Alex's PovPakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang binanggit na pangalan ni Uriel na siyang pangalan ng babaeng nakayakap sa kanya ng mahigpit ngayon. Sandy. Iyan ang pangalan na sinambit ni Uriel sa mahinang boses ngunit nakaabot pa rin sa aking pandinig. Ngunit sino ang Sandy na ito? Siya ba ang girlfriend ni Uriel na anak ni Aling Lorena? Akala ko ba patay na siya? Bakit buhay pa siya ngayon? "Uriel, ang saya-saya ko na nakabalik ako sa piling mo. Alam mo ba na araw-araw kong ipinagdarasal na sana ay magkita tayong muli? Na sana ay makaalis ako sa putikan na kinalalagyan ko? At dininig naman ng Diyos ang dasal ko dahil muli tayong nagkita at nakabalik nga ako sa'yo. Ngayon ay maaari na nating ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan dahil sa nangyari," umiiyak na sabi ng babae habang nananatiling nakayakap kay Uriel. Hindi ko napigilan ang mapa-ismid. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiram ko ay nagda-drama lamang ang babae. At saka kung anak nga s
Alex's Pov"Makikipaghiwalay ka na ba sa akin, Uriel?" muling tanong konsa kanya pagkapasok niya sa loob ng aming silid. "Dito na ba magtatapos ang ating kontrata?" dugtong ko pa. Pinilit ko na huwag pumiyok ang aking tinig para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko."What are you talking about, Alex?" tanong ni Uriel na bigoang napalapit sa akin. "Bakit bigla mong nabanggit ang bagay na iyan? Ganoon lang ba kadali para sa'yo na maghiwalay tayo? Wala bang halaga sa'yo ang ating mga pinagsamahan?" madilim ang mukha na tanong pa niya sa akin.Lihim akong napaismid. Mukhang lumalabas pa ngayon na ako itong walang pagpapahalaga sa pinagsamahan namin samantalang siya itong hindi nagpahalaga sa aming mga pinagsamahan. Gusto pa yata niyang palabasin na ako ang may kasalanan para kapag nalaman ng mga magulang niya na hiwalay na kami ay hindi siya nila masisisi kundi ako. Ang galing mo naman Uriel. Para lamang makasama mo ang babaeng minamahal mo ay nakahanda kang gawin akong masama sa mata
Alex's PovHindi natuloy ang balak kong pag-alis sa bahay ni Uriel dahil hindi niya ako pinayagan. Nakalipas na raw ang tungkol sa kanila ni Sandy at ako na ang kanyang present at future. Bagama't may pag-aalinlangan pa rin sa aking dibdib ay hindi na nga ako tumuloy sa pag-alis at pumayag din ako na tumira aa bahay si Sandy. Magiging napakasama ko naman kung hindi ko patitirahin si Sandy sa bahay gayong nasa bahay ang kanyang ina na nangungulila sa kanyang anak at saka dati namang nakatira sa bahay na aking asawa ang babae. Baka sabihin din sa akin ni Uriel na wala akong karapatang magdesisyon sa bahay niya dahil siya ang may-ari at hindi ako."Ma'am, Alex! Nakatulala po kayo diyan," biglang kausap sa akin ng isa kong tauhan na si Jenny. Nasa flower shop ko kasi ako ngayon at kasalukuyang nakaupo sa cashier. Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na tinatawag pala niya ako."May sinasabi ka, Jenny?" nabiglang tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa bagay na iwinawagayway niya s
Alex's PovHindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Para akong nakaharap at nakatingin sa aking repleksiyon sa salamin. Kamukhang-kamukha ko talaga si Alexa. Maging ang istilo ng kanyang buhok at pananamit ay katulad na katulad sa akin. Akala ko ay manang siyang manamit at iyon ang inaasahan kong makikita na hitsura niya ngunit hindi pala. Dahil magkaparehong-magkapareho kami. Para talaga kaming pinagbiyak na mansanas. Kahit si Uriel kapag makita kaming magkasama ni Alexa ay hindi niya malalaman kung sino sa amin si Alex at sino si Alexa."Alexa..." muling sambit ko sa pangalan niya. Tila iyon lamang ang tanging salita na gustong lumabas sa aking bibig."Iyan lang ba ang sasabihin mo, Alex? Heto na ako ngayon sa harapan mo. Puwede mo nang itanong sa aking ang mga katanungan diyan sa isipan mo. Alam ko naman na marami kang tanong na gusto mong mabigyan ng kasagutan," nakangiting sabi niya sa akin. Tila naman lalong naumid ang aking dila. Pati ang pagngiti at pagsasalita ay magkapareho
Alex's PovHindi ko mapigilan ang sobrang kaba na nararamdaman ko habang nakatitig sa akin ang aming ama. Ito ang unang pagkakataon na humarap ako sa kanya bilang si Alex at hindi si Alexa."Dad, this is Alex. Ang aking kakambal at isa mo pang anak," nakangiting pagpapakilala ni Alexa sa akin kanyang ama. Pagkatapos ay hinarap naman niya ako at siyang kinausap. "Alex, this man is our Dad, Alejandro.""A-Anak ko? Paano nangyari iyon? Paano nangyaring kambal ang isinilang ni Alona?" naguguluhan pa rin na tanong nito. Ang Alona na tinutukoy niya ay ang aking ina."Ako man ay nagulat nang makita ko rin si Alex, Dad. At coincidence pa na halos pareho kami ng pangalan," pagkukuwento ni Alexa. "At saka noong una ay ang pagkakaalam ko iniwan mo sila ni Mama, Dad. Ngunit lately, na-realized ko na wala ka palang alam na may isa ka pang anak kay Mama.""No. Hindi ko sila iniwan. Nasa ibang bansa ako noon dahil sa isa business meeting na dinaluhan namin ng aking ama. Bago pa lamang kasi ako sa ko
Alex's PovNakasakay na akong muli sa aking kotse ay tila wala pa rin ako sa aking sarili. Pakiramdam ko ay lumulutang ang aking utak. Sa katunayan ay ilang beses akong muntikang makabangga ng sasakyan na nauuna sa akin. Dahil hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho kaya minabuti kong itabi sa gilid ng kalsada ang kotse dahil baka makaaksidente pa ako or worst ay ako ang ma-aksidente.Pagkahinto ko sa aking kotse ay agad kong kinuha ang aking cellphone at idinial ang cellphone number ng aking kapatid. Hindi ko siya makuntak ngunit sinubukan ko pa rin siyang tawagan. Ngunit kahit ilang beses ko pa siyang tawagan ay tanging busy tone lamang ang sumasagot sa akin."Alexa, nasaan ka na ba? Magparamdam ka naman, please," nafu-frustrate na isinandal ko ang aking ulo sa upuan. Sobrang nag-aalala na ako sa kanya. Hindi talaga ako kumbinsido na itinulak niya ang mommy ni Uriel. Pakiramdam ko ay may hokus-pokus na naganap. Para kasing hindi kapani-paniwala na nataon pang day-off ng lahat n
Alex's PovLumarawan ang matinding galit sa mukha ni Uriel nang makita niya ako sa loob ng kulungan. Agad siyang napalapit at malakas na kinalampag ang kulungan. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras."Bakit, Alex? Bakit mo nagawa kay Mommy ang bagay na iyon? Napakabuti niya sa'yo tapos ito ang igaganti mo sa kanya?!" galit na galit na tanong sa akin ni Uriel habang nanlilisik ang mga mata. Kung wala lang sigurong rehas na nakapagitan sa aming dalawa ay baka nasaktan na niya ako dahil sa matinding galit na nakikita ko sa mukha niya."Nagkakamali ka ng iniisip, Uriel. Hindi ko magagawa ang iniisip mo," umiiyak na sagot ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Alex at ang iniisip niyang tumulak sa kanyang ina ay walang iba kundi ang kakambal kong si Alexa ngunit alam kong hindi siya maniniwala sa akin. At saka naniniwala ako na hindi magagawa ni Alexa ang bagay na iyon kaya ayokong masira siya sa mga mata ni Uriel."Sinungaling! Nagkasagutan kayo ni Tita Ursula dahil hindi mo m
Alex's PovWala akong tigil sa pag-iyak habang nasa labas ako ng ER o Emergency Room at hinihintay ang paglabas ng mga doktor na gumagamot kay Mama. Pagkatapos ay agad kong tinawagan si Daddy na kasalukuyan palang kausap ang kaibigan nitong general at nakikipag-ugnayan dito para mahanap ang aking kakambal. Nang malaman ni Daddy ang nangyari ay agad na siyang nagpaalam sa kaibigan niya para puntahan kami ni Mama sa ospital.Piping ipinagdarasal ko na sana ay makaligtas ang mama ko. Sana ay huwag muna siyang kunin sa amin ng Diyos at hayaan muna niya kami na magkasama-sama bilang iisang pamilya. Umiiyak na naihilamos ko sa aking mukha ang dalawa kong palad. Bakit ba magkasunod ang problemang dumating sa pamilya ko? Naisip ko ang mga taong nagpaulan sa amin ng bala. Sino kaya ang nag-utos sa kanila na patayin kami? Sino ang taong galit sa amin para gustuhin niyang mamatay kami? Wala naman kaming kaaway dahil wala naman kaming inaapakan na tao. Si Uriel. Biglang sumagi sa isip ko si Urie