Gigil na wika nito."Umuwi ka na dito, at dito na tayo mag-usap. Wala ka ng tauhan. Nauna na sa atin sa impyerno!" Pahabol pa nito."Damn! Sino ang may pakana ng lahat?" Gigil na tanong nito habang mahigpit na nakahawak sa phone nito."Hindi ko alam, walang nakakaalam…" Nanginginig na wika nito."Idiot! Wala ka talagang silbi! Pinagkatiwalaan kita na mamahala sa bar pero tatanga-tanga ka!" Sigaw nito at pinatay na ang tawag.Nagtagis bigla ang bagang niya sa inis, "Walangya! Ako pa ngayon ang tanga! Namimihasa na talaga ang animal na matandang panot sa kakatanga sa akin…. Sige lang! May araw ka din sa akin." Bulong ni Avery sa sarili. Ilang saglit lang tumunog ang phone nito. Unknown number ang tumatawag, nag-aalangan man ay sinagot niya din,
"Hey! Anong ginagawa mo dyan?!" Sita ni Cynthia Alfonte kay Dianne ng maabutan niya itong binabato ang pinagbuhol-buhol na comforter sa malaking mangga."Shut up, old lady! Lalayas ako dito. Hindi ako baliw tulad ninyo!" Mahinang singhal niya rito.Nanlaki ang mata ni Cynthia, "Sasama ako sayo. Halika dito." Hinila niya ito, "May alam akong daan para makalabas tayo." "Talaga!? Bakit naman ako maniniwala sayo? Hindi mo ba ako ene-etchus? Baliw ka diba?" Pilit niyang hinihila ang kamay niya rito."I'm not crazy! I'm healed, matagal na. At oras na para lumabas dito. Hahanapin ko ang anak ko." Mabilis na tumakbo ito papunta sa makipot na bahagi sa likuran ng malaking building. Maraming mga malalaking puno doon at maraming mga damo na lagpas tao na ang haba."Ayokong sumama sayo! Baka mawala pa tayo diyan." Kontra ni Dianne."Sige, bahala. Basta ako, aalis na. Hahanapin ko ang anak ko. Bahala na si batman kung paano ako makalabas sa kakahuyan na ito!" Naglakad na ito papunta sa damuhan.
AT THE FUNERAL HOMESTahimik ang buong paligid. Naglalaro ng tong-its ang mga armadong kalalakihan sa labas. Wala silang kamalay-malay na ilang saglit na lang ay mawawala na sila sa mundo."Guy's time is up! Ready!" Wika ni William na nakatuka sa entrance. Dalawang team muli ang nagsanib. Si Reed ang nasa exit kasama ang mga tauhan niya."Kanina pa kami ready Walis. Let's go!" Sagot naman niya sabay sinyas sa mga tauhan na pasukin na nila ang loob. Ilang saglit lang, a series of gunshots, grenade explosions and a deafening exchange of bullets could be heard outside and inside the funeral homes. Ang madilim at tahimik na paligid kanina ay naging maingay dala sa pagpapalitan nila ng mga bala. At ang mga pagsabog ng mga bomba na senet-up nila ng hindi nalalaman ng mga armadong kalalakihan. Malawak ang funeral home at maraming mga kabaong ang nakahelira sa malawak na ground floor. Toni-toniladang ipinagbabawal na gamot ang mga laman noon na ededeliver sa iba't-ibang panig ng bansa kin