Alex's POV
Hindi ko maitago ang biglang pamumutla ng aking mukha sa babaeng kaharap ko na nagsasabing matalik siyang kaibigan ng kakambal ko. Kung totoo nga na best friend ito ni Alexa ay tiyak na mahahalata niya agad na hindi ako ang kaibigan niya dahil siguradong kilalang-kilala niya ang kakambal ko. Kaya walang silbi kung itago ko man sa kanya ang totoo."Nasaan ang kaibigan ko? Ano ang ginawa mo sa kanya?" prangkang tanong niya sa akin.Hindi ko naiwasan ng magpalingon-lingon sa paligid sa takot na baka may ibang tao na nakarinig sa kanyang mga sinabi. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang bisita na malapit sa amin at lahat ng mga bisita ay busy sa kani-kanilang mga kausap."Hindi nga ako si Alexa pero huwag kang mag-alala dahil wala akong ginawang masama sa kanya," sagot ko sa kanya pagkatapos ay agad kong ipinabasa sa kanya ang sulat ni Alexa na natagpuan ko sa aking kamay nang magising ako."OMG! Kung ganoon ay totoo talaga na may kakambal siya. Ikaw si Alex, right?" hindi makapaniwalang bulalas ng babae matapos mabasa ang sulat. Dali-dali nitong itinupi ulit ang sulat at ibinalik sa akin bago pa man may ibang makapansin."Kilala mo ako?" bsgama't nagtataka ay nakaramdam pa rin ako ng tuwa. Atleast may nakakakilala sa tunay kong pagkatao at hindi ko kailangang magpanggap sa harapan niya bilang si Alexa."Nabanggit ka niya sa akin pero hindi ko siya pinaniwalaaan. At nasabi rin niya sa akin ang balak niyang gawin ngunit inisip ko na nagbibiro lamang siya. Ngayon ko lang nabatid na talagang seryoso pala siya sa kanyang mga sinabi," anito habang titig na titig pa rin sa mukha ko. "Magkamukhang-magkamukha nga kayo. By the way, I'm Monic. Kaklase at best friend ng kakambal mo. Kanina pa kita kinakausap pero hindi ko man lang nasabi sa'yo ang pangalan ko.""Natutuwa akong makilala ka, Monic. May mapagtatanungan na ako tungkol sa mga bagay na may kinalaman kay Alexa."Lahat ng mga bagay tungkol sa kakambal ko na gusto kong malaman ay itinanong ko kay Monic na matiyaga naman nitong sinagot. Habang kumakain kami ay patuloy kaming kaming nagkuwentuhan na para bang matagal na kaming magkakilala. Madaldal at mabilis kasing makagaanan ito ng loob.Sa buong durasyon ng kasiyahan ay palagi nasa tabi ko si Monic. Para na ngang ito ang groom ko dahil siya ang lagi kong kasama kaysa kay Uriel na busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito sa business world. Mabuti na lang at hindi nito ako inayang makisalo sa mesa nila dahil kung nagkataong nangyari iyon ay tiyak na mamatay-matay na ako ngayon sa sobrang pagka-bored.Pasalamat naman ako na hindi na ulit ako kinausap ng mga plastik na kaibigan ng kakambal ko. Siguro natakot sila dahil kasama ko si Monic na halatadong mataray. Kinausap din ako ng ama ni Alexa, este, ama pala naming dalawa ngunit saglit lang dahil agad na itong hinila ng mga kakilala nitong businessman. Mabuti na lang at hindi lamang siya nagtagal dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko siya pakikitunguhan at kakausapin. Dahil malaki ang galit ko sa kanya. At hindi mawawala ang galit ko hangga't hindi ko naririnig ang kanyang paliwanag kung bakit niya kami iniwan ni Mama. Ngunit sana ay katanggap-tanggap ang dahilan niya dahil kung hindi ay habam-buhay ko siyang hindi mapapatawad.Nang lumalim na ang gabi at isa-isa nang nagsisipag-alisan ang mga bisita ay nagpaalam na ako kay Uriel na matutulog na. Idinahilan ko na masyado akong napagod sa pag-eestima sa mga bisita kahit na ang totoo ay si Monic naman ang halos kumakausap sa mga bisita lalo na kung hindi ko kilala.Pagkapasok ko sa kuwarto ay saglit akong natigilan at napatitig sa malapad na kama. Tila ngayon lang nag-sink sa utak ko ang aking sitwasyon. Mag-asawa na nga pala kami ni Uriel so ibig sabihin ay sa iisng kama lamang kami matutulog at gagawin namin ang ginagawa ng mga mag-asawa. Wala sa loob na pinag-krus ko ang aking mga braso sa harapan ng aking dibdib. Hindi porke't nakaligtas na ako sa honeymoon dahil narinig ko na sinabi ni Uriel sa mga kausap nito na wala itong balak mag-honeymoon sa ibang bansa dahil marami pa itong nakabinbin na mga trabaho sa kompanya nito ay makakaligtas naman ako sa aming unang gabi bilang mag-asawa."Hindi. Hindi ito puwede. Wala akong balak na ibigay sa kanya ang aking sarili kahit na guwapo pa siya at mayaman. Ibibigay ko lamang ang sarili ko sa aking mapapangasawa," parang baliw na kausap ko sa aking sarili. Ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong asawa ko na nga pala si Uriel. "Sa lalaking mahal ko at siyang tunay kong mapapangasawa at hindi bilang substitute bride," pagtatama ko sa aking sinabi.Agad akong nag-isip kung paano ko maiiwasan ang makipagtalik sa kanya. Hinanap ko ang aparador na kinalalagyan ng mga damit ngunit wala akong makitang aparador. Puro mga pintuan lamang ang nskikita ko sa loob. Pintuan ng banyo at saka may dalawa pang pintuan na ewan kung papunta saan. Una kong nilapitan ang pintuan na malapit sa akin at binuksan. Napapikit ako nang tumama sa akin ang may kalakasan at medyo malamig na panggabing hangin. Isang maluwang na terrace pala ang kanugnog na pintuan. Agad kong isinarado ang pintuan at naglakad naman palapit sa isang pintuan. Na-amazed ako ng makita kong walk-in closet pala ang panghuling pintuan na binuksan ko. Kaya pala wala akong nakitang aparador sa labas dahil narito pala ang mga magagandang damit at iba't ibang mga personal na gamit ni Uriel. Hinanap ko kung saan ang mga damit ni Alexa. Napangiti ako nang makita kong marami siyang pantulog. Kumuha ako ng lima at pinagpatong-patong ko sa aking katawan matapos kong hubarin ang isinuot kong dress sa party. May ngiti sa aking mga labi nang lumabas ako sa pintuan ngunit agad ding nabura ang aking pagkakangiti nang makita kong nasa loob na ng kuwarto si Uriel at nakasandig sa likuran ng pintuan habang naka-ekis sa dibdib ang mga braso."Bakit ganyan ang suot mo?" tanong sa akin ni Uriel habang namamasyal sa aking kabuuan ang naniningkit nitong mga mata. Tila hindi nito nagustuhan ang kanyang nakita. Napalunok ako nang maglakad ito palapit sa akin."Ah, eh. G-Ganito lang t-talaga ako kung m-matulog," nauutal na paliwanag ko. Ano ka ba, Alex? Bakit ka ba nauutal? Nasaan na ang katarayan mo?" sermon ko sa aking sarili."Really?" mahina ang boses na wika ni Uriel na huminto sa harapan ko at pagkatapos ay walang sabi-sabi na bigla na lamang akong binuhat papunta sa kama."A-Ano ang b-binabalak mo? H-Huwag mong ituloy ang binabalak mo kundi sisigaw ako," natatarantang sabi ko sa kanya. Ano ba itong nasuungan ko? Ibibigay ko ba ang katawan ko sa lalaking hindi ko mahal? Ito ba ang magiging kapalit para mailigtas ang buhay ng mama ko?Alex's POVMariin ang pagkakapikit ng aking mga mata habang hinihintay ko kung ano ang gagawin sa akin ni Uriel. Asawa na niya ako kaya kung gugustuhin niyang may mangyari sa amin ay wala akong magagawa kundi ang magpaubaya sa kanya. Baka kasi mahalata nito na hindi naman talaga ako si Alexa tiyak na malaking gulo. Maaaring hindi matuloy ang pagpapagamot ni Alexa kay Mama kapag nabuko na hindi siya ang pinakasalan ni Uriel kundi ako na kakambal ni Alexa.Habang hinihintay ko ang gagawin ni Uriel sa akin ay isang malakas na pitik sa aking noo ang naramdaman ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Nakasalubong ko ang naniningkit na mga mata ni Uriel."Silly. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin?" mula sa pagkakadagan sa akin ay bumangon siya at naupo na lamang sa gilid ng kama.Usapan namin? Ano ang usapan namin? Wala namang nababanggit sa kanyang sulat si Alexa na may usapan pala ito at ng lalaking ito. "S-Sorry. Nakalimutan ko. Nataranta kasi
Alex's POVMataas na ang araw nang magising ako. Agad kong iniligpit ang hinigaan ko at inilagay sa ilalim ng kama ni Uriel. Pinagbawalan ni Uriel ang may edad nitong katiwala na pumasok sa loob ng kuwarto namin at kahit ang maglinis sa loob ay hindi na rin nito gagawin. Dahil ako na raw ang maglilinis ng kuwarto namin magmula ngayon. Alam ko naman kung bakit ito ginawa ni Uriel. Para hindi malaman ng mga kasama namin sa bahay na hindi kami magkatabing matulog sa kama. Mautak talaga ang Uriel na ito. Napasimangot ako nang maalala ko ang lalaking iyon. Napaka-ungentleman nito. Talagang sa ibaba ako pinatulog habang ito ay masarap ang pagkakahiga sa malambot na kama. Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil sanay naman akong matulog sa matigas na sahig ngunit bilang lalaki ay dapat magpaubaya siya at ako na lamang ang patulugin sa kama niya. Pero ano nga ba ang aasahan ko sa isang taong katulad niya? Hindi naman pala niya mahal ang kakambal ko kaya niya ito pinakasalan kundi dahil may cont
Alex's PovInis ako kay Uriel kaya ipinasya kong umalis ng bahay niya at magpalamig sa isang mall. Ngunit hindi mawala-wala sa aking isip kung bakit tila galit sa akin si Aling Lorena at kung bakit ganoon na lamang kung ipagtanggol ni Uriel ang mayordoma niya laban sa akin. Mukhang malapit sa isa't isa ang dalawa at espesyal ang turing ni Uriel sa matandang iyon. "Bakit kaya hindi na lang silang dalawa ang mag-asawa tutal ay mukhang sobrang close nila sa isa't isa?" nakaismid kong sabi habang sumisipsip sa pineapple juice na binili ko sa isang juice stall. Makakatulong ang pineapple juice na ito para hindi ako ma-high blood sa dalawang taong iyon."Alexa! Ano ang ginagawa mo rito? Nagsa-shopping ka ba? Bakit nag-iisa ka lamang?" biglang tanong sa akin ng isang ginang na padaan sana ngunit biglang huminto nang makita ako. Bagama't may edad na ito ay mahahalata pa rin ang kagandahan nito noong kabataan. "N-Nagpapalamig lang po ako rito sa mall," magalang kong sagot kahit na hindi ko
Alexa's Pov"Ginabi ka yata sa pamamasyal, Sweetheart," malambing na kausap sa akin ni Uriel matapos niya akong halikan sa mga labi. Malambing ang tinig niya ngunit alam ko na kung wala lamang sa harapan niya ang kanyang ina ay tiyak na galit na niya akong sinalubong ng sermon."Sorry, Sweetheart. Medyo nalibang kami ng mommy mo sa pagkukuwentuhan kaya hindi namin napansin ang oras," malambing ang aking tinig na sagot ko sa kanya ngunit nakasimangot naman ang expression ng aking mukha. Hindi naman nakikita ng mommy ni Uriel ang aking mukha kaya libre akong magsimangot sa harapan niya para ipakita sa kanya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang paghalik sa akin."Huwag mo nang pagalitan ang asawa mo, Uriel. Totoo ang sinabi niya na masyado kaming nalibang sa pagkukuwentuhan kaya hindi namin napansin ang oras," pagtatanggol sa akin ng aking biyenan. Inirapan ko si Uriel pagkatapos ay humarap ako sa mommy niya na may matamis na ngiti sa aking mga labi. "Sa tingin ko ay hindi na mauuli
Alex's PovNakangiwi ang mukha ko habang sinisipat ko sa harapan ng salamin ang aking noo na siyang mas napuruhan ng hamba nang pintuan. Ang ilong ko na bumangga rin sa pintuan ay hindi gaanong nasaktan at hindi katulad sa aking noo na pulang-pula ang hitsura."Ba't kasi hindi ka nag-iingat, Alex? Nagmukha ka tuloy katawa-tawa sa harapan ng aroganteng lalaki iyon," sermon ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Napatingin ako sa pintuan ng aming silid nang pumasok si Uriel. Agad kong iniiwas sa kanya ang aking paningin. Alam ko kasi na pinagtatawanan niya ako sa kanyang isipan dahil sa pagiging clumsy ko. "Ilagay mo 'to sa noo mo para mabawasan ang pamumula at hindi mamaga," kausap niya sa akin. Hindi ko namalayan na lumapit pala siya sa aking tabi. Para kasi itong ninja kung maglakad. Masyadong magaan ang mga yabag na parang hindi ito malaking tao."Ano naman iya—" humarap ako sa kanya para itanong kung ano iyong ibinibigay niya sa akin ngunit naudlot ang aking pagsasalita n
Alex' s PovDahil sa pagkagulat ko nang pabiglang binuksan ni Aling Lorena ang pintuan ay hindi sinasadyang naitulak ko ng malakas si Uriel. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa nang parang palakang nalaglag si Uriel sa sahig una ang puwit. Ngunit pinigilan ko ang aking tawa dahil nakikita kong naniningkit ang mga mata ni Uriel at kung wala lamang sa paligid si Aling Lorena ay tiyak na tiniris na niya ako. Agad namang napatakbo ang matandang babae palapit kay Uriel at inalalayan itong makatayo."Ano ba ang ginagawa mo, Alexa? Bakit mo sinasaktan si Uriel?" nanlilisik ang mga matang sita sa akin ni Aling Lorena. Kung umakto ito ay parang anak niya ang sinaktan ko."Ano ba ang sinasabi mong sinasaktan ko si Uriel, Aling Lorena? Iniisip mo bang battered husband si Uriel? Hindi maganda 'yon. At saka hindi ko siya sinasaktan. Nakita mo naman kung ano ang eksenang naabutan mo pagbukas mo ng pintuan, di ba? Naglalambingan kami," nang-iinis ang boses na sabi ko sa kanya. Mainit ang dugo niya
Alex's PovFirst day ko sana ngayon sa school dahil pasukan na para sa second semester ngunit pinili ko na huwag munang mag-enrol. Unang-una ay hindi naman ako si Alexa. Hindi ako nakatuntong ng kolehiyo kaya tiyak na nganga ako sa loob ng classroom. Ayokong pagtawanan ng mga tao ang kakambal kapag bumalik na siya. Mabuti na lamang at hindi ako pinilit ni Uriel na mag-aral. Sabagay, bakit naman niya ako pipilitin gayong wala naman siyang pakialam sa akin? Ang kaso palagi lamang akong narito sa bahay kaya sobrang bored na ako. Dahil bored ako sa bahay ay nagpasya akong puntahan si Uriel sa kompanya niya. Gusto kong makita kung ano ang ginagawa niya. Lately ay tila nabawasan ang kasungitan niya sa akin. Wala naman akong ginagawang magic sa kanya para maging mabait siya sa akin. Kahit si Aling Lorena ay hindi na rin ako masyadong sinisita ngunit kapag tumitingin pa rin siya sa akin ay parang kakainin niya ako ng buhay. Ngunit deadma na lang ako sa kanya. As long as wala siyang masaman
Alex's PovMahinang ungol ang umalpas sa aking lalamunan habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at iginala sa loob ng silid na aking kinaroroonan. Bigla akong napabalikwas ng bangon ngunit agad din napabalik sa pagkakahiga at muling napapikut nang maramdaman ko ang hapdi sa aking braso."Huwag ka munang gumalaw, Miss. Baka dumugo ang sugat mo," mahinang saway sa akin ng isang tinig ng lalaki na pamilyar sa akin. Dagli kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang lalaking nagsalita na pamilyar sa akin ang boses. Brown ang mga mata niya, matangos ang ilong at manipis ang mapupulang mga labi na nakangiti sa akin. Pamilyar sa akin ang boses niya at pati na rin ang ibang bahagi ng mukha niya ngunit hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita. Walang dudang guwapo ito at imposible namang hindi ko matandaan kung may nakilala akong lalaki na kasing-guwapo niya. At si Uriel na minsan masungit minsan naman ay mabait ang tanging guwapo