Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex PovHindi ako magkandatuto sa pag-iistima sa mga customers na pumapasok sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop sa Ermita. Dalawa kasi kaming waitress ngunit hindi pumasok ngayon si Lorna kung kailan mas dumagsa ang mga taong pumasok para magkape at mag-meryenda. Hindi naman kalakihan ang coffee shop na pinagtatrabahuhan ko ngunit madalas ay maraming tao ang pumapasok sa loob dahil na rin sa matao ang lugar na kinatitirikan ng shop. Katulad ngayon, marami na namang customers ang pumasok kaya parang hilong talilong na ako. Tawag dito, tawag doon. Deliver dito, deliver do'n ang ginagawa ko. Masungit pa naman ang may-ari ng shop na siya ring tumatayong cashier. Pinagtitiyagaan ko na lamang ang trabahong ito dahil wala naman akong ibang mapasukang trabaho. Saan ba naman kasi magtatrabaho ang isang katulad ko na graduate lamang ng high school?"Alex,, ano ka ba? Huwag ka ngang babagal-bagal diyan at marami pang customers ang naghihintay sa order nila," masungit na sita sa akin ng boss ko
Alex Pov"Uuhm..." mahinang ungol ko habang unti-unti akong pinagbabalikan ng aking kamalayan. Hindi ko pa nga naididilat ang aking mga mata ngunit mabilis na akong napabalikwas nang maalala ko ang huling nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay. Pagdilat ko ng aking mga mata ay ganoon na lamang ang pagkabiglang naramdaman ko nang makitang nasa loob ako ng isang eleganteng kuwarto. Halatadong mayaman ang may-ari ng kuwarto dahil ang mga kagamitang naroon sa loob ay mukhang mga mamahalin. Kahit ang vase na nasa itaas ng divider ay mukhang mamahalin din ang presyo kahit na simple lamang ang hitsura. Magkano ko kaya maibebenta iyan kapag itinakbo ko? Agad kong binura sa isip ko ang hindi magandang ideya na biglang pumasok sa utak ko. Mukhang desperado na yata akong magkapera kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Imbes na ang isipin ko kung nasaan ako at ano ang dahilan kung bakit ako kinidnap ang pagnanakaw pa talaga ang pumasok sa isip ko. Pero bakit nga ba ako kinidnap? Hindi n
Alex PovSa pangalawang pagkakataon ay nagising ako sa loob ng hindi pamilyar na kuwarto. Napangiwi ako nang maalala ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Tiyak na pinagtatawanan ako ngayon ng mga taong nakakita sa mga pangyayari. Ako lang yata kasi ang bride na biglang hinimatay sa part ng "you may kiss the bride." Hindi pa nga niya ako nahahalikan ay bigla na akong hinimatay. Nakakahiya ang ginawa ko.Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at naupo na lamang sa gilid ng kama. Nagugutom na kasi ako ngunit nahihiya naman akong lumabas para humingi ng makakain. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang humarap sa maraming tao. Nangangapal ang mukha ko sa hiya.Naalarma ako nang makarinig ako ng mga yabag ng sapatos na papunta sa kuwartong kinaroroonan ko. Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga at nagkunwaring wala pa ring malay. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ako biglang hinimatay.Itinodo ko na ang pag-arte ko na tulog kahit ramdam ko ang pagtitig sa akin ng tao
Alex's POVNakangiwing pinapanuod ko si Uriel na hindi maipinta ang mukha habang pinupunasan ng tissue ang mamahaling tuxedo niya na siyang sumalo sa icing ng cake na natumba kanina. Kahit ang likuran ng ulo niya ay nalagyan din ng icing kaya nagmukhang may uban na siya sa likurang ulo. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti dahil naiimagine kung may uban siya sa likuran samantalang black na black ang kulay ng buhok niya sa harapan at tagiliran. Ngunit agad na naaglaho ang ngiti ko nang biglang tumigil sa ginagawa si Uriel at nakakunot ang noo na tiningnan ako."What's funny?" seryoso ang mukha na angil niya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil seryoso ang mukha niya na parang hindi natutuwa ngunit parang hindi naman siya galit. Nakakalito."Wala naman. Mukha ka lang naman kasing binatang matanda," sagot ko. "Ang ibig kong sabihin ay bata pa ngunit may uban na," bawi ko nang ma-realized kong mali ang sinabi ko."At sino naman ang may kasalanan kung bakit ako natapunan