Share

CHAPTER 74 FLASHBACK

"Hey! Anong ginagawa mo dyan?!" Sita ni Cynthia Alfonte kay Dianne ng maabutan niya itong binabato ang pinagbuhol-buhol na comforter sa malaking mangga.

"Shut up, old lady! Lalayas ako dito. Hindi ako baliw tulad ninyo!" Mahinang singhal niya rito.

Nanlaki ang mata ni Cynthia, "Sasama ako sayo. Halika dito." Hinila niya ito, "May alam akong daan para makalabas tayo."

"Talaga!? Bakit naman ako maniniwala sayo? Hindi mo ba ako ene-etchus? Baliw ka diba?" Pilit niyang hinihila ang kamay niya rito.

"I'm not crazy! I'm healed, matagal na. At oras na para lumabas dito. Hahanapin ko ang anak ko." Mabilis na tumakbo ito papunta sa makipot na bahagi sa likuran ng malaking building.

Maraming mga malalaking puno doon at maraming mga damo na lagpas tao na ang haba.

"Ayokong sumama sayo! Baka mawala pa tayo diyan." Kontra ni Dianne.

"Sige, bahala. Basta ako, aalis na. Hahanapin ko ang anak ko. Bahala na si batman kung paano ako makalabas sa kakahuyan na ito!" Naglakad na ito papunta sa damuhan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status