Nang makarating sina Reed sa El Nido, halos manlumo siya sa nakita. Halos naging abo ang property niya.Sa underground ng Villa sila dumeritso, kitang-kita niya sa CCTV footage ang nangyari sa resort at sa Villa niya. Isang notorious gang sa lugar ang tumira sa resort at sa Villa niya. Mabuti at hindi na pinsala ang underground niya sa ilalim ng villa.Kilala niya ang Gang na tumira sa property niya kaya sa araw din na iyon, pinuntahan nila ang hideout ng mga ito.Banas na banas siya sa mga ito kaya walang takot na ipinarada niya sa harap ng hideout ng mga ito ang kanyang sasakyan. Nabigla naman ang mga miyembro ng Gang kaya hindi agad nakahuma sa biglaang pagdating nila.Bumaba sina Reed at ang mga tauhan niya. Tatlong sasakyan ang dala nila ngunit ang isang sasakyan ay nasa di kalayuan. Limang sniper ang kasama nila na ngayon ay nakabantay na sa kanila. "Pogi Gang! Nagkita muli tayo." Malamig na sabi niya habang iginala ang mga mata sa paligid at isa-isang tinitigan ng masama
Sa isang banda, sa resort ng El Nido, nagkakasayahan sina Watchinanggo Alfonte at ang mga tauhan nito. Masayang-masaya siya dahil nasaksihan niya kung paano sumabog ang resort at Villa ng isa sa mga leader ng Untouchable gang. Kilala na niya sina Reed at William na mga leader ng gang dahil sa pagsalakay ng mga ito sa funeral homes niya. Tuwang-tuwa ang kalooban niya dahil nakaganti na siya sa mga ito dahil sa pagpatay sa kapatid niya. Nakaganti na siya kay William dahil isa din siya sa nagpahirap dito ng maging bihag nila ito. "May sa demonyo pa din talaga ang kumag na Walis na 'yon!" Sa isip niya.Napabaling ang tingin niya sa mga tauhan na may kanya-kanya ng babae. Sabay napangisi siya."Cheers! Drink as much as you want. I will take care of everything." Wika niya sa mga international goons niya."You heard it right, Dudes! Party! Party!" Nakangiting sagot ng matabang lalaki na may bigote habang nakaakbay din sa babaeng katabi na halos lumuwa na ang dibdib nito.Nagsigawan naman
Tila bomba ang pagkawala ni Watchinanggo Alfonte, na balita sa buong mundo ang pagkamatay nito. Sikat ito dahil namamayagpag sa business industry in the whole world. Kilala siya sa iba't-ibang bansa dahil sa panlabas na kaanyuan nito. Ang pagtulong sa mga taong mahihirap sa loob at labas ng bansa. Ngunit nadismaya ang mga tao dahil sa sari-saring mga illegal ang sumambulat sa madla na business nito. Maraming mga politiko ang sangkot dahil ang mga ito ang nagpoprotekta sa mga illegal na negosyo nito. Maraming video scandal din nito ang lumabas sa social media kasama nito ang iba't-ibang mga lalaki at babae habang nasa kama habang naglalaro ng apoy. Si Avery ay nagtago rin dahil kilalang asawa nito si Watchinanggo. Siya ang hinahabol ng mga reporter at mga police kasama din ito sa illegal na gawain ng asawa nito kaya may mga kaso din ito na kinakaharap. Sa nangyari, walang nakakaalam kung sino ang salarin sa pagpaslang kay Watchinanggo at sa mga tauhan nito. Walang naiwan na ebi
Natatawa siya sa kapatid niya, asar na asar lage ito sa kanya kaya masayang-masaya siyang ginagalit ito lage. Mas nakakalapit kasi siya kay Aliyah kesa dito. Nagagalit ito sa kanya dahil close na close na siya kay Aliyah na lalong ikinagalit nito sa kanya. Pero kahit inis ito sa kanya alam naman niya na mahal siya nito. Habang nasa eroplano sila, napapangiti siyang nakatingin sa nakabusangot na kapatid. Yes, matagal na niyang alam na magkapatid sila ni Reed Sebastian. College siya noon ng simula siyang molistiyahin ng kinikilalang tiyuhin hanggang sa hindi na ito makuntento sa pahimas-himas sa parte ng katawan niya. Hindi niya makakalimutan ang pangyayaring iyon sa buhay niya na sobra niyang pinandidirihan…Ang ma-raped ng tiyuhin niya. Takot na takot siya noon kaya wala siyang nagawa. Ngunit ipinangako niya sa sarili niya na gagantihan niya ito."Baboy ka! Nakakasuka ka! Nasisikmura mo na pagsamantalahan ako kahit alam mong anak ako ng kapatid mo! Demonyo!" Sigaw niya dito habang
Halos hindi maihakbang ni Aliyah ang kanyang mga paa ng makita si Reed na katabi ni Grey sa may Altar ng simbahan.Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at para na siyang aatakihin sa puso dahil sa kaba ng magtama ang mga mata nila. Tila nagka kasiyahan ang mga paro-paro sa tiyan niya. Ang mga titig nito sa kanya ay puno ng pagmamahal. Nakakahipnotismo at katulad parin ng dati kung paano siya titigan. Nanginginig ang mga tuhod niya kaya umiwas na lang siya ng tingin dito. Dahan-dahan siyang naglakad at sa ibang direksyon na siya tumingin. Pinagpapawisan na rin ang kamay niya dahil sa tension na nararamdaman. Akala niya naka-move-on na siya. Limang taon na ang nakaraan pero ang tibok ng puso niya ay wala pa rin kakupas-kupas kapag malapit siya dito. Oo, napauwi siya ng bansa dahil kasal nina Reem at Grey. Siya ang kinuhang bridesmaid ni Reem at groomsmen naman si Reed. Feeling niya, sila ni Reed ang kinakasal. "Haist! Aliyah, maghunos dili ka!" Bulong niya sa isipan.Alam niyang nakat
Walang nagawa si Aliyah kundi sumama pasakay sa sasakyan ni Reed, hindi kasi tumigil sa pag-iyak si Ryly. Ayaw humiwalay dito. Sobrang naguguluhan talaga siya sa nangyayari. "I'm sorry Mr Sebastian kung nadisturbo ko ang araw mo ngayon dahil sa mga anak ko." Pormal na sabi niya ng binabagtas nila ang daan pauwi."My pleasure Mrs Sebastian. After all, they are my children and you are my wife." Wika nito at sinulyapan siya, "Kahit kailan hindi kayo nakaka disturbo sa akin." Nag-init ang mga pisngi niya dahil sa sinabi nito. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi agad nakahuma. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana dahil sa awkward na nararamdaman. "Aliyah, please, give me another chance. I want to be with my children and…." Hindi niya naituloy dahil nagsalita siya."This is not the right time to talk about the kids…" Ani ni Aliyah na seryoso at hindi pa rin tumitingin sa gawi nito."Tss… May Dianne na nga sa buhay niya. Hihirit pa talaga sa mga bata. May anak naman siya sa kabi
Dinala siya ni Reed sa isang silid na konektado sa silid nila. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, hindi niya napigilan na mapaluha at mapakapit sa braso nito."What's the meaning of this? " Pabulong na tanong niya. Bumulaga sa mga mata niya ang maraming mga photos. Siya at ang kambal. Mula ng mabuntis siya hanggang sa manganak siya. Kumpleto lahat. "P-Paano mo nagawa ang lahat ng ito na hindi ko namamalayan?" Humihikbing tanong niya. Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. Matagal bago ito nagsalita. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito dahil nakasandig ang ulo niya sa dibdib nito. " Nang umalis ka, sumunod agad ako sayo. Mahal na mahal kita, Aliyah. Hindi ko kayang mawala ka ng tuluyan sa buhay ko." Bulong na sagot nito na hindi mapigilan ang paggaralgal ng boses nito. " Alam mo ang nangyari sa amin ng Ex ko noon. Ayoko sa ldr at hindi ko kayang malayo sayo ng tuluyan." Yumuko ito at hinawakan ang mukha niya at pinaharap siya nito at tinitigan siya sa mga mata. Sin
Kinabukasan, nagising si Aliyah sa pamilyar na silid. Wala pa din itong pinagbago. Nadagdagan lang ito ng maraming photo nila. Para na tuloy itong naging photo gallery dahil sa dami. Napangiti siya ng nilibot ang paningin at napahinto sa isang picture. Si Reed habang nakatingin sa kanya. Mahimbing siyang natutulog sa mga braso nito. Napangiti siya, wala man lang siyang ka muwang-muwang na nasa iisang bahay lang pala sila ng asawa niya sa loob ng limang taon. Mabilis na naman siyang nauto ng asawa niya. Ewan ba niya, basta ito na ang susuyo sa kanya, tibag ang pader na nilalagay niya sa pagitan nila. MARUPOK talaga! Biglang bumukas ang pintuan kaya bumaling siya dito ng tingin. Ang nakangiting asawa ang bumungad sa kanya, bagong ligo na ito at subrang aliwalas ng mukha. Napapikit siya dahil sa bangong nanunuot sa ilong niya, "How is my wife? Napagod ba kita kagabi?" Uminit naman ang pisngi niya dahil sa kaprangkahan nito, nagmulat siya."Tss… Tinatanong mo pa talaga? Para