Dumating sina Reed sa Mansyon ngunit doon siya sa underground tumuloy kasama si Ismael. Sina Cynthia at Dianne naman ang tumuloy sa loob ng bahay, sakto naman ang paglabas ni Avery sa main entrance kaya napatigil sila pareho. "Anong ginagawa mo dito? Ang kapal ng mukha mo na pumunta dito sa bahay ni Reed. Ganyan ka na ba talaga ka kati!? " Pang-uuyam na bungad nito. Bumuntong hininga si Dianne at akmang lalampasan na niya ito ngunit hinablot siya nito sa braso at hinawakan ng mahigpit. " How dare you na talikuran ako?! Akala mo kung sino ka dito sa bahay ah! " Gigil na wika nito. Halos kainin na siya nito ng buhay. "Ano ba, Avery, bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas siya ngunit lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Aba, Ineng, bitawan mo si Dianne. Sino ka ba?" Sagbat ni Cynthia na hindi na nakatiis at hinila si Dianne ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Avery dito kaya naghilahan na sila. Dahil sa hindi na nakapagtimpi pa si Dianne, tinulak niya si Avery at matamla
DINALA siya ni Darren sa condo nito, "Bakla, huminahon ka nga. Ako na ang nahihilo sayo sa mga ginagawa mo eh! Pwede ba umupo ka muna." Naiinis na ito sa kanya. Kanina pa siya hindi mapakali dahil natatakot siya baka may masamang mangyari sa ipinagbubuntis ni Dianne."Bakla, alam ko kung gaano kasakit mawalan ng anak. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto kong magalit dahil magkakaanak na si Reed kay Dianne. Pinagtaksilan niya ako! Gusto kong maging masaya pero hindi ko magawa. Walang kasalanan ang bata." Nanginginig ang mga tuhod niya at garalgal ang boses habang nagsasalita. Napaupo siya sa tabi ni Darren.Hindi nga niya namalayan na nasa condo na pala sila nito."Wala kang kasalanan. Huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Baliw na babaitang yon! Ako, rapist? What the heck! Ngayon ko nga lang siya nakita." Inis na turan nito."Ewan ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko, Bakla! Ang sakit lang isipin na agad-agad, wala ng kami. Hindi na t
Sa hospital ang bagsak ni Reed, kahit ayaw nito ngunit wala siyang nagawa dahil nanghihina na siya at si Aliyah na ang nag-desisyon para sa kanya. "Mr Sebastian, tapos ng malinis ang sugat mo... You need to stay here para mamonitor namin ang kalagayan mo. Malalim ang mga sugat mo kaya kailangan na dumito ka muna kung gusto mo ng fast recovery." Sabi ng doctor habang nakaharap sa kanila."Okay Doc, kung yan ang makakabuti para sa kanya." Sagbat na sagot ni Aliyah at tiningnan ang katabi ng masama. Pero kinindatan lang siya nito. Ngumiti ang doctor, "Kaano-ano ka pala niya, Hija? By the way salamat at naibalik mo siya dito. Ayaw niya kasi magpa-confine." Napasulyap siya kay Reed, magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya nito."Asawa ko siya, Doc. Okay, susundin ko na kayo. Pwede nyo na ba kami iwan ng asawa ko?" Sagot nito at sa kanya lang nakatingin kaya naging uncomfortable siya. Nagwawala na naman ang paro-paro sa tiyan niya. Hinapit siya nito sa baywang, naramdaman niya ang m
Nasa likuran na bahagi ng hideout sina Reed at Azzam. Dalawa lang sila na sumugod doon para e rescue si William."Ako ang masusunod sa lakad na ito, Pula. Kaya behave ka lang. Ikaw ang mata dito sa labas. Kapag magmamatigas ka, I'll assure you. Never in your entire life…." "Oo na! Kanina pa tayo nagkaliwanagan sa bagay na iyan! Ang lakas mo talaga mam-blackmail sa akin. Pag ikaw magka-lovelife! Makakaganti din ako sayo. And that time, I will never ever let you manipulate me!" Matalim niya itong tinitigan. Ayaw kasi nitong papasukin siya sa loob dahil nga hindi pa okay ang sugat niya. At obvious naman sa mukha niya. Nang tumakas sila kanina sa hospital, dahil sa pagpupumilit niya, yan pa rin ang pinagtatalunan nila. Tinawanan lang siya ni Azam sa reaction niya, "Good, brother in law. Ayoko lang na mabyuda ng maaga ang kapatid ko." Inayos nito ang listening device sa tainga nito at isinukbit ang mataas na baril sa balikat nito. May mga granada din ito na nakasukbit sa bewang nito
Paggising ni Aliyah ay nasa hospital bed na siya, at my dextrose sa kamay niya, "Anak, thanks God, you're awake." Hinalikan siya sa noo ni Mrs Sullivan. "Mommy… Mommy…" Niyakap niya ang mommy niya. Hindi niya kaya ang bigat at sakit na nararamdaman ngayon. Ang isipin na magkakaroon ng anak si Reed sa iba ang pinakamasakit at humihila sa kanya sa kahinaan. "Shhh. I'm here. We're here for you, Sweetie." Pang-aalo nito sa kanya. "Mommy, si Reed. I hate him! I really hate him so much! I don't want to see him anymore." Umiiyak na wika niya. "Sweetie, don't think too much about him. Makakasama sayo. Sweetie, you're 3 months pregnant. Please Honey, take care of yourself. Ayokong maulit muli ang nangyari noon." Wika ng mommy niya na may pag-aalala sa mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig. Magkakaanak ulit siya? Sila ni Reed? "Ano yon, pinagsabay niya kami ni Dianne?" Ang luha niya ay lalong bumuhos sa isiping iyon. Paano na ang anak niya? "You heard it right, Honey!
Nang makarating sina Reed sa El Nido, halos manlumo siya sa nakita. Halos naging abo ang property niya.Sa underground ng Villa sila dumeritso, kitang-kita niya sa CCTV footage ang nangyari sa resort at sa Villa niya. Isang notorious gang sa lugar ang tumira sa resort at sa Villa niya. Mabuti at hindi na pinsala ang underground niya sa ilalim ng villa.Kilala niya ang Gang na tumira sa property niya kaya sa araw din na iyon, pinuntahan nila ang hideout ng mga ito.Banas na banas siya sa mga ito kaya walang takot na ipinarada niya sa harap ng hideout ng mga ito ang kanyang sasakyan. Nabigla naman ang mga miyembro ng Gang kaya hindi agad nakahuma sa biglaang pagdating nila.Bumaba sina Reed at ang mga tauhan niya. Tatlong sasakyan ang dala nila ngunit ang isang sasakyan ay nasa di kalayuan. Limang sniper ang kasama nila na ngayon ay nakabantay na sa kanila. "Pogi Gang! Nagkita muli tayo." Malamig na sabi niya habang iginala ang mga mata sa paligid at isa-isang tinitigan ng masama
Sa isang banda, sa resort ng El Nido, nagkakasayahan sina Watchinanggo Alfonte at ang mga tauhan nito. Masayang-masaya siya dahil nasaksihan niya kung paano sumabog ang resort at Villa ng isa sa mga leader ng Untouchable gang. Kilala na niya sina Reed at William na mga leader ng gang dahil sa pagsalakay ng mga ito sa funeral homes niya. Tuwang-tuwa ang kalooban niya dahil nakaganti na siya sa mga ito dahil sa pagpatay sa kapatid niya. Nakaganti na siya kay William dahil isa din siya sa nagpahirap dito ng maging bihag nila ito. "May sa demonyo pa din talaga ang kumag na Walis na 'yon!" Sa isip niya.Napabaling ang tingin niya sa mga tauhan na may kanya-kanya ng babae. Sabay napangisi siya."Cheers! Drink as much as you want. I will take care of everything." Wika niya sa mga international goons niya."You heard it right, Dudes! Party! Party!" Nakangiting sagot ng matabang lalaki na may bigote habang nakaakbay din sa babaeng katabi na halos lumuwa na ang dibdib nito.Nagsigawan naman
Tila bomba ang pagkawala ni Watchinanggo Alfonte, na balita sa buong mundo ang pagkamatay nito. Sikat ito dahil namamayagpag sa business industry in the whole world. Kilala siya sa iba't-ibang bansa dahil sa panlabas na kaanyuan nito. Ang pagtulong sa mga taong mahihirap sa loob at labas ng bansa. Ngunit nadismaya ang mga tao dahil sa sari-saring mga illegal ang sumambulat sa madla na business nito. Maraming mga politiko ang sangkot dahil ang mga ito ang nagpoprotekta sa mga illegal na negosyo nito. Maraming video scandal din nito ang lumabas sa social media kasama nito ang iba't-ibang mga lalaki at babae habang nasa kama habang naglalaro ng apoy. Si Avery ay nagtago rin dahil kilalang asawa nito si Watchinanggo. Siya ang hinahabol ng mga reporter at mga police kasama din ito sa illegal na gawain ng asawa nito kaya may mga kaso din ito na kinakaharap. Sa nangyari, walang nakakaalam kung sino ang salarin sa pagpaslang kay Watchinanggo at sa mga tauhan nito. Walang naiwan na ebi