Dinala siya ni Reed sa isang silid na konektado sa silid nila. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, hindi niya napigilan na mapaluha at mapakapit sa braso nito."What's the meaning of this? " Pabulong na tanong niya. Bumulaga sa mga mata niya ang maraming mga photos. Siya at ang kambal. Mula ng mabuntis siya hanggang sa manganak siya. Kumpleto lahat. "P-Paano mo nagawa ang lahat ng ito na hindi ko namamalayan?" Humihikbing tanong niya. Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. Matagal bago ito nagsalita. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito dahil nakasandig ang ulo niya sa dibdib nito. " Nang umalis ka, sumunod agad ako sayo. Mahal na mahal kita, Aliyah. Hindi ko kayang mawala ka ng tuluyan sa buhay ko." Bulong na sagot nito na hindi mapigilan ang paggaralgal ng boses nito. " Alam mo ang nangyari sa amin ng Ex ko noon. Ayoko sa ldr at hindi ko kayang malayo sayo ng tuluyan." Yumuko ito at hinawakan ang mukha niya at pinaharap siya nito at tinitigan siya sa mga mata. Sin
Kinabukasan, nagising si Aliyah sa pamilyar na silid. Wala pa din itong pinagbago. Nadagdagan lang ito ng maraming photo nila. Para na tuloy itong naging photo gallery dahil sa dami. Napangiti siya ng nilibot ang paningin at napahinto sa isang picture. Si Reed habang nakatingin sa kanya. Mahimbing siyang natutulog sa mga braso nito. Napangiti siya, wala man lang siyang ka muwang-muwang na nasa iisang bahay lang pala sila ng asawa niya sa loob ng limang taon. Mabilis na naman siyang nauto ng asawa niya. Ewan ba niya, basta ito na ang susuyo sa kanya, tibag ang pader na nilalagay niya sa pagitan nila. MARUPOK talaga! Biglang bumukas ang pintuan kaya bumaling siya dito ng tingin. Ang nakangiting asawa ang bumungad sa kanya, bagong ligo na ito at subrang aliwalas ng mukha. Napapikit siya dahil sa bangong nanunuot sa ilong niya, "How is my wife? Napagod ba kita kagabi?" Uminit naman ang pisngi niya dahil sa kaprangkahan nito, nagmulat siya."Tss… Tinatanong mo pa talaga? Para
Naging maayos ang pagsasama ng mag-asawa sa mga nakalipas na mga araw. Wala ng naging problema dahil sina Dianne at Aliyah ay nagkaayos na din. Halos araw-araw na nga ito na nasa bahay nila kasama ang anak nitong babae. Not guilty naman si Dianne sa pagkamatay ng daddy niya dahil ang kinikilalang mommy niya pala ang totoong pumatay dito dahil nilagyan nito ng lason ang pagkain ng dad niya.Samantala habang nasa honeymoon si Reem, si Aliyah naman ang pumalit na mag-manage sa business nila. Naging magkasosyo na ang dalawa at lalong lumago ang botique dahil nadagdagan ang mga branch nila sa iba't-ibang panig ng bansa.Habang nasa opisina siya at busy sa pagbabasa at pagpirma ng mga documents ay tumunog ang phone niya, huminto siya sa ginagawa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti siya, "Hello, Dianne, ano na naman? Wala ka bang ginagawa dyan sa office mo at ako na naman ang pinagkakaabalahan mong guluhin." Nakaismid na turan niya. "I'm bored, Aliyah. Let's go to Naphintash M
Masayang-masaya ang mga bata, habang naglalaro sa malawak na Toy Kingdom sa loob ng Mall. Klase-klaseng mga rides at laruan na pang-bata. Colorful ang paligid at hindi rin basta-basta makalabas ang mga ito dahil may taga-bantay sa entrance at may mga attendant din na nagkalat para magbantay sa mga bata. May mga CCTV din sa lahat ng sulok kaya makikita nila sa monitor ang mga batang naglalaro sa loob. Sina Aliyah at Dianne naman natutuwang pinapanood sa monitor ang mga anak habang nakaupo, pakape-kape at nag-uusap sa labas ng toy kingdom. Walang pagsidlan ng tuwa at kagalakan sa mukha ng mga bata."Manang-mana talaga ang kambal kay Reed. Lakas talaga ang genes ng mokong!" Napangiting sambit ni Dianne kapag kuwa'y matapos sumimsim ng kape."Kaya nga e. Hindi man lang naging babae ang isa sa kambal." Natatawang sagot naman ni Aliyah." Problema ba yan? Eh, di gumawa ulit." May pang-aasar sa boses ni Dianne."Akala mo naman madali lang manganak." Nakangiwing sagot niya."Yan lang! Nakak
Nagising si Aliyah sa isang madilim na kwarto, biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng maalala ang nangyari sa kanila."Oh God! Ang mga bata!" Naiiyak na sambit niya sa sarili. Kinilabutan siya dahil sa takot baka kung ano na ang nangyari sa mga ito. Akmang tatayo siya ngunit nabalik siya sa pagkakahiga dahil nakatali pala ang kamay at paa niya."Dianne, Ryly, Revyn, Dyna! Nasaan kayo?" Naiiyak na sigaw niya. Wala siyang maaninag dahil sa sobrang dilim na paligid."Kambal, Nasaan kayo? Dianne, Dyna! Magsalita kayo!" Naiiyak na siya dahil wala man lang sumasagot sa mga tinatawag niya.Pilit niyang hinihila ang kamay sa pagkakatali ngunit sobrang higpit ito at nasasaktan na ang palapulsuhan niya."God, Ano ba ang nangyayari?" Pepeng usal niya.Patuloy siya sa paghila sa kanyang kamay sa pagkakatali ngunit bigo siya.Hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi mapaiyak.SAMANTALA, nanggagalaiti sa galit si Reed dahil kay Avery, "Ano na? Ako o ang asawa mo?" Desperada at nakangiting dem
SAMANTALA, nakarating ang grupo nina Reed sa lugar na pinagdalhan kina Aliyah, Dianne at mga bata."Ready to ramble!" Darren smirked and wink sa mga kasama. Ito ngayon ang leader ng mga sniper kasama ang limang tauhan nila na galing din sa LA, kasama niyang umuwi sa bansa. Naka-posisyon na ngayon ang mga backup nila na nauna na sa kanila. Sinulyapan ni William ang wristwatch, "Time to play. Kailangan na uuwi tayong walang kahit anong latay sa katawan. Dahil kung sino man ang masusugatan ngayon, may punishment para magtanda." Wika nito."What? Iba ka din, Dude! Pero ano ba ang punishment?" Tanong ni Darren habang nakakunot ang noo."Kapag nasugatan kayong mga lalaki kayo, itatago ko lahat ng mga babaeng kinahuhumalingan ninyo. Kaya huwag palampa-lampa. Puro lang kayo papogi!" Isang seryosong boses ang sumagot sa tanong ni Darren na nagmumula sa earpiece na soot nila. May mga mahihinang tawa din ng mga babae sa background nito."What the!? Baby ko?" Hindi makapaniwala na bulalas ni Dar
"Reed, akin ka lang! Ang tagal kung naghintay sayo, hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng yan!" Sigaw ni Avery at mabilis na kinuha ang baril sa sahig at itinutok kay Reed ng akmang bubuhatin na ang asawa na walang malay. "Damn you, woman! Umalis ka na hangga't nakakapagtimpi pa ako sayo." Madilim ang aura niya nang humarap siya sa babae. Kanina pa siya gigil na gigil dito. Kahit malalakas ang pagsabog sa labas at pagpapalitan ng baril, tila silang tatlo lang ang nasa lugar at walang pakialam sa maaaring mangyari kapag nagtagal pa sila sa silid na iyon. "No. Kung hindi ka magiging akin, mas mabuti pa na mamatay ka na lang! Papatayin kita at pagkatapos, magbabaril din ako sa sarili ko." Umiiyak na wika nito. Nanginginig ang kamay nito habang mahigpit na hawak ang baril. "Put down your gun, Avery. I'm warning you!" Dahan-dahan niya itong nilapitan. "No. Huwag kang lalapit! D'yan ka lang!" Sigaw nito habang umaatras at nanlilisik ang mga mata. Huminto siya, "Then, give me your
WARNING: SPGNaglakad-lakad siya ngayon sa dalampasigan. Ang bahagyang simoy ng hangin ay nagsimulang umihip sa kanya habang patuloy siyang naglalakad. Feeling niya dinuduyan siya sa alapaap habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ang bilis talagang lumipas ng panahon, parang kailan lang ang gulo ng buhay niya. Napatingin siya sa malawak na karagatan. Maraming masasayang ala-ala ang bumalik sa isipan niya kasama ang asawa niya. Hindi niya maiwasang mapaluha kapag sumasagi sa isipan niya ang nangyaring pagsagip sa kanya nito ilang buwan na ang nakaraan. Halos panawan siya ng ulirat ng mga sandaling iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa dalampasigan, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nasa Beach resort siya, ang lahat ng kanyang mga problema, pag-aalala at mga alalahanin ay nakakalimutan niya kapag nakikita niya ang malawak na karagatan. Palubog na ang haring araw at malamig na ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Nasa El Nido sila ngayon at kasalukuyang nagbaba