DALAWANG ARAW na nawala sa mansion si Crandall. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at kung ano ang ginawa niyang importante kagaya sa sinabi niya sa akin bago siya umalis no’ng isang araw. Ako lang mag-isa rito sa mansion dahil sa susunod na linggo pa naman uuwi sina Nanay Josephine at William. No’ng unang gabi na naiwan akong mag-isa rito, medyo natakot ako dahil baka muling bumalik ang mga lalaking gusto akong kunin at patayin, pero mabuti na lang at hindi naman iyon nangyari. Naka-survived naman ako ng dalawang araw at dalawang gabi. It’s three in the afternoon and I’m just standing here at the window of my room. I was just looking outside and waiting to see if Crandall would come home now. I was still bored and couldn’t think of anything else to do to distract myself. Kanina pa talaga ako nababagot. Kung hindi pa rin uuwi ngayon si Crandall, ewan ko na lang kung ano pa ang gagawin ko rito sa mansion niya! Dalawang araw pa lang akong mag-isa rito at nakakulong lang sa loob, but
“SANA ay nagpasabi kayo na dadating kayo rito sa rancho ngayong hapon, hijo!” “Ayos lang po, Nana Estella. Biglaan lang din po ang pagpunta namin dito,” sabi naman ni Crandall.Magkatabi kaming nakaupo sa papag na gawa sa kawayan na nasa loob ng kubo. Kaharap naman namin ang matandang babae na sinasabi ni Crandall na dating caretaker daw ng mansion na ngayon ay nangangalaga sa rancho nila. “By the way, Nana Estella, si Portia po. She’s my girlfriend.”Muling sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko nang ipakilala ako ni Crandall sa matandang babae. “Hello po, Nana Estella. Magandang hapon po!” bati ko rito.“Magandang hapon din sa ’yo, señorita! Ikinagagalak kong makilala ka.” “Nako, Portia na lang po ang itawag ninyo sa akin. Ayos lang po,” sabi ko. Ngumiti naman ito at saglit na ipinagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Crandall. “Natutuwa ako Crandall hijo na may bago ka ng kasintahan ngayon,” wika nito mayamaya. When I looked at Crandall, I saw a sweet
“DO you have a problem with me, Naya?” tanong ko rito nang mapagsolo kami sa kubo. Saglit kasing nagpaalam sa akin si Crandall na magtutungo siya sa kamalig para daw tingnan doon ang kalabaw nilang nanganak na. Kasama niya si Tata Berting na nakilala ko na rin kanina pagkabalik namin dito ni Crandall mula sa pangangabayo. At simula kaninang pumuwesto kami ni Crandall dito sa kubo ay hindi na rin umalis ang babaeng ito at panay ang pakikipag-usap sa boyfriend ko kahit wala naman ng sense ang mga tanong nito. “Bakit mo naman naitanong kung may problema ako sa ’yo, Portia?” sa halip ay balik na tanong nito sa akin. “Well, napapansin ko lang kasi... simula nang dumating kami ni Crandall dito kanina ay masama na ang tingin mo sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit?”Bumuntong-hininga ito. “Simple lang naman ang dahilan ko,” sabi nito. “At hindi na ako makikipagplastikan sa ’yo, Portia. Hindi kita gusto para kay señorito.”Biglang nangunot ang noo ko at napatitig nang seryoso rito
PAGKAMULAT pa lamang ng aking mga mata kinabukasan, ang nahihimbing at guwapong mukha ni Crandall ang kaagad na nasilayan ko habang mahigpit na nakayakap sa akin ang mga braso nito. Our faces were so close to each other that I could feel his hot breathing. Oh, just like the other day! Noong unang beses na natulog kami ng magkatabi roon sa kuwarto ko. Wala sa sariling napangiti ako bigla habang pinagmamasdan ko ang guwapo niyang mukha. Wait, why am I here in his room? Later, I suddenly remembered what happened with Crandall and me last night. My eyes widened at pinakiramdaman ko bigla ang aking sarili. And when I felt the pain between my thighs, roon ko lubusang napatunayan na totoo nga ang nangyari sa amin kagabi. I gave myself to Crandall last night. Nagpaubaya na ako sa kaniya. Habang nakatitig sa kaniyang mukha, dinadama ko ang puso ko kung may pagsisisi ba akong nararamdaman sa mga sandaling ito. But nothing. I didn’t feel any regret at this moment. Instead, my heart feels so
“WALA pa rin bang balita hanggang ngayon kung nasaan si Portia?” tanong ng ina ni Jass habang nasa labas ito silid na inuokupa ng dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. “Pasensya na po kayo Ms. Gomez, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol kay Ms. Portia Martinez,” sagot ng pulis. “Pero huwag po kayong mag-alala, ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap siya at ng maimbistigahan pa po namin nang husto ang tungkol sa nangyari sa anak ninyo.”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ng ginang dahil sa mga sinabi ng pulis. “God! Ilang linggo ng nandito sa ospital ang anak ko. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo nahahanap ang babaeng ’yon! Paano naman mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa anak ko? Talaga bang ginagawa ninyo nang maayos ang trabaho ninyo?” makahulugang tanong pa nito sa pulis. Saglit na nagkatinginan ang dalawang pulis bago nagsalita ulit ang isa. “Ginagawa naman po namin nang maayos ang trabaho namin, Ms. Gomez.
“AND where are you going, Nanay Josephine?” kunot ang noo na tanong ni Crandall kay Nanay Josephine habang nasa hapag kami at kumakain nang haponan.“Kailangan ko kasing umuwi sa probinsya dahil may reunion kaming mag-anak sa susunod na linggo. Uuwi rin kasi ang kapatid kong galing abroad kaya magpapaalam sana ako sa ’yo na kung maaari ay magkabasyon muna ako ng kahit tatlong linggo lang.” Anang Nany Jo.“Kasama mo rin ba si Wiliiam?”“Sasama po ako kay Nanay, kuya. Matagal ko na rin po kasing hindi nakikita ang mga pinsan ko,” sagot naman nito. Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap sila. May ibang iniisip din kasi ako sa mga sandaling ito. I mean, ’yong mga lalaking nakita ko kanina na kausap ni Crandall pati ang narinig kong mga sinabi niya sa kausap niya sa cellphone kanina ay ayaw pa ring mawala sa isipan ko. I wanted to put that out of my mind because I might have misunderstood what I heard, but I couldn’t. Paulit-ulit iyon sa isipan ko na parang sirang plaka. Tila ba ma
SUNOD-SUNOD pa rin na pumapatak ang mga luha ko habang ang takot sa puso ko ay mas lalo pang lumalakas. Mas lalo rin nanginig ang katawan ko habang unti-unti pa rin akong umaatras habang si Crandall naman ay papasok na rin sa pintuan.Si Crandall ang salarin sa pagkamatay ni Jass? Siya ang nag-utos na ipapatay ang kaibigan ko nang gabing iyon?Mas lalo akong napaluha dahil sa isiping ’yon. Oh, God! Why? Why did I fall in love with a murderer? Why did my heart fall for Crandall, as he was the one to blame for the death of my best friend? “Portia!”“N-No! P-Please!” nanginginig ang boses na pagsusumamo ko sa kaniya. “D-Don’t come any closer! Huwag kang lalapit sa akin.”Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang nakaharang doon, hindi ko magawang alisin sa kaniya ang paningin ko. Labis akong nasasaktan ngayon dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko matanggap ang mga narinig ko mula sa kaniya.“Ikaw... ikaw ang nag-utos para patayin si Jass!”Biglang nangunot ang kaniyang noo at mababa
LATAG na ang gabi at wala akong ibang naririnig na ingay mula sa nakabukas na pinto ng bintana kun’di ang mga huni ng panggabing hayop sa paligid. Mula sa pagkakahiga ko sa kama, bumangon ako at tumayo. Nagpakawala pa ako nang malalim na buntong-hininga saka buong lakas na naglakad palapit sa pinto. Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at pinihit iyon pabukas. Medyo madilim na ang pasilyo at siguro ay nasa silid niya na si Crandall at nagpapahinga. Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahang isinarado ulit ang pinto. And because I could hear my slippers making noise, I took them off and walked on my bare feet until I reached the top of the stairs. Dalawang ilaw lang din ang nakabukas doon kaya dim lamang ang liwanag sa buong sala. Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Kanina ko pa pinag-isipan na subukan ulit na tumakas kay Crandall, tutal naman at umalis din kanina ang mga tauhan niya kaya dalawa na lamang kami ang nandito sa mansion niya. Even though I was nervous