“WALA pa rin bang balita hanggang ngayon kung nasaan si Portia?” tanong ng ina ni Jass habang nasa labas ito silid na inuokupa ng dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. “Pasensya na po kayo Ms. Gomez, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol kay Ms. Portia Martinez,” sagot ng pulis. “Pero huwag po kayong mag-alala, ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap siya at ng maimbistigahan pa po namin nang husto ang tungkol sa nangyari sa anak ninyo.”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ng ginang dahil sa mga sinabi ng pulis. “God! Ilang linggo ng nandito sa ospital ang anak ko. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo nahahanap ang babaeng ’yon! Paano naman mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa anak ko? Talaga bang ginagawa ninyo nang maayos ang trabaho ninyo?” makahulugang tanong pa nito sa pulis. Saglit na nagkatinginan ang dalawang pulis bago nagsalita ulit ang isa. “Ginagawa naman po namin nang maayos ang trabaho namin, Ms. Gomez.
“AND where are you going, Nanay Josephine?” kunot ang noo na tanong ni Crandall kay Nanay Josephine habang nasa hapag kami at kumakain nang haponan.“Kailangan ko kasing umuwi sa probinsya dahil may reunion kaming mag-anak sa susunod na linggo. Uuwi rin kasi ang kapatid kong galing abroad kaya magpapaalam sana ako sa ’yo na kung maaari ay magkabasyon muna ako ng kahit tatlong linggo lang.” Anang Nany Jo.“Kasama mo rin ba si Wiliiam?”“Sasama po ako kay Nanay, kuya. Matagal ko na rin po kasing hindi nakikita ang mga pinsan ko,” sagot naman nito. Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap sila. May ibang iniisip din kasi ako sa mga sandaling ito. I mean, ’yong mga lalaking nakita ko kanina na kausap ni Crandall pati ang narinig kong mga sinabi niya sa kausap niya sa cellphone kanina ay ayaw pa ring mawala sa isipan ko. I wanted to put that out of my mind because I might have misunderstood what I heard, but I couldn’t. Paulit-ulit iyon sa isipan ko na parang sirang plaka. Tila ba ma
SUNOD-SUNOD pa rin na pumapatak ang mga luha ko habang ang takot sa puso ko ay mas lalo pang lumalakas. Mas lalo rin nanginig ang katawan ko habang unti-unti pa rin akong umaatras habang si Crandall naman ay papasok na rin sa pintuan.Si Crandall ang salarin sa pagkamatay ni Jass? Siya ang nag-utos na ipapatay ang kaibigan ko nang gabing iyon?Mas lalo akong napaluha dahil sa isiping ’yon. Oh, God! Why? Why did I fall in love with a murderer? Why did my heart fall for Crandall, as he was the one to blame for the death of my best friend? “Portia!”“N-No! P-Please!” nanginginig ang boses na pagsusumamo ko sa kaniya. “D-Don’t come any closer! Huwag kang lalapit sa akin.”Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang nakaharang doon, hindi ko magawang alisin sa kaniya ang paningin ko. Labis akong nasasaktan ngayon dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko matanggap ang mga narinig ko mula sa kaniya.“Ikaw... ikaw ang nag-utos para patayin si Jass!”Biglang nangunot ang kaniyang noo at mababa
LATAG na ang gabi at wala akong ibang naririnig na ingay mula sa nakabukas na pinto ng bintana kun’di ang mga huni ng panggabing hayop sa paligid. Mula sa pagkakahiga ko sa kama, bumangon ako at tumayo. Nagpakawala pa ako nang malalim na buntong-hininga saka buong lakas na naglakad palapit sa pinto. Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at pinihit iyon pabukas. Medyo madilim na ang pasilyo at siguro ay nasa silid niya na si Crandall at nagpapahinga. Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahang isinarado ulit ang pinto. And because I could hear my slippers making noise, I took them off and walked on my bare feet until I reached the top of the stairs. Dalawang ilaw lang din ang nakabukas doon kaya dim lamang ang liwanag sa buong sala. Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Kanina ko pa pinag-isipan na subukan ulit na tumakas kay Crandall, tutal naman at umalis din kanina ang mga tauhan niya kaya dalawa na lamang kami ang nandito sa mansion niya. Even though I was nervous
OH, THANK GOD! Mabuti na lamang at may nakita akong sasakyan at tinulungan ako ng lalaking ito. Kahit papaano ang takot at pag-aalala sa puso ko ay bahagyang nabawasan. I also felt hope and excitement in my heart that I would be able to go home again after a few weeks of staying at Crandall’s mansion because of what happened that night. Malalaman ko na rin kung ano ang nangyari kay Jass pagkatapos kong tumakas sa bahay ni Wigo. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere upang pakalmahin ang puso ko.“Here, miss. Uminom ka muna.”Napalingon ako sa lalaking tumulong sa akin. And when I saw him handing me bottled water, I didn’t refuse to accept it. Kanina pa talaga ako nauuhaw, e!“T-Thank you!” ngumiti ako rito saka binuksan ang bote at ininom ko iyon. Halos maubos ko pa nga ang laman niyon.Oh, thank God, again! Tuyong-tuyo na talaga ang lalamunan ko kanina pa.“May I know your name, miss?”Muli akong napalingon sa lalaki. I think he’s only a few years older than me. He sti
“SO, how’s the meeting with Rufo?” tanong ni Crandall sa kaibigan.“Ayos na sana. Kaso ang lokong ’yon... ayaw pumirma sa kontrata kung hindi ka raw pupunta sa binyag ng anak niya,” natatawang sabi ni Creed sa kaniya. Bumuntong-hininga naman siya habang nakakunot ang kaniyang noo. “Just tell him na hindi ako siguradong makakapunta roon. Marami lang akong inaasikako ngayon,” aniya.“I already told him that, bro. I have also made another excuse. Pero ayaw talaga maniwala ni Montague.”“Alright. Kapag hindi ako naging busy that day, sasama na ako sa ’yo. Kailangan natin ang kontrata na ’yon next month. Hindi puwedeng hindi matutuloy ang construction ng building with in three months.”“Hindi ka talaga tatantanan ng lalaking ’yon hanggat hindi ka nakukuhang ninong ng anak niya. Loko ang Montague na ’yon. Parang naghihirap sa buhay at naghahanap pa ng mayaman na gagawing ninong at ninang sa pangatlo niyang anak.” Natatawa pang saad ni Creed sa kaniya. Maging siya man ay napangiti na laman
“P-PAANO pala kayo napunta ni April sa lugar na ’yon, Fritz?” tanong ko habang malayo-layo na ang nababaybay ng sasakyan ni Fritz. Kahit papaano talaga ay nakahinga na ako nang maluwag na makakauwi na ako sa amin dahil si Fritz at April na ang nakakita sa akin kanina. “No’ng isang linggo pa talaga kami nagpapabalik-balik sa lugar na ’yon,” si April ang sumagot. “Nang malaman ko kasi ang nangyari kay Jass, nag-alala ako para sa ’yo. Tapos nakatanggap pa ako ng tawag galing kay April at sinabi niyang nagpunta ka raw sa resthouse ng jowa ni Jass nang gabing mangyari ang krimen sa kaniya. Sa labis na pag-aalala ko para sa ’yo, sinabihan ko si April na samahan akong pumunta rito para hanapin ka. Wala pa kasing balita ang mga pulis tungkol sa ’yo. Ilang araw na kaming bumabalik sa resthouse ni Wigo at sa mga kalapit na lugar para hanapin ka. Mabuti at kanina nakita ka na namin habang nagpapahinga kami roon ni April.” Pagpapaliwanag ni Fritz sa akin. I took a deep breath and smiled sparin
“MS. GOMEZ, pasensya na po! Pero hindi po natin puwedeng i-detained si Ms. Martinez hanggat wala pa po tayong sapat na ebidensya na makapagpapatunay na siya nga ang may kagagawan sa nangyari sa anak ninyo,” sabi ng pulis na kumausap sa amin ng mama ni Jass. Nasa presinto kami ngayon. Sumama na ako sa mga pulis kanina dahil nagwawala na si Tita Mary Anne sa hallway ng ospital. I was also not to blame for what happened to Jass, so I wasn’t afraid to go with them. “What? Akala ko ba kapag nahanap na ang babaeng ito ay makukulong na siya dahil sa nangyari sa anak ko? Tapos ngayong nandito na siya sa harapan ninyo ay sasabihin n’yo sa akin na hindi ninyo siya puwedeng ikulong?” nanggagalaiting tanong nito.“Tita May, wala naman po talaga akong kasalanan sa nangyari kay Jass,” sabi ko.Matalim na titig ang ipinukol nito sa akin. “Wala? E ikaw lang naman ang nagtungo sa rest house ni Wigo nang gabing iyon, hindi ba? Tapos bigla kang nawala. So sino ang sisisihin ko sa nangyari kay Jass, Po