Share

Chapter 105

HALOS umusok ang ilong ni Ffion nang malaman kay Chen ang nangyaring paghuli kay Ivony sa unit nito. Nagmamadaling kinuha niya ang susi at saka tinawagan si Lucas, tinanong niya rito kung saan police station naka-detain si Ivony.

"Chen, sumama ka sa 'kin."

Mabilis naman na tumango ang babae at kaagad na niligpit ang ginawa at sumunod sa kaniya papuntang elevator. Nagkukuyos ang loob niya habang nasa loob sila ng elevator dalawa ni Chen. Humigpit din ang hawak niya sa susi at cellphone sa kaniyang kamay.

'How dare you na pangunahan ako Audric! Kung sa inaakala mong natutuwa ako sa ginagawa mong ito, pwes, nagkakamali ka!

Ano 'to, hugas kamay? Dapat pinakulong mo rin sarili mo.'

Nang marating ang main floor, tinungo niya agad ang sasakyan sa parking lot at pumasok doon. Naiinis na pinagana niya ang makina habang tahimik lang sa tabi niya si Chen.

Nang marating ang nasabing police station, nakita niya roon si Audric kausap ang isang Pulis na tingin niya ay mataas ang rangko.

"Audric!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status